Chapter 31 (pride)

2.6K 75 2

RICK

Gulat na napatingin sakin si Dan ng ihagis ko sakanya ang susi.Inaya ko ang team na uminom para di halata na si Dan lang ang pakay ko.

"lasing ka na?"he asked.

"duplicate key ng bahay ni Pia yan,ayusin nyo kung ano man yang gulo nyo."I replied.

"pre..yaan mo sila ganyan sila magmahalan.."parang sarkastiko ang dating sakin ng sinabi ni Leo.

"Let them..para pagmay nawala malalaman ng nang iwan ang importance ng nawala.."sabat naman ni Art na nakatingin lang sa rock glass.

"go on Dan..nagparaya ako para sumaya sya di para saktan mo lang sya.."pagkasabi nun ni Tom ay tumayo na si Dan at lumabas.

Go dude..magiging tatay kana!napangiti ako sa isiping yun,pati ako magiging tito na.

"What's with the smile Rick?"puna ni Art sakin.

"nothing.."

ART

Napailing nalang ako ng umalis si Dan.Sana naman mamili na sya ngayon ng maayos wag na syang magpakatanga sa taong ginagamit lang sya.

DAN

Aaminin ko nagiguilty ako sa nangyari samin pero nagmamahal lang din ako.Gusto ko syang makausap para naman maayos ang paghihiwalay namin dahil ako pa ang nakauna sakanya damn!

Di ko magawang maging masaya dahil alam ko na nasasaktan ko si Pia.Ang babaeng nanatili sa tabi ko kahit ilang beses ko ng itaboy,kahit sinabihan ko ng masasakit na salita nanatili parin nya kong mahal.At kamakailan lang lumuhod sya sa harap ko at halos gusto ko ng sapakin ang sarili ko ng makita ko syang nasasaktan.

Pagpasok ko sa bahay nya ay tahimik na pumunta ako sa kwarto nya kung san ay natagpuan ko syang mahimbing na natutulog.Mukha talaga syang anghel.Nakakahawa ang mga tawa nya pati pagnasasaktan sya ay mararamdaman mo din dahil sa reaksyon nya.

Masuyong hinaplos ko ang buhok nya.Ngayon ko lang narealize na namiss ko sya.Sobrang miss ko na di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.Agad kong pinunasan ang luha ko ng gumalaw si Pia.

PIA

Nagising ako ng may makita akong anino sa tabi ng kama ko..

"S-sino ka?"kinukusot ko pa ang mata ko ng sabihin ko yun

"Pia.."nagising ng tuluyan ang diwa ko ng marinig ko ang boses na yun

"Get out.."I said in a cold tone

"Let me explain first.."pagmamakaawa nya sakin

"Don't bother.."hinila ko sya palabas ng condo ko at nilock ko na ang pinto..

"Pia please!"napaupo ako sa harap ng pinto takip ang mga tenga ko..bakit pa!?

Hinayaan ko lang syang sumigaw hanggang mapagod din sya at umalis.

Ayoko ng ganito!ayoko ng mga nangyayari sa buhay ko!umiiyak na sinapo ko ang tyan ko at marahang hinimas yun.Anak..tayo nalang ha?wag mo din iiwan si mama.

Kinabukasan ay nagpunta ako sa opisina ni Dan.Dapat nyang malaman na magkakaanak kami kahit pano ay may karapatan ang anak ko sakanya.

Ngunit pagpasok ko palang sa opisina ay di kaaya ayang tanawin agad ang bumungad sakin.Isang mapaklang ngiti ang kumawala sa mga labi ko.Worth it ba na ibaba ko pang lalo ang mababa ko ng pride para sa lalaking walang pakundangan na nakikipaghalikan sa opisina nya?

Umalis nalang ako dun at napahawak ako sa tyan ko ng makaramdam ako ng kirot.Sandali lang yun at nawala din kaya naisipan kong puntahan ang bestfriend ko.

Nang makarating ako sa Hacienda ay natagpuan ko sya sa fountain ng garden.Mahilig talaga sya sa mga bulaklak.

"best.."humarap sya sa gawi ko at mukhang gulat na gulat sya.

Pinilit kong ngumiti pero may kumawala paring luha sa mga mata ko.Agad nya kong nilapitan at niyakap.

"I need you!"pagkasabi ko nun ay napahagulgol na ako.Naramdaman ko din ang kirot sa puson ko at nagdilim na ang paningin ko.

Nang magising ako ay si Dee ang nakita ko.

"Dee?a-ang baby ko?"malungkot na umiling sya at niyakap ako ng mahigpit.

Nanlamig ang buong katawan ko sa sagot na nakuha ko mula sakanya!

"No!"ang baby ko?umiiling lang ako habang humihikbi.

"Im sorry pia.."nang marinig ko ang sinabi ni Dee ay para akong salamin na nabasag dahil sa pagkakabagsak mula sa mataas na lugar.

Even my baby..leaves me..I've lost too much how can I get over with it when I'm so broken and weak right now!

Bakit ako pa!

PNP: Broken Pieces (completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!