Chapter 74

334 14 9
                                    

"Wag kang magalala alexa. Hindi lang siguro sinasadya ng kapatid mo yun" Sabi sa akin ni miko kaya nginitian ko lang siya.

Gusto ko mag tanong sa kanya kung nag bago nga ako pero hindi naman niya ako kilala kaya paano niya masasabi ang totoo. Hindi naman niya malalaman kung nag bago nga ako dahil hindi naman niya ako kilala.

"Sinabi ba sayo ni april kung saan ang kwarto mo?" Tanong niya sa akin kaya umiling naman ako.

"Ah ganon ba sige ituturo ko sayo ang kwarto mo"  Sabi niya sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko ay napatanong ako sa kanya.

"Bakit naisipan ninyo pumunta dito tas sinama pa ninyo ako?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman kami ang nag plano nito kundi ang kuya mo" sabi niya sa akin habang naakyat kami ng hagdanan.

"Ha? Bakit naman niya naisipan niya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"I don't know pero ang alam ko ayaw niyang makita ka na malungkot" Hindi ko alam pero parang ang sama kong tao dahil sa sinabi ko kay kuya kanina, hindi ko alam kung bakit ko ba siya nasigawan kanina.

"Alam mo unang beses kita nakita na sumigaw kanina. Kala ko napa hinhin mong babae, pero mali pala ako" Natatawang sabi niya sa akin, ano naman ibig niyang sabihin sa akin hehehehehe

"heheheheh.... Ano bang meron dito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ko alam, ang totoo niyan unang beses lang namin pumunta dito kaming magkakaybigan" Sabi niya sa akin at hindi ko napansin na nasa may tapat na kami ng isang pintuan binuksan niya ito at namangha naman ako dahil ang ganda ng loob.

"Eto yung kwarto mo" Sabi niya sa akin.

"Ah okay...... Oo nga pala wala pala akong gamit hehehehe marami bang extrang damit na dali si april o kaya si nickol pwede kaya ako mangheram ng damit?" nahihiyang tanong ko sa kanya kaya napatungo ako.

"Anong sinasabi mo diyan may dalang gamit ang kapatid mo para sayo, baka nasa sasakyan pa. Sige ako na ang kukuha para sayo"

"Ay wag na ako nalang!" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Bahala ka, sige iwan na kita diyan mag luluto pa kasi ako" Aalis na sana siya ng bigla ko siyang pigilan.

"Pwede ba ako magtanong ano bang klaseng babae si sam?" Dahil sa tanong ko ay mukhang nagulat siya.

"Bakit gusto mong malaman kung anong bang klaseng babae si sam?" Binalik naman niya sa akin yung tanong ko sa kanya.

"Sagutin mo muna yung tanong ko bago ko sagutin yung iyo" Seryosong sabi ko sa kanya pero hindi nagbabago ang kanyang expression.

"Matapang na tao siya para sa akin. Sagutin mo naman yung tanong ko sayo" Nakangiting sabi niya sa akin.

"Wala lang para kasing mahalaga si sam" Sabi ko naman sa kanya.

Matatanong sana siya pero inunahan ko siya.

"Kala ko ba mag luluto ka? hehehhhe gutom na ako" Natatawang sabi ko sa kanya kaya napangiti naman siya at saka siya bumaba.

Tinignan ko muna ang loob ng kwarto at saka ako bumaba para kunin ang gamit ko sa sasakyan pero wala na pala yung sasakyan sa labas kaya nag taka anman ako ng makasalubong ko si jiro at si nickol kaya nagtanong ako sa kanila.

"Nasaan yung sasakyan?"

"Umalis na" Nagulat ako dahil sa sinabi ni nickol.

"Eh?! Eh yung gamit ko nasa sasakyan pa" Natatarantang sabi ko sa kanila.

"Ha? Pinasok na ni eightan ang lahat ng gamit sa lob, kaya baka nasa loob na yung iyo" Sabi naman ni jiro sa akin kaya nag pasalamat ako sa kanila at saka ako umalis.

Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon