KIDLAT : 18

438 42 4

KABANATA 18

*
KIDLAT

-
Basang-basa ang pisnging nagpatuloy s'ya sa paglalakad. Hilam ng mga luha ang mga mata dala ng sama ng loob at galit, dahil sa 'di niya nagawang ipagtanggol ang sarili sa ama ni Nika. Tumunog ang cellphone niya, si Kidlat ang tumatawag, nagdadalawang isip niya kong sasagutin niya ito.
"Nasaan ka?" bungad nito sa kanya nang nagpasya siyang sagutin ang tawag ng binata.
"Trina, hinahanap kita, nasaan ka?" ulit nitong tanong sa kanya. May pag-aalala.
"K-kinailangan ako ni Johan," pagsisinungaling niya dito.
"Kaya ka umalis ng walang paalam?" aniya, napakagat-labi siya.
"I'm s-sorry, kinailangan ko umalis."
"Pupuntahan kita, hintayin mo ako." aniya nito bago pinindot ang cellphone nito. Muli siyang napaiyak sa pinaparamdam na pag-aalala sa kan'ya ni Kidlat
Kahit pa labag sa loob niya, kahit pa alam niyang hindi maglaon may masasaktan sa kanilang dalawa ni Nica, sa kapatid niyang tuluyan ng nahulog ang loob sa binata at siya na kahit pigilan niya pa. Hindi na maitatanggi ang nararamdaman niyang lihim sa pinapakita nitong halaga.

KANINA pa nasa labas ng bahay nina Trina ang binata. Ayon sa inatasan niyang magbantay kay Johan, hindi pa ito dumating. He tried to call her pero naka-off ang cellphone nito. Labis na siyang nag-aalala sa dalaga, tiim ang bagang na akma siyang papasok sa kotse niya ng may tricycle na biglang huminto sa tapat ng bahay nang dalaga.
"Manong, salamat po." narinig niyang boses ni Trina, nilapitan niya ito ng makalayo ang sinakyan nito.
"Saan ka nanggaling?" malakas ang boses na tanong niya dito. Nahinto ito sa pagbukas ng munting tarangkahan nila.
"Alam mo bang pinag-alala mo ako? pinaghintay mo ako? na hindi ko alam kong saan ka nagpunta o, san ka nanggaling?" tanong niya sa dalagang umiwas ng tingin sa mga mata niyang hindi maitatanggi ang galit.
"Trina, kinakausap kita!" hinawakan niya braso nito.
"P-pagod na ako Kid, gusto ko na magpahinga." anito, tinanggal niya ang kamay niya sa braso nito.
"Ano ba nangyayari sa'yo? Trin, sabihin mo sa'kin, tutulungan naman kita e. I will not leave you, nandito lang ako." tiningnan siya nitong nakangiti, ngiting hindi umabot sa mga mata nito, kaya kahit sabihin man nitong okey lang ito, mahirap paniwalaan.
"Hindi mo rin maiintindihan." sagot nito sa kan'ya tuluyang binuksan ang bakod.
"Pipilitin kong intindihin, ipaintindi mo lang sa akin. Maniwala ka, Trin. hindi kita iiwan." sinundan niya ito hanggang sa loob ng bakuran nito.
"Umalis ka na, g-gusto ko na magpahinga. Salamat Kidlat, tatandaan ko." anito, pumasok na ito sa loob ng bahay, sinirado ang pinto walang paalam. Wala siyang nagawa, kailangan niyang intindihin si Trina, alam niya nararamdaman niyang mabigat ang dinadala nito na hindi lang tungkol kay Johan ang puno't dulo ng nakikita niyang lungkot sa mga mata nito. May ibang dahilan at hindi siya susuko hangga't hindi niya malalaman ang dahilan na 'yon.

MAAGA siyang nagising nang umagang 'yon. Agad niyang tinungo ang bakuran nila para diligan ang paboritong mga rosas ng tiyang Mailen niya bago ito pumanaw. Nagulat siya sa napagbuksan ng pinto sa isang lalaking nakahiga sa mahabang silya na gawa sa kawayan,  walang iba kundi si Kidlat.
"K-kidlat? Kidlat," pupungas-pungas itong dumilat ng mata. Medyo napapikit sa araw na sumisinag sa gawi nito.
"Gising na pala ako," aniya nito nakangiti sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? bakit ka nandito?" sunod-sunod na tanong niya sa binata. Umupo ito pinagmasdan siya.
"Ang ganda mo pag bagong gising ka." tanging lumabas na salita sa bibig nito. Umiwas siya ng tingin napalingon sa pinto nag-aalalang baka biglang lumabas si Johan.
"Sagutin mo ako, anong ginagawa mo dito? bakit ka natutulog dito?" muli niyang tanong, muli itong ngumiti sa kanya.
"Sabi ko 'diba babantayan kita? na, aalagaan kita." napikit s'ya sa naging sagot nito.
"Tumayo ka na't umalis ka na. Kidlat please, hindi ko kailangan pag-aalala mo. I can live without  you." tumayo ito, tuloy-tuloy sa loob ng bahay nila sinundan niya ito direkta nitong tinungo ang kusina.
"Hindi ka pa nakapagluto? gutom na ako." anito, nakatingin sa kan'ya. Sumingkit ang mga maya niyang nilapitan ito.
"Ang kapal naman ng mukha mo! ano akala mo sa bahay namin boarding house? matutulog kang walang paalam, papasok ka dito walang pasabi at maghahanap ng pagkain. Wow, big wow. Mr. Marundon!" galit niyang bulyaw sa harap nito.
"From now on, I will live here with you with Johan." sagot nito sa kan'ya. Tinampal niya ang braso ng binata nang akma nitong kukunin ang thermos sa maliit niyang lamesa.
"Get out! utang na loob umalis ka na!hindi kita kailangan sa buhay ko Kidlat maging sa buhay namin ni Johan." hinarap siya nito, nagbaba ito ng tingin para magpantay silang dalawa.
"Hindi ako aalis dito, hindi kita iiwan mag-isa na kayanin lahat ng problema. Sasamahan kita, Trina and that's my promise." wala siyang nagawa kundi matulala sa mga sinabi nitong hindi niya inaasahan. Mga salitang  magmumula sa isang lalaking estranghero. Sa lalaking dahilan ng magiging panganib sa buhay nila sa kamay ni Tomas.
"Go! leave!" singhal niya sa binata kahit ang totoo gusto niya ang ideyang makakasama niya ito sa apat na sulok ng bahay nila ng kapatid niya.
"I won't! never." paninindigan nito sa bawat pagtaboy niya dito. Tumalikod ito nagsalin ng mainit na tubig sa tinimplahang kape sa tasa niya na inaangkin nito. Napabuntong-hininga siya sa likuran nito sa hirap niyang paalisin ito.
"By the way, nakalimutan kong mag-goodmorning sa'yo, sweetie." anito, nang humarap sa kan'ya. Nabigla siya sa biglang pagyuko nito para halikan ang nuo niya.
"I don't why I felt the urge to kiss you. Ang alam ko lang, kapag hindi ko ginawa 'yon ay magsisisi ako habang-buhay." dagdag pa niya. Na lalong nagparamdam sa'kin ng kakaiba.

A/n : U N E D I T E D.

---

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!