Chapter 1

46 2 4

Nandito ako ngayon sa waiting area ng school namin. Hinihintay ko si Kuya na siya namang laging sumusundo sakin sa school. Kuya, not really my real brother but my driver. In my entire life, he's been there for me. Yes, lumaki ako na siya ang laging kasama. Pati rin si ate, na siya namang yaya ko. Both of my parents are business minded persons. So heto, kaliwa't kanan ang mga business trip nila. Lagi naman nilang sinasabi na para sakin rin daw ang lahat na ginagawa nila. Di na rin ako nakikipagtalo. Sanay-sanayan lang yan.

Ako nga pala si Leslie Lopez. 17 years old at 3rd year accounting student in Green Hills Academy.

*beep*

Exactly 4 P.M. na at nandito na nga si kuya.

"Les, kanina ka pa ba? Sorry kung natagalan ako. Pumunta pa kasi ako sa meralco para magbayad."

"Okay na po kuya."

"O sige, sakay ka na."

Hays! Gusto ko ng magmaneho. Kaso menor de edad pa ako kaya bawal pa. Maimpluwensya naman yung family ko but ayaw talaga nila akong pagawan ng driver's license. It breaks my heart you know?

"Kuya, hinto mo muna."

"Oh, bakit Les?"

"Magtake-out ka po muna ng foods dun sa restaurant. Heto po yung bayad."

"Oh sige, basta dyan ka lang ha?"

Hindi na ako sumagot. Hmm yung manobela, shemay gustong-gusto ko ng magkaroon ng kotse. Para san ang yaman ng pamilya ko?

"Oh ano yang hinahawak-hawak mo sa manobela ha? Anong binabalak mo? Naku Leslie, sinasabi ko..."

"Kuya naman eh! Please? Magdadrive lang naman ako pauwi. Biryhday kp na po sa makalawa. Kahit ito na lang po ang birthday gift niyo. PLEASE?"

"Tsk wag na kasing makulit Les. Di ka nga nakapagdriving lesson e tas gusto mong magmaneho? Maneho pauwi pa talaga ha? Paano kung mabangga tayo? Paano kug makabangga ka?"

"Kuya, dun ka sa likod."

"Les?"

"I'm your boss kaya dun ka sa likod!"

"Leslie..."

"NOW!!!"

Naku kuya, patawarin mo sana ako. Gustong-gusto ko lang talaga magdrive. Pasensya na talaga sa inasal ko.

Hindi ko maipaliwanag ang saya na nadarama ko. First time kong mag drive. Sa wakas, natupad rin ang matagal ko ng pinapangarap.

"Salamat po kuya. Pasensya ka na po sa inasal ko. Hindi na po mauulit."

"Okay lang."

At ngayong peace na ulit kami ni kuya, nilakasan ko yung tugtog sa loob ng kotse.

♪♪ Put your hands up up up up up! ♪♪

"Les, ayusin mo nga yang pagmamaneho mo. Maya ka na lang sumayaw tsaka kumanta. Naku Les, pag nakabangga ka, sisisantihin talaga ako ng mga magulang mo. Alam mo naman na pagmamaneho lang ang pinagkukunan ko ng pera para sa pag-aaral ng mga anak ko."

"Keep calm."

"Kinakabahan ako sayong bata ka."

♪♪ Dj bring the beat in! Yeah yeah uh uhh party people say hey ♪♪

"Les! Liko!!!!!!"


*TUGSHHHHHHHHHHHH*

HIRAM (on going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!