Poser - 3

230 5 0

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Humahakbang ako paunti-unti pamuntang kitchen.. 1... 2... 3... HAYAAAAAAA! 

"UY JAMMELA! ANO BA! BAT MAY DALA KANG WALIS AT PARANG IPUPUKPOK MO PA SAKIN!" Sigaw sakin ng pinsan ko. Si Francine.

"Ay hahahahahahahahahahahaha! Akala ko kasi may magnanakaw sa baba kaya nagdala ako ng walis!" Sagot ko sakanya habang tawa ng tawa 

"GRABE NAMAN TO -____-" Sabay irap niya sakin

"Bat ka nga pala nagpunta ka dito? Di ka manlang nagtext na pupunta ka -.- Tsaka bakit nasa kitchen kita ha? Ninanakaw mo mga plato ko no?" Biro ko sakanya

"Aba magnanakaw talaga ang tingin mo sakin eh no? Kung ihampas ko kaya tong plato sayo?" Pagtataray niya sakin

"Uy joke lang :D Eto naman di mabiro :( Ano ba talaga ang pinunta mo dito?" Tanong ko sakanya

"Dinalhan kita ng paborito mong ulam na sinigang =)))" Ang bait talga ng pinsan ko hays

"Tamang tama hahahaha di pa ako nakakaluto ng ulam eh" 

"May sinaing ka diyan?" ayy oo nga pala! SINAING!! 

"Wala eh haha nakalimutan ko kas---" Di na niya pinatapos yung sasabihin ko

"Nagbabad ka nanaman sa facebook?" Ano pa ba? hahaha "Buti nalang nakabili rin ako ng kanin -.-" Yuuun! 

"Uhhmm oo nagbabad nanaman ako sa fb tapos.." 

"Ano?" Natatarantang tanong niya sakin

"Bago ko sagutin, kain muna tayo gutom na gutom na ako eh" Sabay kuha ng plato at kutsara ' tinidor tapos naglagay na ako ng kanin at ulam

"Takaw mo talaga kahit kelan" Pakielam ba niya? XD

"Eh ano? :P" Tapos binelatan ko siya.

"Ts.. Oy dito rin ako matutulog pwede? Wala kasi akong kasama sa bahay eh. Nagpaalam narin ako kay mama na dito muna ako" Alam ko kung bakit dito to matutulog -.- Takot kasing mag isa sa bahay eh HAHAHAHAHA

"Ang laki laki mo na pero HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sabi ko sakanya habang tumatawa ng malakas 

"Wag ka nga! Pero ano yung sasabihin mo ha? Kwentuhan mo ko mamaya pagka-akyat natin! :)" 

"Oo na. Pero pwede bang... Hugasan mo tong pinagkainan ko? hehehez" 

"WOAH! ANG LAKI LAKI MO NA AKO PA PAGHUHUGASIN MO NG PINAGKAINAN MO? WOAAAAAAH?!" Loisa lang ang peg neto ni francine? 

"EH IKAW?! ANG LAKI LAKI MO NA PERO TAKOT KANG MAG ISA SA BAHAY! HAHAHAHAHA DALI NA ISANG PLATO AT KUTSARA'TINIDOR LANG NAMAN TO EH. KUKUHA KASI AKO NG MIDNIGHT SNACK NATIN MAMAYA DUN SA CABINET. PLS?" Nagpuppy eyes ako sakanya

"OKAY! FINE! TSS. BILISAN MO NA KUMAIN!" Lagi talaga akong minamadali neto aishh. 

Pagkatapos ko kumain, pinahugasan ko na kay Francine yung pinagkainan ko tapos kumuha ako ng upuan para patungan ko tsaka para maabot ko tong Cabinet. Oo na pandak na ko -_- Sila mama kasi eh ang hilig magpagawa ng mga Cabinet na matataas -.- Kumuha ako ng Chippy, Cheezy, Onion rings at syempre kumuha ako sa ref ng Coke =)))

"Jammela!!" Tawag sakin ni Francinne

"Oh? Bakit?" Tanong ko sakanya

"Akyat na tayo! Tapos na ko!" Sigaw niya sakin

"Sige mauna ka muna! Tsaka wag na wag mong papakielaman yung laptop ko dun! Yari ka sakin pag ginalaw mo yun!" Baka makita niya kasi si ano. Lamnyona XD

Pagka-akyat ko sa taas, nilapag ko na yung pagkain namin sa desk ko. Naabutan ko naman si Francine na nagbabasa ng libro ko na "Voiceless ni HaveYouSeenThisGirl/ Ate Denny" Ang ganda nung story na yun! Published na yun kaya bili kayo! Promise ang ganda nun! =))) 

"Hoy! Jam! Kanina pa kita iniintay! Kwento mo na yung dapat mong ikwento pls!" Ba't ba gustong gusto niyang malaman? 

"Okay ganto yun. ehem ehem" 

"Dami mo pang arte sabihin mo na -_-" Atat talaga siya hahahahaha

"Kase ganto yun. Kanina pagbukas ko ng facebook ko sabog na sabog talaga. Ang dami kong notification, message at friendrequest. Edi inaccept ko lahat ng friendrequest ko yung mga jejemon hindi ko inaccept. Malaki galit ko sa mga jejemon eh lol. Edi yun kakatapos ko lang mag-accept tapos biglang may nagmessage sakin na.. na.." Bitin ko sakanya

"NA ANO?" galit niyang sabi sakin 

"Na ang pogi pogi waaaaaaaah! gusto mo makita?" tanong ko sakanya

"Sige =))) Asan?" 

"Paabot nung laptop. Dali papakita ko sayo! :)" Dali niya agad kinuha yung laptop

Binuksan ni Francine yung laptop "Asan dito?" 

"Sinabi ko bang buksan mo? Sabi ko lang Paabot di ko sinabi na buksan mo." Pagtataray kong sabi sakanya

"Taray naman neto *flips hair*" 

"Hahahaha Sorry francine! :/ Eto oh" Inabot ko sakanya yung laptop tapos pinakita ko sakanya yung profile ni Jacob.

"OMG! O_O" Napalaki yung mata niya nung nakita niya yung picture ni Jacob

"Oh? Bakit?" 

"Gravytyyy! ANG POGI POGI NIYA!" Eto talagang si Francine nakakita lang ng pogi Sabog ovaries na agad. Hahahaha lol

"Alam mo ba Francine, ano eh.. Parang crush ko na siya. :/" ang bilis ko talagang ma-fall :( 

"Crush lang naman eh. Wala naman masama pag nagka-crush ka sa isang tao." 

"Pero natatakot ako eh." 

"Natatakot? Saan? Bakit ka naman matatakot?"

"Kasi diba malay mo habang tumatagal lalolng lumalalim ang pagtingin ko sakanya tapos baka hindi niya ako saluhin."

"Lumalalim? Oh baka malunod ka bigyan kita ng salbabida"

"Che!!" Panira talaga to ng moment -.-

"Joke lang! Kung hindi ka niya sasaluhin, edi yung sahig ang sasalo sayo!" 

"Nakakainis ka talaga -.- Umayos ka nga! Panira naman to ng moment eh. 

Habang kinikwento ko kay Francine yun grabe ang kilig niya. Yung pag kinikilig siya bigla biglang manghahampas ng malakas tapos sabay sigaw. Sakit sa eardrums.

Kwento ako ng kwento sakanya pero pagtingin ko sakanya, ayun bagsak tulog -_- Para akong sira dito na nagsasalita tapos wala palang nakikinig?! Hays. Kinumutan ko siya (sweet ko talaga hahaha) Lamigin kasi yun eh. 

Pagkatapos ko siyang kumutan, kinuha ko yung laptop ko sa desk tapos dinala ko sa kama. 

Pagkabukas ko ng facebook, bumungad sakin ang mga status ni...

POSER (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!