Simula

128 23 13
                                    

~•~

~•~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


     Madilim ang buong paligid dahil natatakpan ng maiitim na ulap ang buwan. Maririnig ang sigawan at iyakan ng mga tao sa buong lugar na iyon dahil sa takot at pangamba.

  Naghahasik na naman ng lagim ang mga Kisah Dongeng na kilala sa tawag na engkanto.

    Samantala, kasabay ng mga sigawan ng mga tao sa baryong iyon ay ang sigaw na maririnig sa isang lumang bahay, sigaw ni Haliya. Tila ba nahihirapan ito sa paghinga.

       Manganganak na siya.

       "Kakayanin mo ito, Haliya, walang mangyayaring masama sa magiging Apo ko," wika ni Vicente, ama ni Haliya na kilala bilang si Enteng albularyo.

         "Aaahh!" kasabay ng sigaw na iyon ni Haliya ay ang malakas na pag-iyak ng isang sanggol. Isang babaeng sanggol.

        "Babae ang anak mo, Haliya! Babae ang apo ko!" natutuwang wika ng matanda. Ngunit, ang tuwang nararamdamang iyon ng matanda ay biglang naglaho nang makitang hindi na gumagalaw si Haliya. Wala na itong buhay.

        "Haliya!" naghihinagpis na hiyaw nito. Wala na siyang magagawa patay na ang Ina ng kanyang Apo.

        "A-anong nangyayari sa asawa ko, P-Papa? Anong nangyayari sa kanya? Ang anak k-ko?" tanong ng kararating lang na si Herman. Halos maligo na ito sa sarili niyang dugo at maraming sugat sa katawan.

   Nanginginig itong lumapit sa sanggol na tahimik lang na nakahiga sa tabi ng yumao nitong Ina. "Ang anak ko, napakagandang bata," sambit nito sabay halik sa sanggol kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Napakasakit para sa kanya ang mga pangyayari.

    Agad napalingon sa pintuan ang matandang si Enteng at nanlaki ang mga mata nito nang makita kung sino ang lalaking nakatayo rito. "Haring Rogo?"

        "Oo, ako nga kaibigan. Ngayon na ang itinakdang araw at ngayon na ang panahon para tuparin mo ang iyong pangako," ani Haring Rogo, ang hari ng mga Kisah.

         "Huwag niyong kunin ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo!" ang sigaw ni Herman. Ngunit, hindi siya pinakinggan ng mga Awali na Kisah.

   Sinubukang lumaban ni Herman ngunit mahina na ang kanyang katawan dahil sa madami na ang dugong nawala sa kanya simula pa kanina.

      "Ibigay niyo ang sanggol kay Enteng," ma awtoridad na utos ni Haring Rogo sa tauhan nito. Agad naman na sumunod ang mga Awali dito.

        "Ngayon aking kaibigan, ito na ang tamang panahon,"

        "P-pero Haring Rogo hindi pa maari ngayon."

       "Naiintindihan ko kaya meron kang dapat gawin para sa amin," sambit ng Hari saka ito ngumiti.

     Sa likod ng lumang bahay na iyon ay mayroong isang puno ng balete. Napakalaki ng punong ito, Triple sa laki ng bahay nina Enteng.

      Hawak-hawak ng magkabilang kamay ni Enteng ang inosenteng sanggol na tahimik lang na natutulog. Humarap siya sa malaking puno ng balete at wala ng sinayang na oras. Kailangan ng makabalik ng mga Kisah Dongeng sa mundo nila. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay habang hawak pa rin ang bata.

              "Agulem!" sigaw nito gamit ang kakaibang lengguahe.

     Isang malakas na kulog at kidlat ang namayani sa buong kapaligiran. Ang bawat liwanag ng kidlat na lumalabas mula sa kalangitan ay nagtitipon-tipon at nag-hugis bilog. Habang palaki nang palaki ang bilog na ito ay unti-unti ring lumakas ang liwanag na nagmula rito.

             "Es esclerom!" sigaw ulit nito.

     Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng malaking bilog na tumama sa puno ng balete. Isang nakakasilaw na liwanag at binalot ng malakas na enerhiya ang buong paligid.

   Tumagal din ng ilang minuto bago muling nagbalik sa dati ang lahat. Tanging si Enteng at ang inosenteng sanggol na lamang ang nandoon sa harap ng puno. Ang mga engkanto ay nawala na.

             "Wala na sila apo," sambit nito.

    Ang bakas na tanging naiwan ng mga ito ay ang numerong nakaukit sa katawan ng punong balete, numero uno at otso. At tanging si Enteng lamang ang nakaka-alam ng ibig sabihin niyon.

     "Aalagaan kita apo, Pangako ko iyan sa iyong mga magulang,"

■■■■■■■■■■■
¡NAMAYAN VOCABULARY¡

Awali- Kawal
Kisah Dongeng- Engkanto

-------》Ang parteng ito ay isinulat ni
quiescentWriter maraming salamat sa pagbabasa! Magkita-kita muli tayo SA SUSUNOD NA PAHINA ;)

Hiraya Namaya (ONHOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon