Cross' POV

"Tae naman Cross!!!" sigaw ni Seven sa akin "Eto ba yung sinasabi mong plano?! Hindi ko akalain na ganyan ka kabaduy 'pre!!!"

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Muntik na akong mapatawa ng malakas ng makita ko kung anong itsura nilang lahat. Pare-parehas kaming nakasuot ng cookiemonster outfit with matching one boquet of flowers pa sa kamay.

Tss hindi naman baduy =.= ang cute nga ehh. Tiyak matutuwa si cookiebear pag nakita kami neto. Namimiss ko na din siya, ilang araw din akong hindi nagpakita sa kanya dahil sa plano ko. Gusto ko kasing maging perfect ang first day ng panliligaw ko sa kanya, gusto ko maging memorable itong araw na ito.

Buti naman at nakipag-cooperate yung anim. Pumayag silang magpa-voice lesson, and also a big thanks to Sync, dahil sa tiyaga niyang magturo sa amin. =.= Grabe!! Di ko akalain na ganon kahirap kumanta  ~__~

Isang beses pa lang naman kasi ako kumakanta sa harap ng ibang tao, yun yung nasa Paris kami ni CookieBear para sa honeymoon namin :">

Malapit na kami sa office kung saan nagtatrabaho si Eya. SHEMAY kinakabahan ako, para ako maiihi na ewan. Pero kailangan gawin ko ito, para kay CookieBear!! AJA!!

"Nandito na tayo..." sabi ni Sync, hininto niya na sa gilid ng daan yung truck na ni-rent ko. Kasama ito sa surprise ko para sa kanya.

"Eross, check mo nga kung nadiyan na sa labas ni Eya.." utos ko sa kanya

"Ayaw ko nga!! Kita mo nga andaming tao, pano kung may makakilala sa akin dito? Nakakahiya sa mga student ko!!" sagot niya sa akin

"Seven, ikaw na nga lang.."

"Ayaw ko nga!!" sagot din ni Seven. Tae naman ohh!! No choice, kaya naman lumabas ako, nandito kasi kami sa likod nakasakay. Paglabas ko para silipin kung nadoon pa si Eya bigla namang nagsigawng yung mga tao.

"Kyaaaaa!!!! Ang gwapo!!!"

"Si Cross Sandford yun di ba?!"

"Prince Cross!!! You're back!!!!"

Dahil sa pagwawala nila, nabisto tuloy ako ni Eya, bigla kasi siyang napatingin sa direksyon ko nung magsigawan yung  mga tao. Nakakunot yung noo niya pagkatingin sa akin..

This is it, eto na siguro yung sign na hinihintay ko. Agad kong tinawag sila Memo para lumabas sa loob ng truck. Paglabas nila Memo, Saturn, Sync, Eros at Seven ay pare-parehong namumula ang mga mukha nila dahil sa hiya. 

Isa-isa silang lumapit kay Eya para iaabot yung hawak nilang boquet of white rose. Nagtataka man ay tinggap pa rin iyon ni Eya. Weew!! kala ko tatanggihan niya..

Our Twisted Love StoryMga Kuwentong Mamahalin Mo