/////HI AGAIN! O yan ah! inuuna ko na po muna ang PILIT bago yung 143 kasi mas nahook ako ng story nina Mavey at Brandy eh! XD So w/o further ado, I give you, Part 2!!!

<Brandy>

Dali-dali akong bumangon at nagbihis para maka layo muna ako sa baklang yun. I know na may something na nangyayari sa akin tuwing lumalapit ako sa kanya at alam ko ring hindi ko magugustuhan ang mangyayari kung mag tuloy-tuloy iyon.

Alam ko. Alam kong may nararamdaman ako kay Mavey, kahit konti lang, pero ayaw ko itong lumalim pa. Mahal ko si Sonia at ayaw kong ako ang maging dahilan ng hindi namin pagkakaintindihan. Kaya kailangan ko ngayong makaalis dito sa bahay at makasama ang mahal ko.

Papalabas na ako ng bahay dala ang susi ng aming sasakyan ng bigla akong may narinig na tunog na naggaling sa garden. Ringtone ata iyun ni Mavey, siya lang naman ang may gamit ng 3310 dito eh. Ewan ko ba sa kanya. Ayaw pang tanggapin yung binigay ni Lolo Max na iPhone sa kanya tsaka sinabing ibigay na lang sa pamilya niya. Masyado niyang inaalala ang pamilya niya. Malaki na siya at sana naman ay isipin niya ang sarili niya paminsan-minsan.

“Hello? Oh, Franz, napatawag ka?” ani Mav na nagpapintig sa mga tenga ko. Nakalimutan ko na kunga ano ang gagawin ko at lumapit ako para pakinggan ang pinag uusapan nila ng bugok na yun. Hmmmf. Ano bang problema ng Britong hilaw na yun? Binalaan ko na siya na wag niyang lalapitan pa si Mav ah!

“Ah, ok naman ako. Huh? Hindi naman. Hindi, hindi niya ako sinaktan. Haha, oo nga eh. Siguro dahil sa nainom niya kagabi.” Masayang balita niya sa kausap niya na si Aiax. Ipinasa na siguro ni itlog sa kanya ang telepono. Hmmf, buti naman at nakakaintindi pala siya ng banta.

“Ha? D-DATE!? H-h-hindi ko a-alam... b-baka... T-titignan ko kung may t-time ako, Franz.”

Abat! Hoy! Ganun ah! Tignan natin kung kanino ang huling halak-hak itlog ka! Sumugod ako sa kinatatayuan ni Mav at walang anu-anong hinablot sa kanya ang telepono. Tututol na sana siya pero tinapunan ko siya ng isa sa aking mga death glare. Natahimik naman siya na para bang nakita niya kung pano siya mamamatay. Inilayo ko na ang tingin ko sa kanya at baka ma-distract ako sa kanyang mga mapupulang pisngi.

“Sorry ITLOG pero hindi makakasama saýo si Mavey dahil pupuntahan namin si Lolo!” Pinutol ko na ang tawag bago pa makasagot si itlog. Bleh!!

Para namang natauhan si Mavey at nag susumigaw na pinag papalo ang likod ko. Ang hina talaga niya, parang babae ang suntok niya—scratch that, mas mahina pa siyang manuntok sa babae, and somehow, I found it alluring.

“Hoy! W-wala namang sinasabi si Lolo Max saken ah!”

“Kakasabi lang kaya mag bihis ka na at may pupuntahan pa tayo!” Makikipag talo pa sana siya pero sinabi kong kung magsasalita pa siya ay hahalikan ko siya.

That shut him up.

2 hrs. later....

 

“San ba tayo pupunta!? Hindi naman dito yung papunta kina Lolo Max ah!” maktol ni Mav habang nasa front seat siya. Mejo nagulat siya kanina nang buksan ko ang pinto ng frontseat para makasakay siya. Noon kasi ay kung may time man na sasakay siya dito ay sa backseat siya lage.

“Wag ka ngang maingay! Basta maghintay ka lang! Di ko kasalanang traffic ang daan no!”

“Pakialam ko! Sasabihin mo ba ang pupuntahan natin o BABABA AKO!?”

“Ehdi bumaba ka! Pero syempre, umaandar na tayo kaya di malabong magkanda bali-bali ang mga braso mo. Maawa ka naman sa sarili mo, pangit ka na nga papa-pangitin mo pa?” nakangisi kong sagot sa kanya. Nakita kong nag ngingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. Tinawan ko siya at BOOM! Umiyak na siya! HAHAHA!

“Tsssss. Tumigil ka nga.” Sabi ko sa kanya pero may sinabi siyang di ko naintindihan.

“Ano yun?”

“Eh ikaw naman ang may kasalanan eh! Hindi naman ako pangit eh! Mahal kaya ako ni—“

“Ituloy mo yan at ako ang mag tutulak sayo palabas.” Dahil dun ay mas lalo pa siyang humagulgol. Haha, ang iyakin niya talaga.

Haaaaay... Oo na, Konti lang naman na pagtingin ito, hindi naman siguro lalaki. Tsaka sigurado akong mas mahal ko si Sonia. Nakakapagod din namang maging villain everyday eh. Tsaka it would be nice to be nice to him when outside the school dahil balita ko ay lagi siyang binubully sa school. Kawawa naman.

“Tahan na. Ayoko ng iyaking ASAWA...”

///// OK GUYS!!! Part two ng 6 part chapter na AFTERMATH! Alam ko! Naguguluhan ba kayo sa sinabi ni Brandy sa last part? Hahaha masasagot yan sa susunod na part, which is somebody else’s POV! Hulaan niyo nga kung sino? Ang makakahula ay sa kanya ang dedication ng sunod na part!/////

 

JA! MATANE!

Pilit na &quot;I DO&quot; [boyxboy]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!