Chapter 1

79 6 0

Ako nga pala si Mark Salonga but mas sanay akong tinatawag sa pangalang Kit. 16 years old at 4th year highschool na.

Kilala niyo ba si Andrea?

Si Andrea na mabait?

Si Andrea na maganda?

Si Andrea na matalino?

Si Andrea na talented?

Si Andrea na nasa kanya na ang lahat?

Well, siya lang naman ang naging crush ko since I was in grade 5. Pero hanggang tingin na lang ako sa kanya. Yung mga characteristics kasi ng ideal man niya, wala e. Kabaitan lang ang meron ako at ang respeto sa mga kababaihan. Wala nga akong nasalo nung nagpaulan ng kapogian ang Diyos e.

Nandito ako ngayon sa canteen. Alam niyo ba kung bakit? Nandito kasi si Andrea. She's currently drinking water. How I wished, ako na lang yung tubig.

Ngayon ko lang napansin, siya lang pala mag-isa. I wonder kung nasan yung mga kagrupo niya. Hmmm... Lord? Ito na ba yung oras na matagal ko ng hinihintay? Ito na ba yun?

Lalapitan ko ba o hindi?

Tic toc tic toc tic toc tic toc tic toc...

Hindi na lang siguro. Wala rin naman akong karapatan para lapitan siya. Langit si Andrea, samantalang ako, nasa lupa lang.

"Hi Andrea!"

Takte may kumausap sa Andrea ko.

"Hi Rex!"

Tignan mo 'to. Sumagot pa. W-wait.....Bakit si Rex pa?

"Are you free tonight?"

Damn please no!!!

"Well I'm done with all those paperworks naman. So, yeah."

Wala na.

"Yes! At exactly 7 p.m. Sunduin kita sa coffe shop."

"Sige."

Pumayag na siya. Wala akong nagawa para pigilan siya. Tangina naman oh! Na tatameme ako pag si Andrea na. At bakit si Rex pa? Yung mismong karibal ko pa? Ugh balita ko kasi, siya daw ang bagong manliligaw ni Andrea. OO, NAGSESELOS AKO! Buti pa siya nagagawang lapitan si Andrea. Eh ako? Eto nakatunganga lang. Boset!

Crush ko si AndreaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!