Ethan

        Napatingin siyang muli sa relo niya. Mahigit thirty minutes na siyang naghihintay sa pagdating ni Katrina. Ala-diyes pa lang naman ng umaga, ang oras na napag-usapan nila na magkikita. Inagahan lang talaga niya ang dating sa kanilang tagpuan.

            When he received a note from Katrina, para siyang bumalik sa pagiging teenager. Sino ba naman ang hindi mae-excite? Nauna pa ito na magyaya sa kanya na lumabas sila. Not just a dinner date but she wanted to spend her whole Saturday with him.

            Hindi pa naman niya nililigawan si Katrina dahil alam niyang malaki ang agwat ng edad nila. Nalaman niya mula rito na mag-seventeen pa lang ito next month kaya gusto lang talaga niya itong kaibiganin. Pero sa totoo lang gusto na niyang bakuran si Katrina habang hinihintay niya itong mag-eighteen. Mahirap na baka masingitan pa siya ng iba.

            Sikat maging sa kanilang campus ang kagandahan ng kambal. Kung uso ang mga chinita beauties ngayon sa Pilipinas, nangingibabaw naman ang kagandahan ng European features ng mga ito. Kung hindi lang mailap at snob ang kambal, for sure ay marami na itong mga manliligaw sa ngayon. But most of the boys were intimidated. Kaya bago pa man makahanap ng lakas ng loob ang lalaking humahanga sa dalawa ay naunahan na niya ang mga ito. It’s for his best interest to be one step ahead of them .

            Saktong pag-angat niya ng mukha ay nakita niyang papalapit sa kanya sina Katrina at Karina. Tumayo at hinintay ang paglapit ng mga ito sa kanya.  

        Magkaiba ang suot at ayos ng buhok ng dalawa. The other twin was wearing a white spaghetti strap blouse while the other one was wearing a loose dark grey blouse. Nakalugay ang buhok ng naka-white samantalang naka-braid naman ang buhok ng isa pang kambal. But both were wearing denim pants.

            “Hi!” Bati sa kanya ng naka-white na top.

            Base sa pilyang ngiti nito at sa suot din nitong medyo revealing, ito marahil si Karina. When he looked at the other twin and saw her blushed, sigurado na siya na si Katrina naman ang naka-loose na dark grey blouse.

            “Did we keep you waiting?” After a brief greeting, Karina asked him.

            “No, it’s okay.” Sagot niya rito bago niya ibinaling ang pansin kay Katrina. “Would you want to eat breakfast first before we leave?”

            “Where are we going?” Karina asked again.

            “Enchanted Kingdom.” Tipid niya uling sagot rito. “A theme park in Laguna. Okay ba sa’yo?” He directed his question to Katrina. Alam na nito ang kahulugan niyon sa English. Sinasanay na kasi niya ito na kausapin ng mga basic   question para mas madali itong maka-adopt sa tagalong.

            “Okay,” Katrina answered and she blushed again.      

            “Let’s go now so we won’t be stuck in the traffic.” Karina said in a jolly tone.

            “You’re coming with us?” Hindi niya mapigilang itanong. Palagi na lang ba nilang kabuntot ang kakambal nito?

            Sa halip na sumagot ay nanlaki ang mga mata nito. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. Bahagyang nakaawang pa nga ang mga labi nito ng tumingin kay Katrina. Wrong choice of words, baka anong isipin ni Katrina sa kanya.

            “Don’t get me wrong. I’m just asking." Palusot niya. "I thought it’s just me and Katrina. If only I knew, I should have asked someone else to accompany us. I don’t want you to feel out of place.” Bawi niya kay Karina.

            “No I wouldn’t mind being the third wheel.” Karina smiled wickedly. “As a matter of fact this date is my idea. I thought it would be nice if you could spend more time together.”

            “Really?” Hindi makapaniwalang sabi niya rito. Anong nangyari at bigla atang bumait ito sa kanya? “Thanks--”

            “No, I don’t need your thanks.” Karina interrupted him. “You owe me this one.”

            “Okay just tell me how can I repay you?”        

            “Not now. But when the right time comes I will demand it from you and promise me you won’t say no.” Karina said to him.

            “Sure.” He answered half heartedly.

             Kung ano man ang hingin nito, hindi na mahalaga dahil ang mas importante ngayon ay ang makasama niya si Katrina. 

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!