Chapter 1 (Who do you think you are?)

382 1 0

Currently in the middle of urge to face the truth.

Ang katotohanan na bumagsak ako sa exam sa math!

Why?!

Why the hell i bloody failed this exam?!

I knew i answered it correctly!

Sayang ang pagsusunog ko ng kilay huh!

"Huy Melody! tigilan mo na nga yang drama mo! hindi nyan mababago grade mo!"

 sigaw ng bestfriend kong si Jennie.

"Eh kasi naman eh..."

"Ano?!"

"Wala..sabi ko nga mananahimik na lang ako..."

sabi ko nang makita kong nanlalaki na ang mata ng loka.

Pero hindi talaga ako maka-get over kaya ayun, tulala.

"Huy! Earth to Melody?"

kumakaway kaway na sabi ni Nat.

"Ano, ano nanamang kailangan mo sakin?"

"Porket nilapitan ka, may kailangan agad?"

"Kung ikaw ang lalapit, oo!"

nag-inarte itong nasaktan at sinabing,

"Ouch! ang sama mo naman! Magtatanong lang ako ng grade mo sa exam natin sa math"

"DON'T EVEN THINK ABOUT ASKING ME THAT..."

"Base sa reaction mo ngayon, bagsak ka no?"

"Ano naman sayo?"

"Ayos lang yan.... bawi ka na lang next time."

"Hindi iyon okay."

"Okay nga lang yun... marami ka pang chance para mabawi yung grade mo"

nakangiti pang sabi niya.

"Hindi nga..."

pinipilit kong hindi mairita.

"Ayos lang yan.... wag mong dibdibin, may likod ka pa."

nakangising sabi nito.

hindi ko na napigilan ang sarili ko... naiinis na ako.

"Ayos lang? Who do you think you are to tell me it's just fine? Are you my father?! You don't know what will happen to me if I got failing exam so don't tell me stupid and ridiculous words like everything will be fine! You don't know anything!"

sigaw ko sa kanya.

Nagtinginan ang mga kaklase namin sa pwesto namin.

Ang iba ay nagbubulungan na.

Agad akong nilapitan ni Jennie at pinakalma ako.

Siya lang naman kasi ang nakaka alam kung ano ang gagawin ng mga magulang ko sa akin kapag bumagsak ako.

Minsan na rin kasi niyang nakita kung gaano ka-perfectionist ang mama ko.

My mom never liked failed exams.

And she believes na kaya kong maging honor student ng walang kahirap hirap.

Iyon ay dahil nung bata ako ay matataas mga grades ko.

Well, duh?!

Sinong bata ang hindi matataas ang grades nung preschool eh ang madalas lang namang gawin dun ay mag-drawing ng different shapes, mag-trace, mag-kulay at magsulat.

And right from the start, I hate it when she believes that I will become an honor student so ang ginagawa ko na lang ay minemaintain ko ang grades ko na hindi gaanong mataas pero walang bagsak.

But why the hell am I supposed to do that?!

With this ridiculous exam result...

Goodbye sa mahal kong tv na nagpapasaya sa akin sa oras ng kapangitan ng araw.

Sa cellphone ko na hindi nauubusan ng load.

Sayang ang unli 5 days ko!

Lalo na kay computer na never kong kinakalimutang gamitin araw-araw.

And hello to my books again...

With my terror mom na babantayan ako para siguraduhing makakapag aral ako ng walang sagabal.

Even my bestfriend na laging bumibisita sa bahay ay hindi papayagang makapasok.

I'm again stuck with studying!

"Stop saying that Nat. Ako na bahala sa kanya"

awat ni Jennie kay Nat. 

"Okay fine...  basta kung gusto mong may malaman ako para hindi ka na magalit dahil sa mga sinasabi ko, sabihin mo na agad. Don't hesitate to tell me the things you don't want to face. Ang problema kasi, hinaharap at hindi nilalayuan."

agad itong lumayo at bumalik sa upuan at nanahimik.

Is that really the guy who always make fun of me everytime?

What happened?

Bakit parang biglang bumait?

May sakit lang?!

"Jennie, what's up with that guy?"

"Aba malay ko! Ano bang kinalaman ko sa kinikilos nung lalakeng yun?!"

"Alam mo, ang OA mo..."

"Aba! Ikaw na nga ang inilayo sa lalakeng yun, ikaw pa may ganang magsabi ng ganyan!"

"Oo na..."

"Pero tingin ko, kailangan mong magsorry sa kanya."

"Bakit ko gagawin yun?!"

"Tunga! Sinigawan mo siya eh! Malamang normal lang yun."

"Nabwisit lang ako sa kanya kaya ko ginawa yun. Hindi ko rin naman gagawin yung paninigaw na yun kung hindi dahil sa pangungulit niya."

"Edi ipaliwanag mo kung bakit mo nagawa yun. Tignan mo oh, nanahimik na ang loko!"

sabi niya sabay turo sa matamlay na si Nat.

Magsosorry ba ako sa ginawa ko?

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!