Chapter 7

MiCo's Pov

Today is Sunday at nasa Mall ako kasama si Angella. Ang babaeng kinalbo ko noon dahil ayokong maraming umaaligid sa kanyang mga lalaki.. Ayokong nagpapaganda siya dahil gusto ko ako lang ang nakakapansin sa kanya.

Since may pov pala ako sa Chap na ito, lulubusin ko nalang.. Pero sa totoo lang ayoko naman talagang magsalita ng marami.. Pinilit lang ako ni Miss Author... Wala akong magawa kasi hawak niya ang buhay ko. Isang BACKSPACE lang niya, BURA na ako. Sa takot ko lang, ayoko talagang mangyari yun. Marami pa akong mga pangarap sa buhay na kasama ang babaeng iniirog ng PUSO ko. Yun ay walang iba kundi si Angella Marie Velloro.. Ang ganda niya talaga.. And I wanna spend the rest of my life with her..

Teka, parang nagiging madaldal na ako ah.. Ito na siguro ang epekto kapag in love.. Oo.. In love ako kay Angella Velloro the Nerd. Secret lang muna natin to ah.. Hindi niya pa kasi alam. Natatakot kasi akong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Ang alam niya, alalay ang tingin ko sa kanya. Pero masisisi mo ba ako? Ang cute niya kapag naaasar at nagagalit.

Hala.. ang daldal ko na talaga.. Mabuti pa ibahin na muna natin ang usapan. Ako si Michael Collin Bradford a.k.a. MiCo.. Ang taong tipid makipag-usap at pumipili lang ako ng kakausapin ko.. I don't like flirty girls.. Kaya nga nahulog ako kay Angella, kasi siya ang pinakakakaiba sa lahat. Aso't pusa ang bangayan namin sa Mansyon.. Yeah.., we're living under the same roof.. Noong una, ayoko sa kanya.. Pero noong aampunin na sana siya ni Papa at ni Mama, ako ang umayaw. Kasi sa tingin ko ng mga panahong yun, may namumuo ng feelings ako for Angella..

Teka.. Angella na naman ang bukang bibig ko?.. Hay nako.. Malaki na talaga ang tama ko kay Angella.

"Hoy!!!" Angella sabay bato sa akin ng notebook..

"Aray!!! Masakit yun ah!!!" reklamo ko habang hinimas himas ang ulo kong natamaan niya ng notebook..

"Eh kasi naman kanina pa kita, kinakaway blangko ang utak mo. At naisip ko din na baka nabulag kana at hindi mo na ako nakikita. Kaya ayon binato kita!!!" Inis na sabi niya nakapamewang.. Ang cute niya talaga.

"Tss.. hal-" Sh*t muntik ko ng masabing 'halikan kita dyan'.. Buti nalang save by the phone call. Agad ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa ko.

Dad calling...

"Hello Dad! Napatawag kayo."

" Just called to tell you I forwarded you Alex's number."

"Alex? Sino siya Dad?"

"Anak siya ng kaibigan ko. Remember the one I told you before?"

"Ahh.. yung sinabi nyong anak ni Tito Xander?"

"Yes Son.. Tawagan mo siya ngayon. Mag-usap kayo for tomorrow kung saan kayo magkikita sa Academy. Tandaan mo, baguhan lamang siya so kailangan niya ng tulong para sa paghahanap ng mga rooms niya.. At syempre ililibot mo siya sa buong Academy."

"Ok Dad Copy that.. Ngayon din tatawagan ko siya.." sabi ko

"Ok.. But just wan-"

"Ok Dad bye.. Need to go.." I cut him..at pinatay ko na ang phone..nagmamadali ako for Angella eh.

Nasa counter na si Angella. Siya na ang nag cue kasi kailangan ko pang tawagan si Alex. Bago ko dinial ang number ni Alex ay sinave ko muna ang number niya sa Contact lists ko. Alex Ducaine ang nilagay kong pangalan niya.

dialing Alex Ducaine...

"Hello?" toot toot.. Naend call ko.. Kasi naman babae pala si Alex. Akala ko kasi lalaki siya. At dahil sa sobrang pagkabigla ko, naend call ko.. Pagkalipas ng ilang sigundo tinawagan ko ulit siya. Pero bago yun, huminga muna ako ng malalim. Malay natin MEGAPHONE pala ang babaeng ito at sa sobrang inis na binabaan ko, bubulyawan niya ako. So better prepared di ba?

The Long Forgotten Love (Slight SPG! On Going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!