Chapter 1

181K 3.8K 375

Chapter 1
Start

"Name?" Deia asked in a serious tone while holding a pen and a mini notepad.

I rolled my eyes out of boredom. "Brendt."

I feel like a criminal that she wants to sing. Kulang nalang ay lagyan niya ng handcuffs ang kamay ko.

Nandito kami sa kitchen ng condo ko. Specifically, nasa dinner table kami. Deia's just sitting in front of me. She turned off the kitchen's main light at tanging ang nakasabit na ilaw lang sa taas namin ang nakabukas.

"Age?" sunod niyang tanong pagkasulat sa kaniyang notepad ng pangalan ni Brendt.

"Uhm... 29?" sagot ko naman.

"Are you sure or not?" she lowered her gaze.

"Fine! 29 years old." I exclaimed. "Hindi ko naman kasi alam kung 'yon ang totoong age niya. Iyon lang ang sabi niyang edad niya sa akin. Though I thought we're just on the same age."

She nodded as she scribbled on her notepad.

"How about his number?"

Nilabas ko ang cellphone ko at pinadulas sa lamesa patungo sa kaniya. "Just look at his name on my contacts."

I can see that she's very excited while looking for Brendt's contact. Tumayo naman ako para buksan na ang ibang ilaw sa kitchen.

"Done!" masiglang sabi niya at ibinalik sa akin ang phone ko.

Kinuha ko naman ito at saka ibinulsa.

"Nasan na ba si Selena?" I suddenly asked her para maiba ang aming topic.

"Baka masiyadong napagod kagabi." she laughed.

Selena's nowhere to found when we were about to go home last night. Hindi na kami nag-alala ni Deia dahil lagi naman namin siyang hindi kasabay umuwi kapag magc-club kami.

"Maghahanda muna ako ng tanghalian." sabi ko at tumungo sa fridge upang tignan kung ano ang pwedeng lutuin. "Text her, Deia. Ask her kung nasaan na siya."

"Okay... pero I suggest na gumawa ka na rin ng seaweed soup." suwestyon Deia habang kinakalikot ang iPad ko. "I'm pretty sure that she has a hangover again."

Ngumuso naman ako nang makitang wala na akong seaweed na natitira. I looked for an alternative soup at the top cupboard. I saw an instant crab and corn soup.

"Wala na akong seaweed... crab and corn soup nalang. Basta naman mainitan ang tiyan niya." sabi ko naman.

"That will do, I guess." nagkibit-balikat si Deia habang patuloy sa pagtitipa ng kung anu-ano sa iPad ko.

Sa tingin ko'y kailangan ko nang mag-grocery mamaya para hindi ko na maaabala ang sarili ko kapag nagsimula na akong magtrabaho.

Humagikgik naman si Deia at binalingan ko siya ng tingin. Abala pa rin siya sa aking iPad.

Gusto ko sanang alamin kung ano ang ginagawa niya ngunit mas pinagkaabalahan ko nalang ang pagluluto ng aming tanghalian.

Patapos na akong magluto ng kaldereta ay narinig ko na ang pagtunog ng doorbell.

"Finally!" sabi naman ni Deia at binitawan ang iPad upang pagbuksan ng pintuan si Selena.

Sinasalin ko na sa malaking mangkok ang kaldereta at naririnig ko na ang dalawang maingay na bunganga nina Deia at Selena.

Here we go again with their dirty talks.

Make Him Move On In 50 Days [#Wattys2017 Winner]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!