Chapter Twenty Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mayaman si Mondejar, tagapag-mana. Pero sa tingin mo ba seseryosohin ka niya? Kilala ko ang kaibigan ko, At hindi ikaw ang uri ng babae na siniseryoso."

Ano Chloe? Kaya pa?

Hindi magawang magsalita ni Chloe dahil sa pagpipigil ng emosyon. Gustong gusto nang tumulo ng mga luha niya. But he won't give Warren the satisfaction to see her broken.

"I have a better idea. I have a proposition for you." Patuloy ng binata.

Hindi siya sumagot hinintay lang niya na magpatuloy itong magsalita.

"Be my woman."

"W-what? Y-you w-want me to be y-your..." hindi alam ni Chloe kung ano ang sasabihin at iisipin.

"Oh, don't get me wrong. Hindi ko sinasabi na magkaroon tayo ng relasyon, like boyfriend/girlfriend."

"What do you mean?" Sinubukan niyang magpakatatag. And thank god she didn't stutter.

"Be my woman. Bed partner. Bed warmer. Whatever you want to call it."

Napahugot ng hininga si Chloe pagkadinig sa sinabi ni Warren. Seriously? Inaalok siya nitong maging...? Oh my god! Ni hindi niya magawang masabi ang salitang iyon.

"N-no!" Napapailing na pagtutol ng dalaga.

"Gusto mo ng mayaman db? I'm  here. Kaya kong ibigay ang lahat ng gusto mo, lahat ng luho na gusto mo. Kaya din kitang ilibot sa buong mundo...At higit sa lahat kaya kong ibigay ang gusto ng katawan mo."

"Hindi. Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa hindi ko asawa. If you want me, then marry me." Matapang na sabi ng dalaga.

Ngunit ang sinabi niya ay umani lang ng isang malutong na halakhak mula kay Warren.

"Who's talking about marriage here?" Napapailing na nakasmirked pa din na sabi ng binata.

"At hindi mo ibibigay ang sarili mo sa hindi mo asawa? Chloe, Chloe, have you forgotten that I am your first? Hindi mo ako asawa, pero nagawa mong ipagkaloob ang virginity mo sa akin. To think na ikaw pa ang nag-initiate at napakabata mo pa noon. At sino ang nakakaalam kung ilan na ba ang sumunod. So what we are here? Trying to be pure?" Mapang-insultong wika ni Warren.

"Yes you are my first. At pinagsisisihan ko na ikaw ang una. And I swear, hinding hindi na mauulit yon." She counter attacked.

At nakita nyang nagtiim bagang ito at lalong nagdilim ang mukha nito. At bago pa makakilos ang dalaga ay nahapit na siya ni Warren at natagpuan na lang niya ang sarili na hinahalikan ng marahas ng binata. Pilit niyang itinitikom ang mga  labi ngunit naramdaman na lang niya na humawak ito sa kanyang pang-upo at marahas na pinisil ito dahilan para mapasinghap ang dalaga. And the moment that she gasped sinamantala iyon ni Warren, mas naging mapusok at marahas ang halik nito, he envaded her mouth with his tongue.

Pilit niya itong tinutulak ngunit sadyang malakas ang binata. Nasasaktan siya sa paraan ng halik na iginagawad nito sa kanya. Marahas walang pag iingat. Nalalasahan na niya ang dugo na marahil nagsugat  na ang mga labi niya sa marahas na paghalik nito.

Pero biglang nagbago ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Naging  marahan at may halo nang pag-iingat. At pakiramdam niya ay may halo ding pagsuyo. Mas lalong nalito ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero kusang tumigil ang mga kamay niya sa pagtulak sa binata. Unti unti niyang naipikit ang mga mata at unti unting nag-iiba ang pakiramdam ng dalaga.

Naramdaman na lang niya na kusa nang gumagalaw ang mga labi niya para tugunin ang halik ng binata. Hindi na alam ng dalaga kung gaano katagal na silang naghahalikan ni Warren. Hanggang sa tumigil ang binata sa paghalik sa kanya, at gusto niyang saktan ang sarili nang wala sa loob na bahagya pa niyang hinabol ang mga labi ng binata. Na tila ba kulang pa ang halik na pinagsaluhan nila. At naramdaman iyon ng binata. Dahil muli nitong inangkin ang mga labi niya. Na malaya din niya muling tinugon.

"See what I mean?" Malamig na tinig ang nagpabalik sa wisyo ni Chloe na hindi namalayan na tumigil na pala sa paghalik sa kanya si Warren.

Napadilat siya at ang malalamig na tingin ng binata ang sumalubong sa kanya.

"You want me. You still want me. I can feel it, Chloe. Hindi mo maidedeny ang katotohanang iyan. And I won't deny that I want you.. on my bed. So take my offer."

"Yes. I want you, Warren. But you won't have me, unless marry me. And that's my offer. Marry me, and you'll have me." Bugbog na siya sa mga insulto ng binata but she will still fight. Hindi niya hahayaan na mas saktan siya nito.

"I will still have you, even without marrying you." Yon lang at lumabas na ang binata sa bahay niya.

Pinagpasalamat ni Chloe na kusa nang umalis si Warren, dahil pagka-alis ni Warren ay isa isa nang nagsituluan ang mga luha ni Chloe. Tila siya nauupos na kandila na napaupo na lang sa sahig. Saka ibinuhos lahat ang sakit na naramdaman sa pag-iyak. Hanggang sa igupo siya ng antok dahil sa labis na pag-iyak.

****

A/N: Hope you enjoyed this chapter. Thank you!
Pasensya kung may mga wrong typos and grammar. Hehe! Not perfect.

If you liked this chapter, kindly press Like, Vote and Share. And leave some comments. Thankie Sweeties! 😙😙😙😘

And keep on supporting us. iamQVEEN, MissFranzAlexa, jdred24 MissJacee
Thankie, Sweeties!

👉Jheng👈

The Broken PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon