Chapter 12 *Best day yet worst*

139 2 0

Chapter 12

*Best day yet worst*

[RENZ'S POV] 

3 weeks na din ang nakalipas matapos ang Halloween Party. At wala na din akong natanggap pang sulat mula kay James, siguro nanttrip lang yun. Kailangan ko na masanay, saturday ngayon at malamang wala kaming pasok. May usapan kami ni Franz na gagala kami mamaya, actually kasi monthsary namin. 1 month na kami!

Sa sobrang excited ko, di na ko makapili ng susuotin ko at di ako mapakali. Parang may mangyayaring hindi maganda pero di dapat, monthsary namin eh. Dapat di ako magisip ng kung ano anong bagay. Enjoy nalang namin ni Franz tong araw na to 

*Beep*

Someone texted me. Maybe it's Franz but....

'Kita tayo sa court pare. Mamayang alas onse ng gabi. Wag ka magsasama ng iba'

Unknown number. Sino kaya to? I replied

'Sino to?'

Lumipas na ang tatlong minuto pero wala parin siyang reply. Baka wrong send?

[FRANZ'S POV]

Excited na ko, nagtext na ang aking minamahal na kasintahan. First time to, first date, and this is our first monthsary.

"Franz, si Renz nasa baba na. Di ka pa ba tapos jan kakapaganda?" Tanong sakin ni Kuya. 

"Eto na. Eto na"

Pagkababa ko, ang gwapo ni Renz. Disenteng disente ang suot kaya mahal ko yang lalaki na yan eh.

"Franz, bawal magpagabi ah? Malilintikan ka sakin. Dapat 9pm nandito na ka. Ikaw naman Renz, ingatan mo kapatid ko ah? Umuwi kagad kayo" sabi ni Kuya

"Oo na. Wala ka bang tiwala sakin kuya? Uuwi ako ng maaga. Promise! Sige babye na, loveyou kuya. Thanks"

**

"Renz, ano na? Asan na tayo? Pwede ko na ba tanggalin yung hanky sa mata ko?"

"No no no. Wait, don't be so excited. Malapit na tayo, just hold my hand"

Naglalakad kami ni Renz ngayon, ewan ko kung saang lupalop na kami. Ayaw pa kasi niya tanggalin yung hanky sa mata ko.

"Okaay, slowly. We're here"

Dahan dahan niya tinanggal yung nakapiring sa mata ko. Eh dahil nga matagal tagal din nakapiring yung mata ko, di pa ganun kalinaw yung nakikita ko. Kinusot kusot ko yung mata ko, pagkadilat ko nasa park kami. Ang ganda ng place, mukhang pinaghandaan niya talaga. May mga candles pa, may mga petals sa grass, and syempre dito daw kami magddinner mismo sa ilalim ng puno. 

"Renz, di mo naman kailangan gawin to eh. Di ka na dapat nageeffort. Makasama lang kita ngayong araw na to, masaya na ko."

"Franz, di pwede. 1st monthsary natin to, kailangan bongga. Tska nagustuhan mo ba?"

"Oo naman, sa sobrang ganda malamang nagustuhan ko. Happy monthsary baby" Kiniss ko siya sa cheeks, hinug ko rin siya.

"Happy 1st monthsary din baby. C'mon let's eat"

Maya maya may narinig akong tunog ng violin. Papalapit sa amin, ang ganda ng kanta. Napakaromantic talaga

Tapos na kami kumain. Dinala ako ni Renz sa isang lugar malapit din sa park, may nakalatag na cloth dun. May petals parin and candles. Humiga si Renz dun, pachillax chillax.

"Baby, tara dito sa tabi ko. Higa ka din"

"Ayoko nga, nakaskirt ako eh. Nakakahiya"

"Tara na baby. Please?" Hala sige nagppuppy eyes siya. Eh dahil monthsary naman namin, pagbibigyan ko nalang siya.

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!