Chapter 12

This is it. Ngayong araw na kami maghihiwalay. I mean, we have 1 week pa pero why end it next week kung pwede naman namin gawin ngayon diba?

"Clair! Bilisan mo nga maglakad!" Sigaw saken ni Trey. Nasa canteen kasi kaming dalawa ngayon

"Geh." Yan lang ang sinabi ko sakanya at nagmadali nang maglalad papasok at pumunta sa isang bakanteng upuaan

"Order lang ako ha. Anong gusto mo?" Tanong niya saken habang nakatingin sa may counter ng canteen

"Tubig at Skyflakes lang ako ngayon" yan lang muna kakainin ko kasi wala akong gana. Hindi ko rin alam kung bakit pero basta na lang akong nawalan ng gana. Hindi naman na nagreklamo si Trey, nasense siguro na bad mood ako.

Haha. Napatawa ako sa naisip ko. Si Trey magkakasense? Bago yun ah

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Sabi ni Trey na kakadating lang dala ang pagkain namin.

"Wala." Sambit ko at kinuha ko yung Skyflakes at tubig na nasa serving platter

Tumango na lang si Trey at hindi na umimik pa

Tatlo pa ang klase na papasukan namin.

"Uhmm... T-trey.. uuhhmm.." sabi ko pagtapos kong maunos yung skyflakes ko.

"Hmm?"

"Let's end this." Sabi ko ng diretsyahan. Kailangan hindi niya mahalatang nahihirapan akong magsalita

Natigilan siya saglit pero pinagpatuloy parin ang pagkain

"Clair. Alam kong tapos ka nang kumain. Please wag mo naman akong idamay. Gutom ako. Okay?" Patay malisya niyang sabi. Alam ko namang iniiwasan nya lang yung sinabi ko eh

"No, I mean, let's end this. Break na tayo." Sabi ko ng medyo malakas na.

"Hindi ba break ang tawag sa ginagawa natin?" Baling niya sa pagkain na kinakain namin.

Bakit ba dinedeny nya? Bakit?

"Trey naman! Alam kong Tanga ka! Pero hindi ka naman slow!" Sigaw ko sakanya. Agad-agad namang nagseryoso mukha niya.

"Clair. A-ano bang pinagsasabi mo?" Tanong niya

"Trey, kailangan paulit-ulit? I said Let's.End.This.Relationship." cold kong sabi

"Bakit? We have 1 week to go pa. Please give me that 1 week." He's pleading. I can see it in his eyes

"Why end it next week, if we can end it today?" Tanong ko sakanya. Nangiinit na mata ko ngayon. I'm in the verge of crying I know it.

"Goodbye Trey." I said for the last time before I turned around.

Pero bago pa ako makaalis he held my hand. I felt my heart skip a beat, nakaramdam din ako ng kuryenteng dumaloy sa bong katawan ko.

"Tell me, your joking right?" Seryoso pero puno ng lungkot niyang sabi

"Do I look like I'm joking?" Seryoso ko rin sabi, ayokong makahalata siya saken

Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ba ganito nararamdaman ko? The feeling is not guilt, it's something much more deeper.

"Is it because of him?" Sabi niya

"Because of who? Who are you talking about?" Takang tanong ko

"Is it because of that freaking Clayton!?" Sigaw niya

Konti lang ang tao ngayon sa campus kasi akala nila wala parin pasok so halos walang nakakarinig saamin ngayon.

"Don't you dare join Clay in this nonsense of a conversation!" Sigaw ko sakanya

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!