For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Bumuntong hininga na lang si Asher. Nirelax ang sarili at niyakap na rin ang nakapikit na binata.

“Don’t get me wrong sweetheart, nagseselos lang ako dahil ayaw kong mawala ka sa akin,” bulong ni Gerald na nakapikit pa rin.

Ipinikit na rin ni Asher ang mga mata. Panatag ang loob niya ‘pag ganitong nasa tabi niya si Gerald. Damang-dama niya ang pagmamahal ng boyfriend kahit lagi niyang inaasar ito. Hindi siya makapaniwala na sa sandaling panahon na nakilala niya si Gerald ay mamahalin niya ito kaagad. Hindi naman siya ‘yung tipong madaling ma-impress dahil gwapo or maganda ang pangangatawan ng isang lalaki.

"I love you very much, too. Sana nga forever na ‘to," bulong ng dalaga.

Nagulat pa si Asher nang bigla na lang itaas ni Gerald ang mukha niya at malambing siyang hinalikan ng binata. Dampi lang ito pero ramdam ni Asher, punung-puno ito ng pagmamahal.

"Sana nga sweetheart, tayo na forever. Iniisip ko ang mga pagkakataon na mauugnay ang pangalan ko sa mga kasamahan ko sa trabaho. Sana huwag kang bibitiw agad-agad. Sana pag-usapan muna natin kung anuman ang problema. Promise me, hindi mo gagawin ‘yung sinabi mo na you will be gone right away and I will never see you again ‘pag nabalitaan mong may ibang babae sa buhay ko. That you will give me a chance to explain dahil sinasabi ko sa iyo ngayon, wala pang babaeng naugnay sa akin na ganito katindi ang emosyon at pagmamahal na naramdaman ko. Sa iyo ko pa lang naramdaman itong emosyon na ‘to.”

Naramdaman ni Asher na humigpit ang yakap ni Gerald sa kanya nang hindi agad siya sumagot. “Sweetheart?” nag-aatubiling tawag sa kanya ni Gerald. “Huwag kang bigla na lang mawawala dahil sa nakita or nabasa mo sa mga newspapers and tabloids ha. Please say yes,” seryosong pakiusap nito kay Asher.

Tumango na lang si Asher, nagsisikip ang dibdib niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kinakabahan siya. Bigla niyang naramdaman na parang may mga matang nakatingin sa kanilang dalawa ni Gerald. Iginala niya ang paningin at nagtama ang mga mata nila ni Trina na nagulat pa ng mahuli siya ni Asher na nakatingin sa kanilang dalawa. Nakaupo ito sa may unahan nila sa kabilang side. Malakas ang kutob ni Asher na nakikinig ito sa usapan nila ni Gerald. Nagtataka si Asher bakit parang may guilt sa mga mata nito nang mahuli niyang nakatitig ito sa kanila ni Gerald. Maganda siya, mestiza at mukhang hindi din basta-basta judging sa pananamit at pag-aayos nito. Hindi siya mukhang ordinary fan lang. Nginitian ni Asher si Trina, trying to hide her confusion sa nakitang expression ng babae.

"Bakit ganoon ang tingin niya sa amin?" naalala ni Asher ang mga Kimeralds. Hindi kaya Kimerald ito? Sa isip-isip ni Asher.

"What is wrong sweetheart, bakit bigla ka yatang tensed na naman?"  

"May babaeng pakiramdam ko ay kanina pa nakatingin at nakikinig sa atin. Kinakabahan ako the way na tumingin siya sa atin. Hindi kaya Kimerald ‘yan?"

"Huwag mo na pansinin ‘yan Baby Girl. Close your eyes na lang para hindi mo siya makita. Anong gusto mong gawin natin sa Cebu after ng game namin? Pwede siguro tayong mag-extend kahit one day lang. Palagay mo? Pwede ka ba?"

"Parang hindi magandang tingnan na maiwan pa tayong dalawa lang. Saka na lang uli tayo bumalik, yung hindi masyadong alam ng tao na magkasama tayo."

"Promise mo yan ah, you will go out of town again with me before you leave."

"Oo promise. After the charity game I have another week and promise I will spend that time with you."

Napadilat uli ang mata ni Gerald, “You said that, a week with me... out of town?” Hindi maitago ang tuwa sa mukha ng binata.

"Not a week but maybe a day or two?"

"Three,"  tawad ni Gerald na gising na gising na ang diwa dahil sa sinabi ni Asher.

Sana Ikaw Na NgaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!