Chapter 8: Him or what?

11.2K 249 15

Chapter 8
Him or what?

"Wag kang bibitaw."

Ha? Bakit?

Pinilit kong bawiin yung kamay ko. "H-hoy kuya A-andrew! A-no bang ginagawa mo?" nauutal pa ako. Shet. Tsk.

"Sshhh. Diba sabi ko wag kang bibitaw? Tsk. Manahimik ka muna!" mahina niyang sabi.

Ano ba kasing meron? Psh. Pwede naman sigurong makipag-holding hands na lang siya sa sarili niya diba? Ba't ako pa? Hay. Daming arte nitong lalaking ito eh.

It's like he's flaunting about our hands intertwined together. What the?! Tsk. Kada naman sinusubukan kong tanggalin, hinihigpitan lang niya so no use rin.

After several minutes, ay sandali lang pala, tinanggal na rin niya.

"Oh ayan. You're on your own." sabi niya then walks out.

Problema nun? Galit or what? Abnormal. Tss. Sinundan ko naman. Aba! Nagyaya siya rito sa cafeteria tapos tsaka siya mangiiwan? Bah! Di yun makatarungan! Ano bang pinagsasasabi ko. (_ __ )+

"Ano bang problema mo? Galit ka na naman ba ha?" I asked, hindi calm pero hindi rin naman nakasigaw. Tama lang. Well at least for me, tama lang.

"Wala. Kung gusto mong kumain dun, bumalik ka na."

"Baliw ka ba? Eh ikaw yung nagyaya eh. Tsk. Hindi ako kakain. Babalik nalang ako sa room. Pahirap pa."

"Pahirap ka dyan. Tss."

"Totoo naman. Ugh."

Nag-unahan kaming naglakad pabalik ng room. Hindi ko nga alam kung anong kaluluwa ang sumapi samin. Ba't ba kami ganito? Lagi nalang kasi. Tsk.

"Ba't nyo naman iniwan si Rob. Ayun, umiiyak kanina pa. Hinahanap kayong dalawa." salubong ni Pauie.

"Oh?" di makapaniwalang tanong ni Andrew.

Ano ba, hindi ba siya makapaniwalang umiiyak si Rob? O the fact na hinahanap kaming dalawa? Ay bengga ha, longing for us agad ang peg ni chubby Rob. Hihi. Cute.

"Oo." sagot ni Pauie, "Puntahan niyo kina sister Rencia. Dun namin hinatid kanina."

"Ah, sige sige." sagot ko na lang at lumabas na rin. "Golly, kuya Andrew. Look what you've done. Tch. Baka pagalitan na talaga tayo ni sister niyan eh."

Mapanghigit kasi. Kainis!

"Oo na. Ako na naman may kasalanan. Ako naman lagi eh." he said bitterly.

Cupid CrisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon