For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

That Sweet Moments

250 12 14

have you once dreamt that you're best friend could be the one for you?? or have you imagined that falling inlove with your best friend can be wonderful??

"Derek! para kang babae oh! Bilisan mo naman malelate na tayo!"

"OO na! napaka demanding neto ikaw na nga nakikisabay sakin eh! Why can't you use your car?"

"Kinuha ni daddy yung susi. Magaral muna daw ako magpark ng maayos at magaaral daw ako tumingin ng mga poste. Tsaka di ako mahahatid ni Manong kasi si Mommy at Daddy yung ihahatid nya sa Makati"

"Banggain daw ba kasi yung nananahimik na poste. Ewan ko ba sayo napaka clumsy mo"

"Ewan ko din sayo!"

Ganyan kami mag-usap araw-araw ni Derek. 

Si Derek. Derek Jose Perillo. Best friend ko. Since nursery ako at kinder sya. Hindi ko na matandaan kung paano kami nagkakilala pero sabi nya nagkakilala daw kami nung may coloring session noon at titig na titig daw ako sa apple na kinukulayan nya bigla ko daw sya tinanong kung pwede daw ba kainin yon. Ewan ko kung totoo yun pero pag pinaguusapan namin yun napapatawa nalang kami.

Ako nga pala si Aya. Maraiah Anna Montecillo. 2nd year Fashion Designing student sa Beverley Collge. As usual, ka school mate ko din si Derek. 3rd year na sya ngayon and he's taking up Nursing. Pre-Med daw nya. Ewan ko ba dun masyadong adik sa pag-aaral. Ako, kalma lang. I love what I do naman kasi. eto na kasi talaga yung dream ko simula bata pa lang ako. Magkaibang-magkaiba talga kami diba? pero naging magbestfriend padin kami. madalas kami magaway nyan pero hindi namin alam kung bakit hindi tumatagal ng isang araw yung away namin. yung tipong after namin mag-away mga ilang minutes lang magkakatinginan kami tapos biglang tatawa na lang. 

Hindi nawawala yung tinutukso kami ng mga tao na kami din daw ang magkakatuluyan. parang hindi naman. malayo sa katotohanan. tsaka isa pa may girlfriend sya. si Maya. Kaklase nya yun nakilala ko na din muntik na nga magbreak yung dalawa dahil sakin, paghinalaan ba naman akong kabit ni Derek. Wow diba?? Pero ok na kami. We're in good terms naman I think.

"Anung oras labas mo mamaya?" tanong nya sakin. Inaalala ko yung sched ko ng bigla syang nagsalita.

"3pm pala labas nyo. 4pm ang saakin hintayin mo ako sabay na tayong uuwi."

"Eh?! Maghihintay pa ako ng isang oras?? Anung gagawin ko nun?" nakatingin ako sa kanya habang napapkamot sya sa ulo nya. mannerism na talaga yun pag nagiisip.

 "Si Jasmine, samahan mo nalang tutal maghihintay yun kay Lyon"

"Sige na nga. Bye" bumaba ako sa kotse nya na disappointed. I hour ba naman akong paghintayin. Maglalakad na sana ako papasok ng bigla syang nagsalita. 

"Ayusin mo nga yang nguso mo baka dyan na tayo dumaan dyan mamaya. ang haba na naman eh" 

"Che!!" naglakad na ako palayo habang naririnig ko pa yung tawa. Anlakas talaga mang asasr nun. 

You After AllBasahin ang storyang ito ng LIBRE!