Chapter 10 *Under*

139 3 0

A/N: Maikli lang po itong chapter na ito. Aalis kasi kami eh. Sorry, bawi nalang po ako sa next chapters. Kindly read my one shot story by the way, Cubicle po title. Thankyou :* Mahal ko po kayo

Chapter 10 

*Under*

Bukas na yung halloween party namin. Excited na ako at syempre lahat ng students. Kanya kanyang trip. Nandito nga pala si Renz sa bahay ngayon, nagpapatulong sakin gawin yung costume niya para bukas. Ang alam ko kasi girlfriend ako hindi utusan -____-"

"Hoy panget, baka gusto mo tumulong dito sa ginagawa ko? Hiyang hiya naman ako sayo." Sarkastikong sabi sakanya. E kasi naman kita naman niya na hirap na kong gumawa ng costume namin di manlang tumulong

Hay nako grabe, parang walang naririnig. Ayun siya, naglalaro ng psp. Feel at home masyado -__- Grabe hiyang hiya talaga ko sakanya

Takot ako sa mga multo kahit papano. Kahit excited ako para bukas, takot parin ako. Mag 10pm na pala, jusko di parin ako tapos sa ginagawa ko. Si Renz, nakatulog na. Opo dito po ulit siya matutulog, this time alam na ng parents ko. Nagpaalam siya kung pwede ba siya matulog dito at dahil nga close sila, napapayag niya si mommy. Sila mommy di makakauwi ngayon, isa yun sa mga reason kung bakit niya pinayagan si Renz dito kasi wala akong kasama. May work sila ni daddy sa Palawan, inaasikaso nila yung business namin dun. Grabe ang tahimik ng buong bahay, natatakot na tuloy ako. Pupunta sana ako sa kusina para kumuha ng tubig ko kaso..

"BOOOOOOOOM!!!"

"BWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" 

"HAHAHAAHA. Baby, nakakatawa ka. Ang cute mo pala pag natatakot" 

"Ano ba Renz, pinakaba mo ko. Nakakaasar ka" Pinalo-palo ko siya sa likod. E nakakaasar naman kasi talaga :(

"Hahaha sorry na baby. O eto pagkain, kain ka muna. Alam kong di ka pa kumakain kaya nagpunta agad ako dito sa kitchen. Sorry baby kung di kita tinulungan ah, tamad ako e. Pero tutulungan na kita ngayon sa costume" Aba ang sweet din pala neto e. Buti naman naalala niya ko. Sa totoo lang kinilig ako, e di pa kasi ako kumakain kaya ayun. Hihi

"It's okay. Thankyou"

**

Matutulog na kami ni Renz, sabi ko sakanya dun siya matulog sa kwarto ni kuya e. Ang kulit niya, gusto niya daw ako makatabi. Oo nga pala si kuya kasi may night swimming sila ng mga classmates niya kaya wala siya dito.

"Baby tabi tayo, please?"

"Oo na sige na. Ano pa nga bang laban ko sayo, eh nakahiga ka na sa tabi ko" 

Cold ko sakanya no? Heheh first boyfriend ko kasi siya, wala pa kong alam sa mga ganyan ganyan. Di ako sweet eh -__-"

"Baby 10 years from now, sa tingin mo ano na kaya tayo nun?" 

"26 years old na." 

"Ang corni mo. Baby, sana forever na tayo no? Mahal na mahal kita Franz"

"Mahal na mahal din kita Renz. Gusto ko akin ka lang. Selfish kasi ako pagdating sayo"

"Kahit di mo na sabihin yan, alam ko na yan. Sayong sayo lang ako baby"

"Tara na baby, tulog na tayo. Goodnight"

"I love you"

"I love you more"

**

Pagkagising ko, si Renz agad nakita ko. 

"Goodmorning baby, how's your sleep?"

"Okay lang baby, maganda tulog ko. Ikaw ba naman katabi ko tapos pagkagising ko ikaw agad nakita ko. You made my day complete" Paglalambing ko sakanya. Gusto ko na kasi maging sweet sakanya e.

"Naks. Bumabanat, improving ka ah."

"E syempre naman kailangan e, baka iwanan mo ko"

"Ano ka ba. Never mangyayari yun. Ako na mismo nagsasabi sayo, ikaw lang mahal ko. Di kita iiwan. Promise ko yan sayo. Tara sa baba, kain na tayo ng breakfast pero maghilamos ka muna may muta ka pa e"

MUTA? Hala baka may panis na laway ako. Shet nakakahiya. Tumakbo ako papuntang cr para tignan yung sarili ko pero...

May lipstick sa pisngi ko. E bakit sa pisngi? Kaya nga lips diba? Gulat ko lang nung nakita ko yung nakasulat sa pisngi ko

"I love you baby"

Okaay? Mukha ba kong coloring book. Pero ayos ah, kinilig ako :"> Full of efforts talaga. Haaay swerte ko sakanya

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!