Biyahe sa bus

20 0 0

Malamig... Umuulan... Tuliro...  Litong-lito...

Pasakay na ako ng bus papuntang Los Banos. Doon kasi ako nag-aaral at kasalukyang kinukuha ang kursong BS Biology. Komportable yung bus na nasakyan ko. Pang dalawang tao sa bawat linya at malamig pa ang loob. Unti-unting napupuno ang bus habang nananalangin akong walang taong tatabi sa akin.

Shit! Punyemas naman.

Nararamdaman kong paupo na tong babae sa tabi ko. Wala akong magawa. Inalis ko yung laptop bag na nakalagay sa seat. Umupo na siya. Tumingin ako sa bintana upang iwasan ang kahit anong pangagamusta. Tuliro kasi ako noon. Sinabayan pa ng ulan yung kalungkutang nararamdaman ko. Nalaman ko na lang kasi na yung best friend kong noon ko pa mahal ay mayroon nang boyfriend. Di ko man lang nasabi yung nararamdaman ko. Di man lang niya ako sinabihan. Nalaman ko na lang sa facebook.

Tulog... Madilim....

Pagbukas ng aking mga mata, nasa slex pa lang kami. Palapit na yung kundoktor kaya nama'y hinanda ko na yung bayad ko. Nasa laptop bag ko yung wallet ko kaya naman hindi ko na naiwasan tumingin sa katabi ko.  Tulad ko, tuliro rin siya. Di ko naman siya pinansin. Isa lang naman akong estranghero sa kaniya. Nakita ko yung bag tag na nakakabit sa Jansport niya. "Ahhhhh. Jillian pala pangalan niya". Sinabi ko sa aking isip...

Bumalik sa pagmumuni.... nakatulog... madilim...

Pagbukas ng aking mga mata, nasa Calamba na kami. Doon ko nalaman yung dahilan nung pagkagising ko. Si ate na katabi ko, nakasandal na sa balikat habang mahimbing ang tulog. Gusto ko sanang alisin yung ulo niya sa balikat ko kaya lang naalala ko yung best friend ko, si Jenna. Kalimitan rin kasi niyang sinasandal ang kanyang ulo sa aking balikat tuwing magksama kami.

Humapdi nanaman yung puso ko. Naalala ko nanaman siya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon di pa rin ako nakaka move-on. Naaala ko yung mga panahon na pag nagpupuyat siya dahil sa mga projects, sinasabayan ko siya hanggang makatulog. Yung mga panahon na kaylangan niyang mag stay hanggang 9 pm sa school dahil sa mga responsibilidad niya, iintayin ko siya sa pinto ng faculty room hanggang matapos sila kahit nilalamok na ako. Masaya naman ako tuwing alam kong ligtas siya. Ihahatid ko siya hanggang sa gate nila at ito naman si Tita na kakamustahin ako. Noong bata pa lang kasi kami nagkakilala kaya matalik na magkaibigan ang aming mga magulang. Lihim yung pagmamahal ko sa kniya. Kahit di niya mabigay yung pagmamahal na binibigay ko sa kaniya, okey lang sa akin. Wala naman syang hinhingi sa akin. Kusa akong nagbibigay.

Biglang natigil yung pagmumuni-muni ko. Nagising ata si ate. Di ko namalayan na mayroon ng mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Napatingin siya sa akin. Doon ko unang nasulyapan yung singkit na mata ni Jillian. Ramdam ko na may lahi siyang intsik.

"Sorry sa abala ah. Di ko napansin na nakatulog na pala ako sa balikat mo", imik ng boses ni Jillian na may halong pagkahiya.

"Okay lang yoon", sabay ngiti naman sa kaniya. Tumigil yung bus sa SM Calamba. Tumayo si Jillian at kinuha ang lahat ng kanyang gamit.

"Dito na ako", muling bigkas ni Jillian. Sinalubong ko lang naman siya ng ngiti. Umalis na siya at di niya namalayan na naiwan niya yung watch  na nahulog mula sa bag nya kanina. Medyo may kalumaan ang watch. Di pa siya mamahalin. Sa katunayan, ito nga lang yung mga watch na nabibili ng trenta pesos sa bangketa. Napaisip ako dahil ang impresyon ko nga sa kaniya ay isang mayaman na studyanteng first time lang magcommute. Baka nasiraan lang siya ng sasakyan kaya't napilitang magbus.

KolehiyoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!