"Jollibee ulit?" natatawa kong tanong sa kanya nang makalapit ako kahit na gustong-gusto ko naman nang kanyang biniling pagkain.

"Huwag ka nang mag-inarte," pabiro siyang umirap sa akin. "Alam ko namang naglalaway ka na ngayon dahil naaamoy mo na ang Chicken Joy."

Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ko sa pagtawa. Talagang kilalang-kilala na niya ako. Ang tanging naitago ko lang ata sa kanya ay ang pagkagusto sa lalaking mukhang ayaw niya para sa akin.

"Papunta na rin daw si Drew sa apartment mo. Magdadala raw siya ng pizza at chicken wings," dagdag niya.

My eyes slightly widened and I suddenly got excited. "Talaga? Pupunta raw si Drew?!"

Ngayong summer vacation kasi ay hindi pa nagpapakita sa amin si Drew. Ang sabi niya naman daw kay Walter ay umalis daw sila ng bansa kasama ng kanyang pamilya para magbakasyon.

Tumango si Walter. "Kakagaling lang nila mula sa European tour nila," sabi nito. "May dala rin siyang pasalubong para sa atin."

I clapped my hands because of excitement while Walter frowned.

"Tuwang-tuwa ka naman masyado. Baka nakakalimutan mong may iba nang nagmamay-ari sa puso ni Drew," nakakunot-noong sabi sa akin ni Walter.

Natawa naman ako sa kanyang sinabi. "Ano ka ba?! Syempre, hindi ko makakalimutan 'yon, no," sabi ko at bahagyang nalungkot nang maalala ang matalik na kaibigang naiwan namin sa Bela Isla.

Mukhang napansin iyon ni Walter at alam kong alam niya ang aking iniisip ngayon. He mirrored my expression before he heavily sighed. "Namimiss mo na si Naiyah, no?"

"Oo naman..." I said and smiled slyly.

In my deepest thoughts, I always missed Naiyah even though I was very busy with my college life here in Manila. I considered her as my greatest best friend. Hindi ko lang alam kung ganoon din ba ang tingin niya sa akin lalo na ngayong hindi na kami nakakapag-usap.

Noong unang taon ko rito sa Maynila ay nagkakausap pa kaming dalawa pero noong naging busy ako dahil maraming mga requirements ang itinatapon sa amin ay nagsimula na kaming maging malayo sa isa't isa. I was completely drowning in our requirements and projects. I would spend most of my time working on it. Iba pa ang oras na nilalaan ko para sa pag-aaral at paggawa ng mga assignments.

One time, when I visited her Facebook profile to check on her, I saw that she already made new friends. May bago na siyang barkada at mukhang masaya siya sa kanila. You could say that I was somehow jealous about it. Hanggang ngayon kasi sila-sila pa lang din ang matalik kong kaibigan. I have made new friends, but I wasn't that close to them. Kaya ngayon ay nahihiya na akong i-approach siya. Pakiramdam ko rin ay may galit siya sa amin dahil iniwan namin siyang mag-isa roon.

"I'm sure she also misses you," Walter tried to make me feel better by saying that.

"Sana nga..." sabi ko na lang at saka bumuntong hininga bago ngumiti. "Should we also invite Emma tonight? Para naman kahit papaano ay kumpleto tayo."

Walter cocked his head on one side like he was thinking about my suggestion so deeply. "I don't think we should invite her," he said. "Alam ko namang naaalala mo pa rin noong huling beses silang nagkasama ni Drew. It was a total disaster. Noong nalasing si Emma ay halos sapakin niya si Drew. Ayoko na ulit mangyari 'yon."

I pursed my lips. "I just really want us to spend more time with each other. Sayang ang friendship na binuo natin sa Bela Isla noon."

"Hintayin muna nating makapagmove-on si Emma bago tayo magsama-sama ulit," sabi ni Walter. "Hindi magiging maayos ang pagkikita natin kung mayroon pa ring hinanakit si Emma kay Drew."

Lethal AttachmentWhere stories live. Discover now