CHAPTER 1:EXAM DAY

375 13 0
                                    

ZHACKIE'S POV

"Zhackie!!!"-sigaw ni Devaugn.

"Pababa na!"-sigaw na sagot ko sa kanila.

Nalate ako ng gising dahil nagreview pa'ko,sabay-sabay kaming magtetake ng exam ngayon sa Dark Demon Academy.

Bumaba na'ko pagkatapos kong magsuot ng sapatos "Ang bagal mo naman"-inis na sumbat ni Yuuzo.

"Mabilis na nga'ko n'on e,late lang talaga ng gising"-paliwanag ko.

Papalabas na kami ng bahay ng biglang tumigil si Daimon kaya napatigil din kami "Hindi ka ba muna kakain?".

"A-ah hindi na,malelate na tayo e"-at saka nagpatuloy maglakad,sumunod naman agad sila.

Pumasok na kami sa sasakyan ni Daimon,siya na naman ang nagmaneho.

Habang nasa byahe kami ay may sari-sarili kaming mundo.Lahat ay sari-sariling review at pag-aayos sa sarili.Pabango dito,Suklay d'on.Basa dito,Sulat d'on.

Lahat ng mga magulang namin ay magkakabusiness partners kaya naisip nilang isang school na lang ang pasukan namin para hindi na rin maabala ang mga magulang namin tuwing may school works,magkita kita na lang daw kami if meron talaga.

Ilang oras pa bago huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng napakataas na gate.Bumaba na kaming lahat at pinark na ni Daimon ang kaniyang kotse sa gilid ng gate na iyon.

"Da-Dark Demon A-academy..."-pagbasa ko sa pangalan ng akademiya na nasa mismong gate.

Mula sa gate na iyon ay lumabas ang isang babae at lalaki.Parehong nakaitim at pula.Mukha pa lamang ay masungit na kaya lahat kami ay natuon sa kanila ang atensyon.

Ngumiti sa'min ang babae "Kayo ba ang mga mag-eexam ngayon?"-tanong niya habang magkahawak ang mga kamay sa harap.

Nagkatingin pa muna kaming lima bago nakasagot "O-opo".

"Ako si Biancah Ameythyst Roswell,proctor para sa mga babaeng mag-eexam"-pagpapakilala niya "Salamat dahil napili niyong dito mag-aral sa Dark Demon Academy".

"Ako naman si Luxary Hance Coeliegh,proctor para sa mga lalaking mag-eexam,lugod kaming nagagalak dahil dito niyo napiling mag-aral"-dirediretso niyang sabi.

"Magkakahiwalay ang mga babae at lalaki,kayong dalawang babae ay sumama sa'kin"-at tinuro pa kami ni Devaugn kaya sumunod naman kami.

"Kayong tatlong lalaki,sumunod kayo sa'kin"-ani Luxary at tinalikuran na kami.

"Kita-kit mamaya"-huling sambit ni Nixie bago siya sumunod kila Yuuzo.

Tumango ako at saka lumapit na muli kay Devaugn,naglalakad na kami kasama 'yong Ameythyst,magkaiba ang way ng mga babaeng examiner at lalaki 'pag pupunta sa pag-eexam-an.

"Kinakabahan ako"-bulong ni Devaugn at lumapit pa para hindi siya marinig n'ong Amethyst.Tinignan ko naman 'yong proctor namin,ngumisi siya ng bahagya.

Mas gusto mo pa lang kinakabahan kami...

"'Wag ka nang kabahan"-sagot ko na lang.

Kumapit na lang siya sa braso ko.Ilang minuto pa kaming naglakad at huminto siya sa isang kwarto at saka pumasok kaya gan'on din ang ginawa namin.

Halos kasin'laki lang ata siya ng kwarto ko,hindi malaki,hindi rin maliit.May dalawang upuang magkatapat na magkalayo.May mga pangalan namin ang upuan,mesa,lapis,pambura,papel at earphones.

Bigla siyang nagsalita "Para makapasok sa eskwelahang ito,may dalawang exam ang magaganap,kapag pumasa kayo ay awtomatiko na kayong estudyante sa paaralang ito.Dito mismo magaganap ang unang exam,maging maingat sa pagsagot,hindi lahat ng nababasa niyo ay alam niyo na ang sagot.Lahat ng tanong ay lohikal.Mayroon kayong isang oras para sagutin ang mga tanong.Ako'y magbabantay sa bawat kilos niyo kaya huwag niyong tangkaing mandaya,may earphones d'yan dahil habang nagtetest kayo'y kailangang masubok ang utak niyo kung kaya niyo bang magsagot kahit may music,nasa sainyo na kung kaya niyo o sabayan na lang ang music"-mahabang pagpapaliwanag niya tumalikod sa'min.Nasa pagitan ng upuan namin ni Devaugn ang upuan niya.

DARK DEMON ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon