Chapter 44: The Overwhelming Changes

6.5K 109 14

Dedicated to ILoveMusicM_04! :)

CHAPTER 44

YNNAH’s POV

Nagising na naman ako sa panaginip na katulad ng napanaginipan ko kahapon. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung sino ang babaeng nasa panaginip kong iyon. Hindi pa rin kasi malinaw ang itsurang iyon ng babae sa panaginip ko. Kaysa pagtuunan pa ‘yun ng pansin ay naligo na lamang ako at naghandang pumasok sa Eastfield.

**********

Pagpasok ko sa classroom namin, naabutan kong nakabusangot ang mga mukha nila Mint at Harvey.

“Bakit ganyan ang mga itsura niyo?” tanong ko sa kanilang dalawa matapos kong umupo sa upuan ko.

“Wag mo nang alamin pa, friend,” sagot ni Harvey. “Baka ma-depress ka lang.”

“Bakit nga?” pagpupumilit ko.

“Gusto mo talagang malaman?” paninigurado ni Harvey.

Tumango ako.

“Friend, kumalat na ‘yung video mo nung nalunod ka kahapon,” saad ni Mint.

“Ha?!” bulalas ko. Parang hindi na ko nasanay.

“Ang dami nga eh palibhasa maraming nag-video sa’yo,” dagdag pa ni Harvey. “May mga stolen shots pa nung muntik ka nang bigyan ng mouth-to-mouth resuscitation ni Argel.”

Hay, nakaka-depress nga.

**********

ARGEL’s POV

Monday nang mapansin ko na ayos na si Ynnah. Ngunit palaisipan pa rin sa’kin kung sino ang tumulak sa kanya sa swimming pool nung Friday. Papatapos na ang klase namin sa first subject na Writing in the Discipline nang may sabihin ang prof tungkol sa magaganap na reporting.

“After your midterm, we will start the reporting again. Here is the module where you will get your topics. I want someone to assign the topics to be reported by each one of you. Who wants to volunteer?” sabi ng prof sa unahan.

Napansin ko na walang tumaas ng kamay. Why can’t he be the one to assign the topic to each one of us? Binabayaran naman siya sa pagiging professor niya sa university na ito. Sobra pa nga ang sinusweldo niya para sa pagtuturong ginagawa niya.

“Where’s your president?” tanong ng prof.

“He’s absent, Sir,” sagot ng isa naming kaklase.

“The vice president?” tanong pa ni Sir.

The Princess and the Puto (Fantasy Romantic Comedy)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!