Chapter 1: Ako na ang Manhid

"Hoy, babae, tumayo ka nga dyan. Natutulog ka na naman."

Sinipa ni Frelia ang upuan ko. Nagising ako bigla at tsaka tumayo na parang lalaki.

"Ano ba naman yan, Frelly? Nakita mo ng nagbubeauty rest ako dito eh." Reklamo ko sabay kuha ng bag kong notebook at ballpen lang ang laman.

"Eh, uwian na kaya. At isa pa, hindi mo na kailangang magbeauty rest. Tara naghihintay na sila sa labas." Sabi ni Frelly at bigla niya akong kinaladkad palabas. Si Frelly ang nanay ko sa barkada. Kasi ba naman, parang nanay ko talaga siya... hehehe.

Anyway, lumabas na kami ng room at dumiretso sa tambayan mode ng barkada: ang playground. Huwag kang tumawa. Uupakan kita! Well, hindi naman kami isip bata. Ang playground lang kasi ang place na wala masyadong tao. At siya nga pala, kasama namin si Jake. Alam ko na ayaw niya talaga pero lahat ay gagawin niya para kay Stephanie.

"Sagutin mo na kasi Steph." Asar ni Stella while she's chewing gum. Stella loves eating at doon sila nagkakasundo ni Erika.

Si Erika naman tahimik lang. Masisisi mo ba eh in love yan? Ang problema, hindi niya masabi sa amin kasi kay Jake siya in love!! Paano namin nalaman? Syempre, ganoon talaga ang magkakaibigan. Pero, hindi ito napapansin ni Jake.

"Musta naman ang bampira ng grupo?" Ginulo ni Jake ang buhok ko.

"Ayun, bampira pa rin." Sagot naman ni Frelly habang tumatawa sila Stephanie, Stella at Erika.

"Grabe talaga kayo! Kung makatawa, wagas. Parang end of the world!" Sabi ko habang binubuksan ang lock ng cellphone kong Android.

"Ano bang klaseng lock yan?" Tanong naman ni Erika habang tinitingnan ang cp ko.

"Ganoon talaga! Syempre, baka makita niyo si love of my life!" Tili ko naman habang tinitingnan ang pictures ni Jang Geun Seuk. Ewan ko ba kung bakit baliw na baliw ako sa koreanong yun eh mukha namang bakla kapag may make-up...

"Type talaga nito bakla eh no?" Sabi ni Stephanie habang hinihintay ang oo ng friends namin.

"Hoy, Paneng, kutusan kaya kita dyan? Ang ganda lang kasi talaga ng boses ng boyfie ko." Sabi ko naman. Namula si Paneng. Ayaw niya kasi yung nickname na yun. Makaluma raw eh... hahaha...

Tumahimik ang lahat. Para bang may dumaang angels from heaven na sinara ang bibig ng mga friends ko.

"Musta naman kasi ang love life mo?" Tanong ni Stella bigla.

Namutla ako. Sanay na sila kasi palagi naman akong namumutla dahil sa puyat pero ibang putla ito eh. Namutla ako kasi naalala ko na naman si first love.

"Oh, bakit bigla kang tumahimik?" Tanong ulit ni Stella.

"Hay naku, Stells. Wala pa rin." Ngumiti ako. Alam na nila kung anong ibig sabihin ko doon.

"Nagpakamanhid kasi." Sabi ni Erika sabay tapik sa balikat ko.

"Ako na ang manhid." Simpleng reply ko naman na parang text message lang. Tumawa sila.

"Huwag kang mag-alala, sis, hahanapan kita." Sabi naman ni Jake na parang bakla.

I just sighed and looked at them with a forced smile na nahalata naman nila na forced.

"Tara, uwi na tayo." Hila sa akin ni Erika.

"Good idea, Eri. Uwi na tayo." Ngiti ko naman...

----------------------------------------------------------Author's Note---------------------------------------------------------

Dear reader,

First time ko pong magsulat ng story in Filipino. Mostly kasi English iyong gamit ko kahit hindi masyadong fluent. Well, sabi ko nga, practice makes better!

Sana magustuhan niyo yung story ko.. First time kong magsulat dito sa Wattpad...

I hope you enjoy!

Comment please...

Don't forget to vote if you like this story, thanks!

I'll be waiting kahit ilang taon!!!

Sincerely,

Miss Anesthesia

Make me Fall in Love AgainBasahin ang storyang ito ng LIBRE!