Emotions

3 0 0

Doon na nga natulog si Sho. Dinalan kami ni Tita Sandy ng hapunan pagkatawag sakaniya ni Sho.

Pang-limang pelikula na yung pinapanood namin, No Strings Attached, nang mapansin kong tulog na si Sho. Magkatabi kami sa sofa. Magka-dikit ang mga balikat at braso namin, nakasandal ako sakaniya. Hindi siguro sya maka-sandal sakin kaya't sa may ulo ng sofa niya isinandala ng ulo niya.

Medyo makalat na yung bahay. Puro balat ng pagkain at basyo ng inumin. Lumabas kasi kami kanina at bumili si Sho ng ilang bote ng beer. Pampa-tulog daw niya pag na-bored siya sa mga pinapanood ko.

Papatayin ko na sana yung TV ngunit nakita kong patapos na, kaya't hinintay ko ng matapos. Ending na siguro yun, nag-kita na ulit kasi si Natalie Portman at Ashton Kutcher. Nakatitig ako sa TV, dinadama ko yung bawat linya na sinasabi ni Ashton. Kinikilig ako mag-isa, actually. At kasabay ng huling linya ni Ashton, nag-salita din si Sho.

"..if you come any closer, I'm not letting you go." Akala ko ay nagising sya at sinabayan lang niya si Ashton, ngunit nakita kong bumalikwas siya. Tulog pa din siya.

Naantig ako sa mga sinabi niya. Dahil katabi ko pa din siya, hindi na ako gumalaw. Tinitigan ko na lang ang mukha niya. Mukha siyang anghel pag natutulog. Naisip kong ang tagal ko na palang minamahal yung taong to. Naalala ko nung una kong inamin sa sarili kong mahal ko siya, at eto ako, hanggang ngayon, sa sarili ko lang sinasabi na mahal ko siya.

Hindi ko alam pero natatakot ako. Masyadong mahalaga yung pagkakaibigan namin ni Sho. Masyado siyang mahalaga sakin. Ayokong masira lang yun ng dahil sa nararamdaman ko.

Alam kong sanay si Sho sa mga babaeng umaamin na may gusto sila sakaniya, pero hindi ko alam kung paano siya mag-rereact kapag ako ang umamin sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng "Paano kung..".

Mamahalin niya kaya ako o hindi seseryosohin kagaya ng ginawa niya sa iba? Sa bawat babaeng pinapakilala niya sakin, palagi kong iniisip, "Paano kaya kung kami nalang? Paano kaya kung ako ang nakikita niya? Paano kaya kung ako nalang?"

Mali, hindi pala. "Wag ka ng tumingin sa iba, sakin nalang. Sakin ka na lang. Ako na lang. Ako nalang sana."

Nakalapit pa din ang mukha ko sa mukha niya. Tinignan ko ang labi niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Isa lang, isa lang talaga." bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha mula sa mga mata ko. Napatakan ang mukah niya kaya't nagising siya.

"Hm?" sabi niya habang pilit minumulat ang mata niya.

Napa-ayos ako ng upo, humarap ako sa TV. Pinunasan ko agad ang luha ko at nagpanggap na nanonood. Napansin kong credits na pala ang pinapalabas- FAIL gelai, EPIC FAIL.

"Nakatulog pala ko." Tumingin siya sakin at nakita niyang nagpupunas ako ng luha. "Umiiyak ka ba? Grabe ka. Wala kang pinatawad na palabas. Lahat iniyakan mo."

"E nakaka-iyak e, pakielam mo ba?"

"Eto naman, ang sungit agad. PMS? Matulog na nga tayo." Tumayo siya at inabot ang kamay niya sakin.

Tumayo ako mag-isa, hindi ko pinansina ng kamay niya. Dumerecho ako sa kwarto ko. Naramdaman kong nka-buntot pa din siya sakin.

"Ano? Dito ka din matutulog?" tanong ko sakaniya habang inaayos ko yung kama.

"Oo." sagot niyang parang bata.

"Baka kung anong isipin ng nanay ko pag nakita tayo."

"Ay?" biro niya. "Nako Gelai ha. hindi tayo talo." Nag-bakla-baklaan na siya.

Natawa tuloy ako.

"Tsaka hindi ko gagawin yun kung yun man iniisip mo no. Mahal kaya kita bestfriend. Di kita sasaktan no."

Sarcastic na yung naging tawa ko. Hindi mo ba alam na sa bawat salitang binitawan mo ngayon, nasasaktan ako? Mandark.

"Tara na. Inaantok na ko." Humiga na ko. Humarap ako sa kanan para hindi ko siya makita. Naramdaman kong tumabi na siya sakin.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero nararamdaman kong hindi pa siya tulog.

"Gelai?" naramdaman siguro niyang hindi pa ko tulog.

HIndi ako sumagot.

"Tulog ka na ba?" Manhid.

Hindi pa din ako umimik.

"Huy. May sasabihin ako sayo eh.." pagpapatuloy niya.

Naiiyak na ko, alam ko.

"Betty. Alam kong gising ka pa eh.."

Ayan, umiiyak na nga ako.

"Best, pansinin mo naman ako."

Pero hindi ko na siya pinansin  hanggang sa nakatulog na ko.

Ayoko na. Itigil na ang kalokohan nato. KALOKOHAN. Isang malaking kalokohan.

 

Not so typical Love StoryBasahin ang storyang ito ng LIBRE!