Chapter 3:

320 24 11

Note: para po sa audio,click lang ninyo yung parang speaker na makikita ninyo screen.

*******

[YEARS LATER]

(BG MUSIC)

--Yrxel LUXURIOUS HOTEL

[Nathaniella's POV]

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.Ang bilis lumipas ng panahon.Noon... high school pa lang ako.Isang estudyanteng lihim na nagkagusto sa isang fourth year na ngayon ay boyfriend ko na matapos akong ligawan ng isang taon.Hanggang ngayon natatawa talaga ako sa tuwing naalala ko 'yung nangyaring 'yun.

But thanks to Zeke, kung hindi niya siguro ginawa ang bagay na 'yun hindi namin malalaman ni Geo na gusto namin ang isa't isa at hindi kaming dalawa ganito kasaya.

"Wow, ang ganda talaga nang anak ko!"

Napangiti ako sa narinig ko.Napalingon ako sa may pinto.Palapit na si Mama sa akin habang nakaagapay si papa sa kanya.

Hinalikan ako ni papa sa pisngi ko.Hinalikan at niyakap naman ako ni Mama."Dalaga na ang baby ko... at ang ganda ganda mo sa suot mong gown anak.Bagay na bagay sa'yo..."naiiyak na sabi niya pagkatapos naming magyakapan.

"Ma..."nasambit ko na lang.Pinilit kong ngumiti pero bigla na lang akong naiiyak.

"Ano ka ba Harleigh.'Wag ka ngang magdrama ngayon dito.Hindi pa naman ikakasal ang anak natin... debut pa lang,"sita ni papa kay Mama na ikinangiti ko.

Tiningnan niya si papa."Maedad ka na nga pero napaka kj mo parin hanggang ngayon."puna rin ni Mama na ikinangiti ko, hanggang ngayon na nasa ganyan silang edad nagbabangayan parin sila.Ang cute nilang panoorin.

Muli akong hinarap ni mama."Happy birthday baby,"nakangiting bati niya sakin.Hinaplos niya ng magaan ang pisngi ko.

"Thanks 'ma,"niyakap ko siya at magaan na ngumiti.Sobrang saya ko ngayon.Maraming dapat ipagdiwang.

" 'Nak,happy birthday."bati rin sa akin ni papa.

"Thanks 'pa,"niyakap ko rin siya.

"Iwan ka na muna namin dito.Ang kuya mo na ang bahala sa'yo.Pupunta siya dito para alalayan ka.Halika na Harleigh."

Nakangiting tumango ako sa kanila bago sila tuluyang makalabas.Pagkasara ng pinto muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin.

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ng hotel [yung picture po pakitingnan, 'yan po yung room].Gaganapin ang debut ko sa isang pinakaclass section ng hotel,sa tinatawag nilang Fiesta Pavilion na may bonggang seating capacity ['yung picture pakitingnan].Napakaelegante nang lugar... maging ang mga gown kong susuotin mamaya.

Ok naman sa'kin ang isang simpleng debut party pero sila mama at papa lang ang ayaw magpaawat.Sabi pa ni mama na rason niya, na nagiisang anak lang daw nila akong babae at minsan lang sa buhay ang debut kaya dapat daw 'UNFORGETABLE'.Pero para sa akin, kahit 'di naman masyadong mahal at elegante, unforgetable dahil kasama ko sila at ang mga taong naging parte na nang buhay ko.Lahat ng mga classmate ko n'ung fourth year at mga naging kaibigan ko n'ung high school imbitado.Pati mga naging teachers at mga profs ko at mga kaibigan ko ngayong college na ako.

Napatingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa ibabaw nang tumunog 'yun.

"I love you Heart ko... Happy birthday and happy anniversary!"napangiti ako.Pagkasagot ko pa lang, bumungad na sa akin ang malamig at napakaganda niyang boses kasama ang nakakatouch na sinabi niya.

BALLPEN (his sweet little way)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!