CHAPTER 6

4.2K 76 15
                                    

Pearll Aydelle Xyllhia Allexa's POV

"Balot!!!" Omayghad yung hinihintay ko!

"Omo! Si kuyang magbabot!!" Papalibre ako. "Xyloxe." Nagpuppy eyes ako tapos humawak sa braso nya, naistorbo ko. Nag e-ml kasi, hahaha.

"Nako Paxa! Naglalaro ako!" Ahaha alam na nya, sakanya kasi ako nagpapalibre ng balot.

"Kuya! pabili!!!" Tinawag ko yung magbabalot ng medyo malakas, yung rinig sa kabilang kanto. Hhaha char

Lumapit dito yung magbabalot, "Ano neh?" Tumingin ako lay Xyloxe. "Loxe! Nandyan na si kuya eh!" Nagpout ako tapos nagmaktol, nakahawak parin ako sa braso nya. Ganyan kami sa tropa. Tsaka wala akong pakeelam kung masyado akong close, ang gusto ko lang naman yung balot eh!

Kumuha sya sa gilid ng bewang nya ng bente, nakaipit kasi sa short nyang jersey. "Thank you! Bawi ako next time!" Sabi ko. Binigay na ni kuya yung isang balot at pinabalot ko na agad para hindi na makatanggi si Xyloxe. Ipinatuloy nya kay Zymone yung laro nya.

"Yung sukli ko?" Nako

"Ohh, hoy wag mo yan ibili ng sigarilyo ha??" Sabi ko, alam ko naman na matagal na nyang gusto magsigarilyo pero sabi ko nakasasama sa kalusugan yun, sabi ko rin kahit vape nalang yung gamitin nya. Oks na yun.

Pero nakita ko lang yang dalawang beses nanigarilyo kasi nung nakita ng papa nya. Ayun nagrounded. 1 month straight.

Umalis na yung magbabalot tapos ako eto nagsimula nang balatan yung balot. Binutas ko sa may tuktok, yung bandang matulis tapos nilagyan ng asin tapos sinipsip yung sabaw. "Patikim nga!" Sumipsip din si Xyloxe sa may butas tapos nilagyan nya ng asin. "Sayo nalang yung puti." Sabi ko, ang tigas kase kaya sakanya ko binibigay yung puti. Sila Aidan naman, may mga allergy sa itlog kaya hindi makakain. Kawawa.

"Balang araw makakakain din ako ng balot, hindi na tikim. Kain na!" Sabi ni Xandder habang nakatingin sa kinakain namin ni Xyloxe.

Aaminin ko gwapo sya, matalino, kalog, malibog, magaling maglaro ng computer games, maputi, may redish na mga labi at malalaking biceps. Shet, katakam! at isa sa mga ideal type ko. Crush ko lang naman sya eh, hanggang dun lang. Promise.

"Patikim ako ng sisiw..." Sabi nya, ibinigay ko naman yung ulo. Nung kinain nya halata sa mukha nyang pinipigilang masuka. "Ok pwede mo isuka.." Sabi ko, hahah.

"Masarap ba?" Tinanong ko sya pagkatapos nyang idura yung ulo ng sisiw. "Ano bang lasa yun?!!" Arte.

"Sarap kaya!" Kinain ko na lahat habang sya tintingnan lang akong kumain, "Oh eto na yung puti." Ibinigay ko na sakanya yung puting parte dito sa balot.

"San tayo maghuhugas?" Pag umuwi naman ako, baka hindi na ako palalabasin ni mama. "Kina aling fetus nalang." Nagpunta kami sa tindahan ni aling fetus tapos nagpaalam kami na maghuhugas kami ng kamay. Habang kami naghuhugas ng kamay lumabas yung kapatid ni aling fetus na grabe makatitig kay Xyloxe.

"Xyloxe, grabe makatitig sayo oh." Bulong ko sakanya habang sya nagpupunas ng kamay at bibig, ako naman patuloy sa paghuhugas ng kamay. Natatawa nalang ako sa mukha nung lalaki tsaka ni Xyloxe. Sino ba to?

Nagkatitigan itong dalawa.

Bigla namang hinawakan ni Xyloxe itong dibdib ko, "Nakikita kasi yung pader mo." Sabi nya. Kapal ng mukha!!!

Kinindatan ako nung lalaki at si Xyloxe naman ay lalong sumama ang tingin doon. Umayos na ako ng tayo para hindi na makita ito at si Xyloxe naman ay inalis na ang kamay sa dibdib ko. Aba natural!!!

"Kapal---" Naputol ang sasabihin ko nang biglang lumakad yung lalaki papunta saamin.

"Ganda mo miss..." Sabi nya. Tskk

Being His Fake Girlfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon