19

59 2 0

KRISTINE'S POV




Im on my way sa room ng Journalism Club. Well maaga pa naman kaya hindi ko na kailangan mag madali. Naka fill up naman na ako kahapon so no need to rush.

It's been 3 days na din simula nung incident sa clinic, pag dating ko sa bahay nun, nakasalubong na si Nathan sakin, siya lang kase yung tinawagan ni Karla kase baka mag alala nga sila. Simpleng lagnat at kulang sa tulog lang naman yun kaya no need to worry pero syempre kapag nalaman ni Auntie yun baka ipasok pa ako sa ER agad nun -___-

Hindi ko na ganong nakakasama si Emjay. Nakikita kong mag kasama sila ni Serena this past few days. Good for him. Siguro malapit na silang mag kabalikan.

So ano naman saken diba? Eh ano naman? Eh ano naman kung mag kasama na sila? Eh ano naman kung mag kakabalikan na sila? Diba in the first place yun naman talaga yung goal niya kaya niya ako ginamit...

Nakakaloka!!

"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Galit na sabi ko dun sa lalaki na nabangga ako. Nakatingin ako sa damit ko kase natapunan ako ng tubig na iniinom niya. Buti nalang at tubig kaya hindi malagkit pero basa na damit ko! Malamang natapunan nga ako diba? -___-

"Hala, Sorry miss nag mamadali kase ako, Im really sorry talaga!"

"Paano na yan? Wala akong extrang shirt!! Kailangan ko pang pumunta sa Room 345 kaloka ka kuya, para nakong basang sisiw. " Pinupunasan ko yung damit ko, kase naman! Sleeveless na yellow pa naman yung suot ko ngayon kaya halatang halata!

"Sorry talaga, ganito nalang miss tutal dun din ang punta ko, sayo nalang tong  jacket ko." Hinubad niya yung leather jacket na suot niya. Anong konek naman nun? buang ata to eh pero kaloka ngayon ko lang napansin na may itsura pala itong si kuyang binunggo ako. Tall white and handsome ohlalala~ Omg na hahawa nako kay Karla! Bad mouth!

"Here, use this para matakpan yang basang part and later punta tayong mall, ibibili kita ng shirt so pwede bang samahan mo muna ako sa Room 345? Mag fifill up ako ng form para sa Photography Club."  Pag lilitanya ni kuya. Ang hot niya shems. Naka black v-neck shirt siya tapos naka cup na red na may nakalagay ng DOPE and black vans with DLSR na nakasabit sa leeg niya.

"A-ah sige tara. " Sinuot ko na yung jacket medyo malaki pero keri naman buti nalang naka vans din ako ngayon kaya medyo bagay tignan. Nag start na kaming mag lakad papunta sa Room. Medyo malapit na.

"Anyway, what's your name?" Out of the blue niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya. Hindi pa pala kame mag ka kilala.

"Kristine Tius. Ikaw?"

"Vince Clifford at your service hahaha." Ang cute niyang tumawa what the fork T__T

"Quit staring you know, naiilang ako. Hahaha." OMG  >//////< Bakit ka ba kase tumititig sa kanya Kristine!! Nakakahiya -_-

"H-hoy! Hindi ako nakatitig noh!! Ang gwapo mo pala, infairness." Napatakip naman ako sa bibig ko. Sa daming sitwasyon na gagana yung pag ka straightforward ko, bakit ngayon pa? NAKAKAHIYA -_-

"You said so, But thank you anyway."

"Waaah, wag kang feeling ha, gwapo ka lang este may itsura ka lang shut up ha! -_-" Inirapan ko lang siya tapos tinawanan lang ako. Hiyang hiya nako sa pag mumukha ko pero ang pogi pogi niya grabe (--_^)

Nakarating na kame sa Journalism room, medyo konti lang yung tao. Tapos na siguro sila mag fill up ng form. Aalis na sana ako kaso hinawakan ni Vince yung kamay ko.

BE MY PRETEND GIRLFRIEND (EDITING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!