Chapter 4: His Favorite Place

213 7 1

Sorry kung ngayon lang ako naka-update. Sobrang pagod palagi sa school and palaging may quizzes. Kung sana lang talaga hindi pinalitan ang grading sysytem namin. Kaso, wala na kaming magagawa. Pagpasensyahan niyo na ang update ba ito. This is not my best. Pero babawi ako sa next update. Wala kasi talaga akong maisip para sa next na mangyayari.

Can you help me think para sa next UD? Comment or message niyo naman ako o, huhubels.

Sa mga patuloy na bumabasa nito kahit matagal ang UD, THANK YOU AND LOVE YOU GUYSSSSS!!!

****

CHAPTER 4

One week na ang nakakaraan sa pag-iisang bahay namin ni Xian. Walang pinagbago at palagi parin kaming nag-aaway.

Mayroon naring katulong dito sa bahay dahil according to our parents, mas magkakaroon pa raw kami ng quality time kapag may mag-aasikaso na sa aming dalawa at sa bahay.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakapagtrabaho ni Xian dahil pinagbabawalan parin kami. Bored na bored na kaming dalawa dito sa bahay.

"Xiaaaaaaaaaan!!!" Sigaw ko.

"Ano na naman bang sinisigaw-sigaw mo diyan ha?! Ang ingay-ingay mo na!" singhal niya sa akin.

"Pwede ba tayong umalis sa bahay na ito?! Magdadalawang araw na tayong nakatambay dito!" Reklamo ko sa kanya.

May pera naman kaming dalawa. Ang kaso nga lang, sinakitan ako ng tiyan noong isang araw. Kahapon naman sana, kaso ang sabi nitong kasama ko ay magpaggaling raw muna ako.

"Xiaaaan" Pagmamakaawa ko at niyuyugyog pa ang balikat niya.

"Ano ba?!" Sigaw niya sabay tabig sa kamay ko. "Kung bored ka na dito sa bahay, umalis ka! Wag yung idadamay mo'ko!"

Bwiset. Sabi ko nga, aalis akong mag-isa. Ba't ko ba tinawag ko itong lalakeng ito at inaya siyang lumabas? Ew lang.

"Fine." Maikli kong sabi at syaka pumasok ng kwarto para magbihis.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bigla siyang napatingin sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Saan ang punta mo?" Tanong niya.

Tignan niyong lokong 'to. Pinapalayas ako tapos itatanong kung saan ako pupunta? May sayad rin itong isang 'to.

"Bababa sa impyerno." I paused and raised my left eyebrow. "Sama ka?"

Nabigla na lang ako sa sunod niyang ginawa. Minura niya ako at pinagsabihang maghintay at magbibihis lamang siya.

Wala akong naggawa kundi umupo sa sofa at hintayin siyang makabihis. Nasa kanya ang susi ng kotse eh, may magagawa pa ba ako?

"Problema nun Yaya Rose?" Tanong ko kay Yaya Rose na ngayon ay nagwawalis.

"Ewan. Kanina lang ay kinakausap niya ang sarili niya habang magkasalubong ang mga kilay niya. Pagbaba mo, yun na yun." Sagot ni Yaya sa akin.

"Ha? Wierd." Yun na lang ang nasabi ko at hinintay ang loko na bumaba mula sa kwarto.

Si Yaya Rose ay nasa mid-thirty's niya na. Hindi mo rin aakalaing katulong siya dahil may kaputian ito at kagandahan. Mabait siya at inaasikaso kami ng mabuti ni Xian.

Matapos ang halos isang oras sa paghihintay ay bumaba na ang nakaayos na Xian Yu.

Nakatayo at nakagel na buhok, nakawhite shirt at pulang shorts at naka black na vans. Gwapong-gwapo ang dating niya. Kung hindi siguro kami nagkakilala dahil sa arrange marriage, magkakagusto siguro ako sa lalakeng ito.

A Month With YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!