Ober-akting

80 7 16

Kung makaiyak wakas,

Bakit Ne? Wala na bang bukas?

Ano'ng problema mo?

Ikaw pala ay iniwan ng nobyo?

Hindi niya raw kayang mabuhay,

Sapagkat lalaking mahal ay nakipaghiwalay.

Tanung ko lang Hija,

Nasa kanya ba ang iyong baga at ika'y hindi makahinga?

Tumahan kana,

Tigilan na ang iyong drama.

Huwag masyadong ober-akting,

Hindi lang ikaw ang nakaranas niyan Ineng,

Pasalamat ka nga at maaga pa lang iyo ng nabuking,

Pag-ibig niyang panandalian,

Ibaon sa limot at huwag ng balikan,

Huwag kang mag-alala at mawalan ng pag-asa dahil ibibigay ng Dios ang lalaking iyong hinihiling.

~Thoughts and poems~Basahin ang storyang ito ng LIBRE!