CHAPTER8

****

---

Nasa eskinita na kame agad ko syang sinuntok sa kaliwang pisngi nya. Napaupo sya sobrang lakas. Nadale labi nya. Dumugo.

"Tang *na mo!!! Sino ka ba ha?!!!" Hindi ito makapaniwala. "Bat mo ko sinuntok?!!"

"Hah! eh gag* ka pala eh! Layuan mo na si Jenna! kung hindi, makatikim ka pa talaga sakin!!!"-ako.

" Si Jenna?.." tumayo ito. Tumungkod pa sa pader. "Ahh kaw pala yung ex ex kuno nya.." medyo ngumingiti pa. Nakaasar ang mga yun!

"Tantanan mo na sya.. !Tutal ako naman ang nauna na sa kanya. Mahal na mahal ko sya! Pabayaan mo na kami!" nanginginig na mga kamay ko.

"Hah! Kawawa ka naman. Mahal mo. Hindi ka naman mahal.. Ulul." -Kurt

"Nagmamakaawa ako! Hiwalayan at ibalik mo na sakin!"- Ako. Tae naman. Nagmumuka talaga akong kaawawa at deaperado nito.

"Eh kung ayoko?.. Matapos mong suntukin ang napakagwapo kong mukha?!!--" aba, mahangin din ito ah!

Lumapit sya sa akin, hinawakan pa ko sa balikat .. "May sasabihin ako sayo pre.. Ibabalik ko din naman sya sayo eh.." Sows. Ibabalik din pala bat pa nya kinuha sakin si Jenna ko.."Pero pag naka score na ko sya kanya at pagnanawa na kong gamitin sya.. heheh.." mala demonyo ang tawa nya.

Narindi ang tenga ko sa sinabi nya. Nanginginig ako sa galit! Ang hayop na to! Ginagamit lang si Jenna!

"Okey ba yun pre??", kindat pa nya. Kinilabutan ako sa pinagsasabi nya. Wala man labg respeto sa mga babae! Ayoko pa naman ng ganun! Napaka baboy nya!!! At ang sumunod.. Nandilim na ang paningin ko sa sobrang galit.

Binigwasan ko sya sa tyan. Hindi naman natinag sa pagkakatayo. Malakas din. Sanay din ata sa bugbugan. Sinugod nya ko para suntukin pero nakailag ako. Tinadyakan ko pa ito sa tagiliran. Bumagsak ito. Pagkakataon ko na yon para makaganti sa ano mang nais nyang gawin. Umibabaw ako sa kanya at tinadtad ko ng suntok ang pagmumukha nya.

Basag kung basag. Patay kung patay. Basta para kay Jenna, gagawin ko ang lahat! Eto na lang ang nasaisip ko. Para 'to kay Jenna.

Sunod sunod na sapak ang inabot nya sakin. Sa mata, pisngi at labi.Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko sa kanya.. Tama yan sayo demonyo ka!!!

Natigil lang ako ng may umawat sakin. Sila Teki, Rafa at Alexis. Hinawakan nila ako. Itinayo at pinalayo kay Kurt.

"Teka! Hindi pa ko tapos sa demonyo na yan!!!"pilit ko pang inaalis mga kamay nila na nakahawak sakin.

"Moon..Tama na please!!" awat ni Rafa.

"Moon.. Baka mapatay mo pa sya!" si Teki.

Patay? Tinignan ko sya. Namamaluktot sa sakit..Dumadaing at duguan. Buti pala naawat pa ko. Malamang nga napatay ko na talaga to kung hindi ako itinigil.

"Tama na.. Nakaganti ka na.."- si Alexis.

Nahismasmasan na ko. Grabe. Hindi ko din akalain na nagawa ko to.

Hingal ang inabot ko. Agad nila ako inalis sa eskinita at sumakay kami sa tricycle. Iniwan namin dun si Kurt. Pero pano pag namatay yun dun?? May awa at guilty din naman ako syempre.

"Wag kang mag alala dun Moon.. Buhay yun.. Malakas yung katawan nung gag*ng yun. Nakaaway na yun ng mga tropa ko sa bliss.. Takaw away din yun.." paninigurado sakin ni Alexis.

Nasa loob kaming dalawa ng tricycle habang sina Teki at Rafa ay nasa likod ni manong drayber.

Walang imikan hanggang makating sa tapat ng bahay namin.

"Pre, magpahinga ka na. Sana din mahismasan ka.. Grabe ang ginawa mo.."- si Teki.

"Oo. Alam kong napakasama ng ginawa ko.. Pero kung alam nyo lang ang pinagsasabi nya tungkol kay Jenna..--" biglang sumingit si Alexis nung nagsasalita ako, "Jenna na naman .. Tsk! Alam mo pre, baka prinoprovoke ka lang ni Kurt para magalit ka lalo.."

Natahimik na lang ako. Tama nga siguro sya.. Sa sobrang galit ko ay napatulan ko si Kurt. Baka nga sinusubukan lang ako nun.

Sa amin na naghapunan ang tatlo. Welcome naman kasi sila sa bahay namin. Natutuwa din si mommy sa kanila, atleast daw may mga kaibigan daw akong nakakasama.

Bago sila umuwi, kinausap ko sila.

"Mga pre salamat.. Sorry din.."--ako.

"Walang anuman yun Moon.. Para san pa ang pagkakaibigan natin kung hindi rin tayo magtutulungan.."- si Teki.

"Waw. Pers taym kitang marinig na seryoso Teki. Hahaha."- ako.

"Lul. Seryoso naman ako minsan. Pag nasa mood nga lang.."-- Teki.

Tumawa naman kaning lahat.

"Buti naman at medyo nakakatawa ka na Moon. Muka kang bisugo pag nakasimangot at malungkot eh! "pang aasar pa ni Rafa sakin.

"Oh tapos??! Kahit nakasimangot ako, gwapo pa din ako eh", sabay pogi sign. Hindi ata ako papaapi!

" O, okey na lahat. Wala ng lasing lasing mode ah!" sabay kindat ni Alexis. Tumango lang ako.

"Bigyan mo nga to ng malupit na advice Alexis sa problema nya. Baka sakaling matauhan pa lalo. Hindi na din mag wala.." si Rafa.

"--At para maka move on din." singit ni Teki.

"Alam nyo, hindi lahat ng problema ay kailangan ng advice ng ibang tao. Minsan kasi, alam mo na ang dapat gawin, ayaw mo lang tanggapin..", Sapol na sapol ako sa sinabi ni Alexis. Iba talaga pag mga tunay mo na kaibigan ang nagpayo sayo. Swak na swak eh! Kahit na minsan ay loko ang mga ito.

Nagpaalam na ito para umuwi. Si mommy pinabaunan pa ng ulam si Teki. Tuwang tuwa din kasi ito sa kanya. Nako naman, may kahati pa ata ko sa nanay ko ah!

Sa kwarto, nahiga na ko sa kama at minuni muni ang pinag gagagawa ko. Kelangan kong humingi ng tawad. Hindi man sa gagong yun, kay Jenna na din. Mahal nya yung tao eh. Nasaktan ko. Masakit nga lang. Kasi kailangan kong bumitaw sa taong kelan man ay hindi napaasakin ang damdamin.

Tsk! Makatulog na nga! Dumadrama pa ko! Baka matalbugan ko sa pagiging best actor si Coco Martin! ;)

Zzzzzzzz ..

******

(Sorry kung mabagal ang flow ng story..)--yang

Oh tapos? (Moon's story) ON HOLDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!