Dear Dream Girl (For All Time)

287 28 14

Dear Dream Girl,

Alam kong naiilang ka pag sinasabihan kita ng Dream Girl. siguro. Pero seryoso ako. sa kabila ng pag kalimot mo sakin. Kahit sinabi mo na  "Madami pa namang ibang girl d'yan na mas higit sa akin." Pero hanggang ngayon, hindi parin kita malilimutan.

Oo. Nakakalungkot. Ng mawala ako sa probinsya n'yo. Hindi ko akalaing Nung Family day na yun (Dec. 20, 2012) ay huling pagkakaton na pala kitang makikita, dahil sa Personal problem ng pamilya ko.

Kung alam mo lang kung gaano kita hinangaan, minahal at nirespeto . Hindi ko akalaing makikilala kita. Nung una kita makita sa Campus. Akala ko'y Masungit at suplada ka. Nung nasulyapan ka namin ng kaibigan ko (Sep. 4, 2012) na nag papractice kayo ng mga classmate mo para sa gaganaping event sa campus. Napa hanga kami sayo.

Hayyyyy... Kung meron lang akong "TIME MACHINE". Kung pwede lang sana ibalik ang lahat (corny), na sulitin ang bawat araw na nakikita kita sa campus. Kung hindi lang sana ako umamin agad, At nagpa kita ng motibo na gusto kita.

Sa bawat araw na nandito ako sa Manila. Kahit na pilit kong hindi kita isipin. ay hindi ko maiwasang maitanong ko sa sarili ko na "Kamusta kaya s'ya?, Ano kayang ginagawa n'ya?, May Boyfriend na kaya s'ya?".

Tanggap ko na hanggang mag kaibagan lang tayo, kahit na hindi mo ako pinapansin. Siguro nga naiinis ka na sa akin sa tuwing nag ppm ako sayo sa FB. kaya tahimik nalang akong sumusulyap sa mga pictures mo sa fb. Pero ilang buwan ko ng tinigil yun. pero bumalik nanaman yung pagka gusto ko sayo.

Ewan ko. medyo nahihirapan ako. kaya nag deactivate na ako ng fb. para hindi ko mapindot na makulit kong kamay ang profile mo. para akong tanga. Ginawa ko na ang lahat para makalimutan kita. pero ikaw parin yung nasa puso ko (corny). Sorry ang corny ko . pero totoo talaga. IKAW PARIN ANG GUSTO KO HANGGANG NGAYON.

Simula ng umuwi ako sa manila (Dec. 21 2012) , ay hinahanap ko yung pic mo sa bag ko. pero wala akong nakita. huli na ng malaman ko na kinuha pala ng tita ko at binigay sayo. Yun na nga lang yung remembrance ko .kinuha pa. kakalungkot lang.

Sorry. kung nag sinungaling ako sayo. kasi yung tinanong mo ako kung nagka girlfriend na ako. ang sinabi ko meron, isa na. pero ang totoo wala pa talaga . hanggang ngayon.. Kung alam mo lang. First time ko magtapat sa babae .at ikaw yun. nilakasan ko ang loob ko na sabihin sayo kahit na pa uta-lutal akong nagsalita. akala ko'y pumayag ka (sorry bingi ako) , ang ingay kasi sa labas ng campus. (October 3, 2012) nag pm ako sayo sa facebook. para itanong ulit kung papayag kang ligawan kita (sorry sigurista) "hanggang dun nlng b q pra sau?may pag asa p ba q sau........... khit onti man lng?".---     (October 6,2012) nag reply ka. para akong asong ulol na atat na atat buksan ang message mo.  --      "vincent nman. sorry. gus2 ko ung friends lang e. ayaw ko sa bf."

BOOOOM!

 

OUCH!

ARAYYYY!

 

TAGOS SA BUTOOO!

IT HURTS !

Para akong natalo sa lotto. Para akong aso na naturukan ng "Anti Tetanus."    Anti rabies pala yun. Ang sakit men. Mas masahol pa sa pagka bagsak sa Periodical test. Bumalik ako sa school na parang lantang gulay na bulok. isa lang nasabi ko nung araw na yun. "OUCH !".

Ilang taon narin ang lumipas. Bakas parin sa ala ala ko ang mga amplayang "Mapapait na pangyayari". (OA)

Tanggap ko na...

LANGIT KA ! - Sahig ako. HAHA

Kumbaga ang hirap mo abutin. Kaya sa tuwing na iisip kita kakanta nalang ako ng "Pangarap lang kita" HAHA.. (corny)

Bonnen, Maraming salamat sa lahat. kahit wala.. de joke lang.. meron. napa saya mo ako kahit ilang buwan (ako lang? hahaha). Salamat sa oras. salamat sa lahat. Yesss ! Whooo! Rock 'n roll ! salamat dahil lalong naging masaya ang bawat oras ko sa campus tuwing nakikita kita. maraming salamat dahil pinapansin mo ako kahit napipilitan ka lang i'txt ako. HAHA De joke. Nagpapa salamat ako dahil nakilala kita. Naging makulay ang buhay ko (ang daming alam hahaha) kahit na umuwi ako dito sa manila. May baon naman akong ligaya at masasayang ala ala (OA), dahil nakausap at nakilala kita . Wala pala talagang imposible. Sana makita ulit kita. kahit isang beses lang. SANA. Kamusta ka na kaya?  May umaaligid kaya sayo? i mean may nanliligaw kaya sayo? may boyfriend ka na kaya? Mag ingat ka palagi. Good luck sa pag-aaral mo & God Bless. i love you. Hindi kita makakalimutan. (sorry ang corny)


gusto ko lang sabihin sayo. kung naalala mo pa pinangako ko sayo na pag nagka trabaho na ako. kahit anong mangyari. may boyfriend o asawa ka man.. hahanapin parin kita kahit anong mangyari.

Ang iyong taga hanga, Vincent.


Dear Dream Girl (K-B-Q)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!