ERNEST'S POV:

"Di ako kagaya ng kaibigan nyong tinake advantage lang yung kalasingan ng bestfriend ko para magawa nya lahat ng kalibugan nya" galit na galit na sabi ni Joshua samin na syang kadahilanan ng pag init lalo ng ulo ni Kyle
"What did you just say?" galit na tanong ni Kyle kay Josh tapos inirapan lang sya nito

What the hell is happening here?

Take advantage on what exactly?

"Guys chill" sabi naman ni Joseph sa kanilang dalawa pero halatang wala silang pake alam na makinig sa mga sasabihin namin
"Wait! Don' tell me galit ka!" sarcastic na sabi ni Joshua kay pinuno pero di naman sya sumagot
"Why? Dahil lahat ng sinasabi ko ngayon ay totoo" sarcastic na sabi ulit ni Joshua kay Kyle kaya mas lalong hinigpitan ni pinuno yung pagkakahawak nya sa kwelyo ni Josh
"Bro, I will just remind you that you don't have any idea what really happend that night so just shut the fuck up!" pag babantang sabi ni Kyle sa kanya pero nag smirk lang ito
"Why would I do that? Hindi porket mabait yung babaeng pinag samantalahan ay ipag papatuloy mo lang yang ganyang ugali mo!" biglang sabi ni Joshua ulit
"What did you just say?" shock na tanong naman ni Yvan kay Joshua
"Pinag samantalahan daw" sabi naman ni Joseph at kaming tatlo ito napa isip nalang sa kung ano talaga yung gusto iparating ni Joshua
"You heard me right! My bestfriend is now pregnant because of this man! Na kung saan pinag samantalahan nya yung kahinaan ni Ysabel kaya sya nabuntis" seryosong sagot ni Joshua at dahil dun di na napigilan ni pinuno ang sarili nya at bigla nyang sinapak si Josh na syang kadahilanan ng pagkakatalsik nya sa may sahig
"OH MY GOD!" shock na sigaw ni Ysabel tsaka nya agad nilapitan si Joshua
"G*go ka ba? Wag ka mag salita ng tapos kung ayaw mung pasabugin ko yang mukha mo! Tsaka ipapaalala ko lang sayo na wala ka nung gabing may nangyari samin kaya manahimik ka lang dyan dahil wala ka namang alam sa kung ano talaga yung nangyari!" galit na galit na sabi ni pinuno kay Joshua habang naka upo ito sa may sahig
"Please! Joshua just stop!" mahinahong suway ni Ysa sa kaibigan nya tsaka nya ito tinulungan maka tayo at nung maka tayo na si Joshua bigla nyang tinabig si Ysabel
"Dude easy" suway ko kay Joshua dahil sa ginawa nyang pag tulak kay Ysabel. Sya na nga yung tinulungan maka tayo tapos bigla nya lang tatabigin yung kaibigan nya buti nalang at nasalo ko si Ysabel

Paano kasi kaya nya tinabig si Ysabel ay para masapak nya si pinuno at ito na nga kami pinapanuod silang mag sapakan dito sa harapan namin.

Here we go again!

Kailan pa ba di nag away itong dalawang to ng dahil lang kay Ysabel. Pero may okay na yung dati kasi verbal fights kaysa naman ngayon na may suntukan na.

Buti nalang at walang students dito dahil kung meron baka mamaya malantad na may relasyon silang dalawa kasi halata naman na si Ysabel yung pinag aawayan nila.

"What are you still doing? Stop them!" worried na sabi samin ni Ysabel kaya wala na kaming nagawa kundi ang patigilin sila
"Stop na daw" suway ni Yvan sa kanila habang pilit na hinahatak palayo si Kyle kay Joshua pero di pa rin nagpapapigil si pinuno

Kaya habang nag iisip ako ng way para mapatigil sila bigla akong napa tingin kay Ysabel.

"In the count of 3, we will seperate them then pumagitna ka para di na sila mag lapitan ulit" sabi ko kay Ysabel kaya tumango lang sya

Yun lang ang naisip kung paraan.

Dahil alam naman natin na di nila kayang saktan si Ysabel. At kung papagitna si Ysabel tiyak na di sila maglalapit ulit dahil baka mamaya si Ysabel yung masapak nilang dalawa.

"One" mahinang sabi ni Yvan kaya tumingin naman ako kay Joseph
"Two" sabi naman ni Joseph tapos pinapwesto ko na rin si Ysabel para maka takbo sya agad once na mahatak na namin silang dalawa
"Three" sabi ko tsaka ko hinatak palayo si Joshua tsaka naman hinatak palayo ni Yvan at Joseph si Kyle dahil alam namin na mas malakas si Kyle at kailangan marami yung hahatak sa kanya

Nung mapaglayo namin silang dalawa agad namang tumakbo si Ysabel sa pagitan nilang dalawa para di na sila mag sakitan ulit.

"STOP!" sigaw ni Ysabel sa kanilang dalawa kaya naman sila natigilan
"BOTH OF YOU!" galit na sigaw nya at halata sa mukha nya na di sya natutuwa sa ginagawa nilang dalawa at sino naman matutuwa sa gantong gawain nila, yung palagi nalang silang nag aaway na dalawa.

At dahil sa galit na si Ysabel wala ng nagawa si Kyle at Josh kundi ang huminahon na dahil baka mas lalo lang magalit si Ysabel.

"Ano kayo bata para palagi nalang nag aaway? At dito pa talaga kayong dalawa nag sapakan sa may hallway" galit na sabi ni Ysa sa kanilang dalawa kaya natahimik lang silang dalawa
"Kailan kayo matitigil mag bangayan? Kung ipagpapatuloy nyo yang ganyang gawain nyo na palaging nag aaway, di ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa inyong dalawa" naaasar na sabi ni Ysabel sa kanilang dalawa kaya mas lalo silang natahimik kaya naman siniko ko si Joseph para gumawa ng paraan para naman mawala yung katahimikan dito sa kinatatayuan namin
"Why so serious guys?" natatawang sabi ni Joseph para mawala yung katahimikan dito sa kinatatayuan namin pero wala namang talab dahil sa ang seryoso pa rin ng mga mukha nila

Ngayon ko nalang ulit nakita si Ysabel ma galit na galit kay Kyle kasi parang araw araw ko na silang nakikitang madikit sa isa't isa at yung akala na nga ng mga iba na sila na.

"Ysabel! Calm down" tawag ko sa kanya tsaka ko sya hinawakan sa may balikat
"Pano ako kakalma kung wala ng ginawang maganda itong dalawang to kundi ang mag away lang nang mag away" galit na galit na sabi ni Ysabel kaya napa yuko lang sila Kyle at Josh
"Halatang halata na wala silang magawang maayos sa buhay nila! Siguro hobby nyong dalawa ang mag bangayan ng mag bangayan!" galit na sabi ni Ysabel ulit

Tama nga yung mga kasabihan ng iba na wag na wag gagalitin yung mga taong mababait kasi iba sila kung magalit.

Tignan nyo nalang kung gano kagalit si Ysabel ngayon. Di na nga nya mapigilan yung sarili nya sa pag sasabi ng mga masasamang salita kay Kyle at Joshua.

"Wait! Bat kaya di nalang kayong dalawa yung nagpakasal? Talo nyo pa kasi yung mag asawa sa palagi nyong pagbabangayan" asar na asar na sabi ulit ni Ysabel at dahil sa sinabi nyang yun di napigilan ni Joseph at Yvan ang matawa kaya pareho ko naman silang hinampas sa braso nila kaya naman tumigil na silang dalawa
"You have point on that Ysabel" natatawang sabi ni Joseph kaya tumawa ulit si Yvan

Habang nag tatawanan yung dalawa dito at ako ito pilit pinapakalma si Ysabel bigla namang dumating si Spencer kaya naman biglang inayos ni Kyle at Josh yung sarili nila para di mahalata ni Spencer na nag away sila.

"What are you guys doing here?" curious na tanong nya samin pero di kami sumagot kundi ngumiti lang si Yvan at Joseph
"Wait! Did you cry?" worried na tanong ni Spencer kay Ysabel pero umiling lang sya tsaka nya pinunasan yung mukha nya
"Why is she crying?" galit na tanong ni Spencer sakin kaya nagkibit balikat lang ako tsaka sya tumingi kina Yvan at Joseph pero sabay lang rin silang nag kibit balikat
"Did you bully her again?" naaasar na tanong nya ulit samin kaya inirapan ko pang sya
"Grabe naman yung AGAIN!" sagot naman ni Joseph kay Spencer
"Do you actually think that were bullying her while his brother is here with us?" pambabara ko naman sa kanya kaya napatango nalanga sya
"You have point on the brother dear" sagot naman ni Spencer sakin kaya inirapan ko lang sya tsaka naman sya lumapit kay Ysabel
"Are you okay my dear?" tanong nya kay Ysabel kaya tumango lang sya

Yung feeling na ang awkward na kanina tapos dumating pa itong babaeng to edi mas lalong naging awkward yung atmosphere dito.

"Bahala kayo sa buhay nyo" asar na sabi ni Ysa tsaka nya kami tinalikuran
"Let's go!" sabi naman nya kay Spencer tsaka na sila naglakad paalis dito

Nakakatuwa si Ysabel!

Sya yung tipo ng babae na tsaka lang mag sasalita kapag napuno na talaga sya. Ilang beses nya na sinubukan pigilan sarili nya para di magalit kay Kyle dahil sa palagi nalang silang nag aaway ng bestfriend nyang si Joshua.

Siguro matatauhan na itong dalawang to.

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!