For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 5

10 0 0

Lacey’s POV

Pabalik na ako sa mesa kung nasaan ang mga bago kong kaibigan. Sa totoo lang ayaw ko sa kanila, sila kasi ang nakita ko doon sa coffee shop na malapit din dito sa school na pinag-enrollan sakin ng mommy at ang aarte ng mga babaeng ‘to. Pero since sila ang unang nag-approach at nagyaya eh, pakikisamahan ko na lang. Sabagay, wala pa naman akong mga kaibigan dito.

“Sorry girls, t’was my dad who called.” Sabay hila ko ng upu-an sa tabi ni Sheba.

“It’s okay.” Sagot naman ni Elise. Hindi siya kasing arte ni Hailee at napakahinhin ito di tulad ni Sheba.

“So, what’s your next subject?” tanong sa akin ni Sheba.

“Umm, English, I think. Wait-“ Saka kinuha ko ang notebook ko sa bag ko. “Yeah, English. You?” Tanong ko ng di inaalis ang tingin ko sa notebook ko, alam ko kasing nakatitig sila sa Gucci leather bucket bag ko.

“Coincidence. Siguro, pareho tayo ng mga schedule.” Sabi ni Hailee.

“Siguro.” Matipid kong sagot.

“C’mon.” Nakita kong tumayo si Elise. “Kumain muna tayo sa mini resto na malapit sa parking lot 2, doon kasi malapit ang building ng room natin.” Sumunod naman ako sa kanilang tatlo papuntang parking lot.

Pasakay na sana ako ng sasakyan ko ng narinig kong nagtanong sa likuran ko si Sheba. “So? How much is that?”

“My car?” tanong ko sa kanya na ikina-tango niya naman. “1.3million dollars, I guess. My dad bought it.” Kibit-balikat kong sagot at nakita kong nagulat silang tatlo sa sinabi ko. Nginiti-an ko sila, “S-sige, see you there sa Parking Lot 2.” At saka tumalikod na ako.

“See you!” sabay nilang sabi sa akin at naglakad papalayo. Sa di kalayu-an naman kasi naka-park ang mga sasakyan nila.

Sumakay na ako sa sasakyan at pumunta sa ikalawang entrance ng school. Mabuti na lang at nakahanap ako agad ng mga kaibigan dahil kung hindi ay loner ako dito sa school. Kahit na hindi ko gusto ang tatlong yun dahil naalala ko si Tara sa kanila at ang mga kasama nito ay pagtiya-tiyagaan ko na lang.

For all I know, kinakaibigan lang ako ng mga ito dahil nahuhumaling sila sa mga nakikita nilang bagay sa akin. Alam kong gusto ni Sheba ang sasakyan ko at gusto din ni Hailee ang mga gamit ko at si Elise, hindi ko pa alam kong ano ang gusto niya sa akin.

Parehong-pareho sila at walang pinagkaiba kay Tara, user-friendly. Alam ko naman yun umpisa pa lang na kinaibigan lang ako ni Tara dahil sa isa akong Edwards at alam niya na kapag kinalaban niya ako ay walang-wala siya sa akin kaya nga alam ko na ang tumatakbo sa isip ng mga babaeng kumausap sa akin kanina kaya nga Carl ang pinakilala kong pangalan sa kanila at napangiti na lang ako ng sabihin ni Hailee na short for Carla nang sa ganun ay hindi nila madaling ma-trace na isa akong Edwards.

I already learned my lesson back then and I will not let that to happen again. This time, I will play their game and I will assure them we’ll both enjoy but in the end, I will leave them and their teary eyes. I will leave Philippines laughing and go back to my business in Illinois.

 Pagnaaalala ko ang Illinois kumukulo talaga ang dugo ko sa isiping andun si Tara at Aaron na nag-eenjoy,  lalo pa’t naiisip ko na pagmamay-ari na niya si Aaron. Si Aaron na nag-iisang minahal at tinanggap ko sa kabila ng kaliwa’t-kanan na manliligaw ko.

“I’ll make them pay!” I clenched my fist. Naiiling-iling ko ang ulo ko sa mga naiisip ko, hanggang ngayon dito sa Pilipinas minumulto ako ng nakaraan kailangan ko ng libangan para maalis si Tara at Aaron sa isip ko.

I don’t wanna get bored staying here. I want to have fun and I really smell fun.” Napangiti ako sa iniisip ko.

Bumaba na ako ng sasakyan at baka nandyan na sila, luminga-linga ako sa paligid at may nakikita akong may papalapit sa akin na lalaki mukhang familiar ito pero hindi ang kasama niyang lalaki.

“Hi, I’m Nathaniel ang isa sa mga tinanongan mo kaninang umaga doon sa Parking Lot 1.” Pagpapakilala nito. Infairness, gwapo ito at maganda ang pangangatawan. Siya pala ang kasama ng tatlong babae kanina pero hindi ito ang kasama niyang lalaki. “And he’s Kyle.”

Isa-isa kong inabot ang mga kamay nila, “Hi, I’m- Umm- You can call me C-carl.” Napagpasyahan kong Carl na lang ang ipapakilala ko sa kanila, short for Carleigh and not Carla na tulad nga ng sabi kanina ni Hailee.

“Nat! Kyle!” Rinig kong may tumawag sa kanila mula sa likuran ko. Paglingon ko ay sina Hailee, Sheba at Elise na papunta na sa’min.

Nang makalapit na sila sa amin, “Let’s go?” Yaya ko na pumasok na sa loob ng mini resto ng school kasi naman ang init dito sa labas.

“So, magkakilala na pala kayo?” Tanong ni Nathaniel na palipat-lipat ang mga tingin sa amin.

“Yes.” Sabi naman ni Hailee saka kumabit sa braso ni Nathaniel. Di lang pala maarte ang babaeng ‘to napakalandi din eh.

“Let’s go. Pasok na tayo mainit na dito oh.” Reklamo ni Sheba na lumakad na papunta sa pinto ng mini resto. Sinundan naman naming siya. “At saka nga pala Nat, nasaan si Jacob?” Tanong ni Sheba. Siguro Jacob ang pangalan ng gwapong lalaki din kanina na kasama ni Nathaniel.

“May klasi pa eh. Tawagan mo na lang.” Pagkasabing yun ay nauna siyang lumakad kay Sheba at pinagbuksan kami ng pinto. Ako ang nasa huli kaya nakita ko ang ginawa niyang pagbitiw sa pintu-an ng makapasok ako.

“Aray naman! Muntikan na ako dun ah.” Sabi ni Kyle.

“Eh, kasi naman sino ang nagsabing pagbubuksan kita ng pinto? Feeler mo ah. Bakit? Chix ka ba?”

“Wala ka talagang magawa sa buhay mo Nat.” Sabi ni Elise sa kanya. Na ikinatawa pa niya ng malakas.

“E, akala ng gago chix siya eh.”

“Gago!” Sabay batok kay Kyle.“E, sila nga pinagbuksan mo ng pinto, ako na kaklase mo, hindi.”

“Chix ka ba? Ha?” Hinarap niya si Kyle at saka tinanong tapos ay inakbayan niya ito, “Guys, si Kyle pala. Kaklasi ko siya.” Ano? Akala ko ba kilala na sila nina Hailee. “Kyle meet Elise.” Sabay turo nito kay Elise. “And that’s Sheba and Hailee.”

Napangiti naman si Kyle, “Yeah, the St. Jo’s Mean Girls. Nice to meet you all.”

Napa-isip naman ako sa sinabi ni Kyle. “Mean Girls pala ha? Well, let’s see.”

*Votes and comments will be highly appreciated.*

MEAN GIRLS AND LACEY EDWARDSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!