Monster ♂ Chapter 1

148K 2.7K 244

Monster ♂ Chapter 1

“Whatever you are physically, male or female, strong or weak, ill or healthy—all those things matter less than what your heart contains. If you have the soul of a warrior, you are a warrior. Whatever the color, the shape, the design of the shade that conceals it, the flame inside the lamp remains the same. You are that flame.” Niyakap niya ang makapal na libro sa kanyang dibdib. “That’s what James Carstairs says to Tessa Gray from the book Clockwork Angel. Isn’t it beautiful? This book is a masterpiece. I recommend this to you guys but warning, Will Herondale is mine, you can take James.”

Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Ayesha. Isinulat ko sa aking notebook ang sinabi niya na kinuha niya sa librong ini-recommend niya. Nandito ako ngayon sa garage nina Ayesha, kaklase ko sa sa subject na English. Nagtitipon-tipon kaming lahat na mga bookworm dito sa garage nila para magrecommend ng mga librong nabasa na namin sa bawat isa o kaya naman magkwentuhan tungkol dito. Ginagawa namin ito tuwing Sabado at ito na ang last na gagawin namin ito dahil kailangan na ‘daw’ magfocus sa pag-aaral. I’m against it at first pero wala na akong nagawa.

Nilanghap ko ang sariwang hangin dito sa park. Umalis na ako kaagad kasi ayoko ng masyadong drama. Makakapagbasa pa rin naman ako ng libro kahit anong oras ko gusto ang kaso lang, nabasawan ang taong mapapaglabasan ko ng feels kapag maganda ang nabasa ko.

“Chloe!”

Malapit na ang pasukan, siguro tama din nga naman sila. Kailangan naming magfocus sa pag-aaral lalo na’t pare-pareho kaming graduating sa High School. We shouldn’t fail.

“Chloe Janelle Rosette!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman si Ayesha na tumatakbo. Nang makarating siya sa harapan ko ay may iniabot siya sa aking libro. Ngumiti siya sa akin. Pinunasan pa niya ang pawis na tumulo sa kanyang pisngi.

“Naiwan mo ‘yang libro mo.”

“O-Oh, salamat.” Tiningnan ko ang paborito kong libro, ’13 Reasons Why by Jay Asher’, bakit ko nga ba nakalimutan ‘to? Stupid me. “Buti na lang naibigay mo sa akin. Salamat talaga.”

Iniwagayway niya ang kamay niya. “Naku, wala ‘yun, ‘no. Alam ko namang paborito mo ang librong iyan. Sige, aalis na ako.” paalam niya.

Pinanood ko lamang siyang umalis at nagsimula na ulit akong maglakad. Nilagay ko ang libro sa aking sling bag. Mahilig talaga akong magbasa ng mga libro. Nag-iipon pa ako para lang makabili ng mga librong gusto kong basahin. Madami na din akong nabasa at hindi na mabilang ang mga author na iniidolo ko.

Muli kong nilanghap ang sariwang hangin at tumingin sa paligid. Ang daming batang naglalaro, nagtatawanan at nagkakasiyahan. Nakakatuwa silang panoodin. Sobrang nakakarelax din ang atmosphere.

Habang lumilinga-linga ako sa paligid ay napatingin ako sa aking dinadaanan. Nakakita ako ng 1000 pesos sa may damuhan. Parang nakarinig ako ng ‘kaching!’ at kulang na lang ay maghugis peso sign ang aking mga mata. Tumingin-tingin ako sa paligid kasi baka balikan ‘nung may-ari pero mukhang hindi alam ‘nung may-ari o kung sino man ‘yon na nalaglagan na siya ng pera kaya nilapitan ko na.

Ako na ang mukhang pera. Ako na talaga! Sayang din, ‘no! Pangkain din ‘to. HAHAHA!

Tumungo ako para limutin ito kaso nakita kong may isang kamay na humawak sa kabilang dulo ng 1000 pesos.

Napanganga ako nang makita ang itsura niya. Isang lalakeng sobrang gwapo! Nakasando siyang kulay itim at may malaki siyang tattoo sa right arm niya. May tatlong hikaw siya sa kanyang tainga na nakahilera at sa kabilang tainga naman ay may hikaw din kaso isa lang pero kahit ganoon, mas lalo lang itong nakadagdag sa kagwapuhan niya. Shet, nasa langit na ba ako?

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!