Elle's Pov

Joshua?Joshua?"gising ko sa kanya mukhang nakatulog na kasi ito sa upuan pero kaming dalawa nalang ang natitira dito sa loob dahil uwian na.

Nung hindi pa rin siya nagigising ay unti unti akong lumapit sa kanya pero nakapikit pa rin siya.Kinaway kaway ko pa ang kamay ko para masigurado kong natutulog nga siya pero parang tulog na tulog nga siya.Mukhang pagod na pagod ito.Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.He have a kissable lips at parang gusto ko itong halikan.Landi lang!!!..Nilapit ko pa ng konti ang mukha ko sa mukha nya at tinitigan ko siya ng maiigi.Bakit ba ang gwapo gwapo mo?Dati sa malayo lang kita tinitigan pero ngayon ang lapit lapit ko na..Kung hindi lang masamang mangrape baka ginawa ko na..Ugh!!ano ba tong pinag iisip ko..Ang sagwa!!!!..Pero masisisi niyo ba ako eh sa gwapo nito sino ba naman ang hindi mag kakainterest sa kanya.Highschool pa lang ako e crush ko na siya.

Ngunit laking gulat ko dahil biglang nagmulat ng mata si Joshua at nakita niyang magkalapit ang mukha namin,isang dangkal nalang siguro ang layo mukha namin.Nanlaki ang mata nya dahil siguro sa gulat pero hindi ito nagsasalita at unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sakin.Naramdaman ko naman na namumula ako at gusto kong umiwas pero hindi ako makatayo dahil parang pakiramdam ko napako na ako sa posisyon ko.Kaya naman napapapikit nalang ako."Omg!!!Kung panaginip ito sana hindi na ako magising.

"Elle!!!!Hoy!! gising."napabalikwas ako ng gising dahil bigla akong sinampal ni mama.Kahit hindi masyadong malakas pero masakit pa rin.

Haisst!!!ibig sabihin panaginip lang pala yung kanina..Ugh akala ko pa naman mahahalikan ko na ang ultimate crush ko!!Sayang malapit na sana eh."sabi nang isip ko.

"Ma bakit ba kayo nanapak,Istorbo naman kayo weh???inis na sabi ko.

"Panong hindi kita sasampalin eh kanina pa kita ginigising at niyugyug pero hindi ka magising gising.Ano ka ba namang bata ka!!!!Sigaw ni mama."hmmm,sana nga hindi nalang ako nagising atleast dun sa panaginip ko kasama ko si Joshua..Panira talaga nang moment si mama.

"Tsaka bakit ka nakanguso ah at nakangiti kapa???Ano bang napanaginipan mo???Wag mong sabihin nanuod ka nang porn at napanaginipan mo??sigaw pa rin sabi ni mama."Mama naman hindi ako nanunuod nun noh!!!

"Eh bakit ganun itsura mo parang ang saya saya mo???talagang masaya kong hindi niyo ako ginising.bulong ko."Anong binubulong bulong mo diyang babae ka???tanong ni mama.

Wala po!.narinig pala ni mama buti nalang mahina lang pagkakasabi ko.

"Oh siya bumangon kana diyan!at baka malate kapa.Mag ayos ka na nang sarili bago ka bumaba dahil may naghihintay sayo sa baba."sabi ni mama."Sino po???nagtatakang tanong ko."

"Gian daw."

"Ano????bakit daw po siya nandito??"

"Aba malay ko!Kaya bilisan mo na diyan at naghihintay na siya sa baba."pagkasabi nun ay lumabas na si mama nang kwarto ko.

Ano naman kaya ginagawa nun dito??mahirap bang intindihin ung sinabi ko sa kanya kahapon???kausap ko sa sarili ko.Ilang minuto ay natapos na rin ako sa paliligo,nagbihis at nag ayos nang konti nang mukha.at tinungo ko na ang sala.At nakita kong masayang nakikipagkwentuhan si mama kay Gian.Feeling close lang sila,samantalang kami kahit halos araw araw kaming nagkikta ay hindi kami naging close.At sa totoo lang ayaw ko siyang maging close.

"Oh ayan na pala si Janelle eh,"sabi ni mama."Oh elle ikaw na muna bahala sa bisita mo ah,aayusin ko lang yung almusal natin.

Ma tulungan na kita?alok ko kay mama ayaw ko lang kasi makasarilinan ang lalaking kinaiinisan ko."Elle ano kaba?hindi ka man lang ba nahihiya sa bisita mo?Pumunta siya dito tapos babalewalain mo lang!!!Bulong sakin ni mama.Bakit sinabi ko bang pumunta yan dito???Sabi ko nang malakas at mukhang narinig naman ito ni Gian dahil napatingin ito sa kinatatayuan ko pero nginitian lang ako nito.

Start in a Kiss (Slow Update)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!