KABANATA XXXII

18 1 0

MONICA'S POV

"Sabihin mo Qwina kung mali ginawa ko kay Ken ?"

Kanina pa ako natataranta dito dahil sa ginawa ko sa boyfriend ko

"mali talaga, wala naman kasi siyang ginawang masama, pinakilala ka lang naman bilang girlfriend niya, anong problema mo dun ? pasalamat ka nga proud na proud yang boyfriend mo sayo eh, hay naku sigurado ako ngayon napapaisip na  yun kung bakit ganun ang inasta mo? bobita ka talaga !" kung kaharap ko lang siya ngayon, makakatikim siya ng bonggang bonggang subunot

Pero sa mga sinabi niya, may point siya. Nakokonsensya tuloy ako. Ang bait bait pa naman ni Ken sa akin.

"ihh kasi, ano bang pwede kong gawin para makalimutan ko si Gino ?"

"ituon mo lang pansin mo kay Ken dahil sa tingin ko ang true love mo talaga ay si Ken at hindi yang Gino na yan, kung binigay mo na lang sa akin si Gino edi wala ka ng problema"

"baliw ka talaga"

"Monica ?" –Gino

"call you later" sabi ko

"pasok" sabi ko kay Gino

Pumasok naman siya

Ang cool talaga ng presence niya

Haaaay

"Monica, may gusto ko lang akong kumpirmahin" tahimik na sabi ni Gino

Tama nga si Qwina dapat kalimutan ko na nararamdaman ko kay Gino

Lalabanan ko ito

Kahit alam kong mahirap dahil nasa loob kami ng isang bahay..

"kami na ni Ken Gino, huwag ka ng gumulo pa, kalimutan mo na yang nararamdaman mo"

"pero sabi mo pag iisipan mo muna kung papayag kang ligawan kita diba ?"

"narealize ko na mali ang sinabi kong iyun sayo, mahal ko si Ken okay ? kaya tama na Gino....marami pa namang babae diyan eh" 

Ang landi landi ko kasi

Ang pangit ng ganitong feeling

Inaamin ko napamahal na rin ako kay Gino.

Umalis na lang si Gino

Pag alis niya napaiyak na lang ako, nakokonsensya ako

Tinulog ko na lang ito

KINABUKASAN

Lunch na, hindi ko pa rin nakikita si Ken

Na saan na kaya yun ?

Pati rin si Gino, hindi pa nakikita ng dalawang mata ko

Mabuti na rin yun para makalimutan ko na tong nararamdaman ko

Pero na saan nga si Ken na boyfriend ko ?

Di ba ang boyfriend nandyan lagi sa tabi mo pag kailangan mo o kahit hindi mo kailangan ?

Ano ba naman tong first boyfriend ko oh....

Nung nakita ko sila Nicolo at Nathan, naisipan kong magtanong sa kanila

"Oy si Ken ?" salubong ko

"uy girlfriend ng utol natin oh ?"-Nicolo

"chicks" -Nathan

Pinaghahampas ko sila, kung ano ano pa sinasabi eh, parang ngayon lang kami nag usap ba

"si Ken nga na saan ? kasama niyo ba ?"

United LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!