Chapter 11 *I will never let you go*

137 4 0

Chapter 11

*I will never let you go*

Umuwi sandali si Renz para magayos. Mamayang 5pm susunduin niya ko para sabay na daw kami sa school. Ako din magaayos na :)

At dahil nga babae akong tunay, may make up din ako kahit papano at yun yung ginamit ko sa mukha ko para magmukhang zombie. Ginamit ko yung eyeliner ko para ikalat sa mata ko, kunwari eyebags na sobrang laki at itim. Yung foundation ko ginamit ko din, sakto nalang may contacts ako dito. Yung contacts na dot lang tapos lahat white na. Nakakatakot diba? Yung costume ko naman, gutay gutay, butas butas tapos may mga artificial blood. 

*Knock knock

Nako baka ayan na si Renz. Makilala niya kaya ako sa itsura ko? HAH! ALAM KO NA, GUGULATIN KO SIYA. Agad kong binuksan yung pinto

"BWAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH" Sigaw ko sakanya

"Oh takot na takot ka ah. Mukha na ba kong zombie baby?

Naku jusko po. Ako kasi yung mananakot sakanya pero ako pa ata tong natakot, grabe wala talaga kong laban sa lalaking to.

"Ahh. Hehe oo naman" -____-V 

"Hop in" sabi niya sakin nung pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse niya

"Oh, bakit mo dala tong kotse mo? Diba grounded ka? Bawal mo tong gamitin."

"Sinabi ko kasi kila mommy na girlfriend na kita, e syempre ang girlfriend inaalagaan at tinuturing na prinsesa. Aba di ata ako papayag na maglalakad tayo papuntang school, ayaw kitang mapagod"

ANO BAAA, BAKIT KA GANYAN RENZ. ANG SWEET MO :"> O EDI IKAW NA SWEET

"Yes boss"

**

Dito na kami sa school. 6:30 na nagsimula yung party, filipino time nga naman talaga. Usapan 5pm tas 6:30pm na nagsimula.

Nakakatakot yung mga students dito. Malamang halloween eh -____-

May mga games na din, may booth. Grabe masaya tong araw na to lalo na kasama ko ang mahal ko.

"Baby, tara dun tayo sa photo booth"

"Tara tara."

Nakailang pictures na kami. Yung mga mukha namin di maipinta at di maintindihan, e dahil nga halloween dapat yung mga itsura namin di ngumingiti. As in katakot-takot talaga

Di na namin tinapos ni Renz yung party kasi sobrang gabi na. 12am pa matatapos yun pero 11pm kami umuwi, 1 oras nalang e di pa tinapos. Ewan ko ba dito sa lalaking to, baliw din e. Pumunta na agad kami sa parking lot kasi nga diba dala niya yung kotse niya. May post it na nakadikit sa sidemirror sa may kaliwa pero di ko na binasa. Dahil pagod na nga ako, diretso na agad ako sa loob ng kotse.

[RENZ'S POV]

May nakadikit na post it sa side mirror ko. Si Franz pumasok na sa loob, binasa ko yung nakasulat sa post it note.

'MAGHANDA KA!'

Ano to? Ano ibig sabihin nito? Baka nagkakamali lang sila, pero kinabahan talaga ako eh. Pagkatingin ko sa likod ng papel nakalagay

'MAGHANDA KA. -JAMES'

Si James? 

*Flashback*

"Pare, balita ko kayo na ni Franz ah? Masarap ba?" Pag aangas sakin ni James

"Pare, tigilan mo ko. Di ako katulad mo. May respeto ako sa girlfriend ko"

"Aba, at ako pa talaga ang inihantulad mo. Magingat ingat ka sa sinasabi mo Renz ah"

"Tigilan mo sabi ako"

"At bakit kita titigilan? Renz alam mong may gusto ko kay Franz pero pinatulan mo parin talaga siya. Ako talaga hinahamon mo? Sa basketball ikaw lagi bida, pasikat ka kasi. Pati ba naman kay Franz."

"Pare, mahal ko si Franz. Wala kang magagawa dun. Tsaka basketball? Laro lang yun pero pinepersonal mo na? Ibang klase ka talaga James"

*End of flashback*

"Renz, ano na? Tara na. Alis na tayo"

"H-ha? S-sige. Wait"

Inistart ko na yung engine. Nakatulog na si Franz sa sobrang pagod kaya di ko na siya ginising pa nung nasa bahay na niya kami. Binuhat ko siya at inihiga ko siya sa kama niya at sinabi ko na din kila tita na ayusin nalang si Franz kasi uuwi na ko

Di agad ako umuwi samin. Nagpalamig ako, patuloy ko parin iniisip yung sinabi sakin ni James. Pero kahit anong mangyari, di ko isusuko si Franz. 

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!