For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Undetected

3 0 0

Pinilit kong huwag mailang kay Sho. Pero alam ko sa sarili kong hindi na biro itong nararamdaman ko. Alam kong kung hindi pa ako iiwas, mahuhulog na ako ng sobrang lalim at mahihirapan na kong umahon. Bawat oras na bibalewala ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, unti-unti akong nalulunod sa emosyong hindi ko naman dapat maramdaman.

Nalaman kong niligawan niya si Monica. Nainis ako. Hindi ko alam kung dahil hindi niya sa akin sinabi ito, o dahil nag-seselos lang ako. Pinilit ko ang sarili kong paniwalaan ang una kong dahilan.

"Huy!" sumigaw si Sho sa gitna ng canteen. Alam kong ako ang tinatawag niya. Katatapos ko lamang kumain. Balak ko pa sanang mag-stay doon ngunit nakita ko siya.

Nag-paalam na ko sa mga kasama ko. Patuloy lang ako sa pag-lalakad.

"Betty, ano ba?" tila galit na din siya.

Sinundan niya ko ngunit hindi ko pa din siya pinapansin.

"Nag-away ba tayo? Galit ka ba?" naiinis na siya. Naririnig ko ito sa boses niya.

Huminto ako. Hindi ko talaga alam kung paano siya haharapin, hindi ko alam ang sasabihin.

At ginawa niya ang isang bagay na nagpa-manhid sa buo kong pagkatao, hinawakan niya ang kamay ko. "Ano ba kasi ang nangayayari sayo?"

Tinignan ko muna ang mga kamay niyang hawak-hawak ang kamay ko. Nararamdaman kong nanginginig ako. Wari ko'y matutunaw na ako. "Wala, pagod lang ako." tipid kong sagot.

"Pagod?" sakastiko niyang tanong. "Ako pa ba ang lolokohin mo?"

Mag-sasalita na sana ako ng biglang may tumawag sakaniya. "Baby!" Hindi na ako nagulat. Si Monica yun. Dala ang kaniyang pink na tote bag, papalapit siya sa amin.

"Alam mo, uuwi na ko, Gusto ko na talagang matulog. Masyado akong napagod sa pag-tuturo sayo." Aalis na dapat ako pero hindi niya talaga binitawan ang mga kamay ko.

"Gelai, teka. Saglit lang." mahinahon na siya.

"Nag-hihintay ang girlfriend mo." Nasa tabi na namin si Monica. Naka-akbay siya kay Sho.

Hindi ko alam pero naiiyak na ko nung ga panahon na iyon. Pinipilit kong pigilan ang mga luha. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin, kaya't kailangan ko na ngang umalis.

"Nag-tatampo ka pa din ba sakin?" bumulong lang siya.

"Sho, utang na loob. Wag dito. Maraming tao." Inalis na niya ang pagkaka-hawak sa akin. Hindi na ko tumingin sa kaniya at tumalikod na ko.

Akala ko, makaka-alis na ko. Pero nagulat ako ng bigla na lang siyang sumigaw. "Sige, umalis ka! Mag-walk-out ka na naman!"

Nanlaki ang mga mata ko. Huminto ako at nilingon ko siya. "Ano?"

"Akala ko ba bestfriend kita? Eh bakit nagkaka-ganytan ka? Bakit hindi mo ko maintindihan?" Sumisigaw pa din siya.

Hambog tong lalaki na to. Sigawan daw ba ko sa harap ng maraming tao? "E gago ka pala! Ang hirap mo kasing intindihin!" Sumisigaw na din ako.

Nakita kong nakatingin na ang lahat sa amin. "Anong ako? Ikaw ang palaging parang may PMS diyan! Nung isang linggo lang okay tayo, tapos bigla ka nalang hindi mamansin. Ang labo mo Gelai!"

Hindi na ko nakapag-pigil. Lumapit na ko sa kaniya at binalibag sa kaniya ang bag at mag librong dala ko. "Masyado ka kasing immature! Akala mo kung sino kang gwapo kung mag-palit ka ng girlfriend!" Dere-deretso na ang pag-sasalita ko. "Hindi ko na alam kung ano ba talagang gusto mo! Kung bakit hindi ka makuntento sa isa! Pinilit kong intindihin Sho, tatlong taon ko ng iniintindi yang kagaguhan mo na yan!"

Hindi siya umimik pero nakita kong galit na din siya. Alam kong gusto na din niyang sumigaw.

"Akala mo ba nakaka-tuwa ka pa?" pag-papatuloy ko. "Akala mo ba maganda pa yang pinapakita mo? Pinapabayaan mo yung pag-aaral mo. Nananakit at nagpapa-iyak ka ng babae! Tapos kung umasta ka parang wala lang? GAGO!"

"Sino ka ba para pag-sabihan ako ng ganyan? Dinaig mo pang nanay ko, e bestfriend lang naman kita!" Sigaw din niya.

Sa mga sinabi niya na yu, tila dinurog ang puso ko. Hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko, umiyak na ako. "Tama ka, bestfriend mo LANG naman ako." mahinahon kong sagot.

Hiningal ako doon. Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin at nagawa ko yun. Naka-tingin lang silang lahat, siguro'y nagulat lang din sa inasal ko.

Pinulot ko na lang ang mga gamit ko. "Gelai, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang sabihin 'yun" nilapitan niya akong muli. Umiiyak pa din ako pero hindi ko na kaya.

"Sho, please. Tama na ang drama para sa araw na to." Tumayo na ako. Tinignan ko lahat ng mga nakatingin sa amin. "Ano? Para kayong nanood ng teleserye? Pasensya kayo, hanggang dun lang ang palabas." Nag-taray na ako.

Hindi ko na sinubukan pang lumingon at umalis na akong tuluyan.

Not so typical Love StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!