Chapter 1

7.2K 88 5

“Hello Lo?... Yeah. Kakalabas ko palang ng airport … Oh? Why?... Ah ok sige, Lo… Kasama ka ba?... Alright then. Sige po. Dun na ako didiretso?... Okay po. See you there, Lo.”Sabi ni Vic sa kausap sa phone.

Bumuntong hininga si Vic pagkababa ng cellphone niya. Inilibot niya ang mata para hanapin si Kuya Greg. Ang driver niya. Habang hinahanap si Kuya Greg ay unti unting napangiti si Vic. Nakabalik na siya. Kahit 3 weeks lang siya nawala sa Pilipinas para maghandle ng external affairs ay namiss na niya agad ang simoy ng hangin sa Pinas.

Ilang segundo pa ang dumaan ng masilayan ni Vic si Kuya Greg. Kumaway ito at ngumiti kay Kuya Greg. Hinila nan i Vic ang maleta at inayos ang sakbit ng laptop bag sa kanyang balikat. Naglakad ito papunta kay Kuya Greg.

“Welcome back, Vic.” Bati sa kanya ni Kuya Greg. Si Kuya Greg ay 30 years old na at mga 10 years ng nagtratrabaho sa kompanya ng Lolo ni Vic.

Di ito nagmama’am kay Vic dahil hiniling ito ni Vic. Gusto niya kasi kaibigan ang mga employee ng lolo niya at di utusan. Yumakap naman si Vic kay Kuya Greg.

“Nice to back, Kuya Greg. Musta sina Ate Lisa?” Pangangamusta ni Vic sa pamilya ni Kuya Greg.

Nakilala na ni Vic ang pamilya ni Kuya Greg dahil noong nasunugan sina Greg 3 taon ang nakalilipas ay binigyan ng Lolo Reggie ni Vic ng bahay sina Kuya Greg na nasa compound ng mga Galang.

“Ayos naman sila. Miss ka na nga noong mga bata eh. Oh ano, tayo na? Sa office mo ba?” Tanong ni Kuya Greg.

“Hndi eh, Kuya. Doon daw tayo sa may Recto eh. Alam mo na.” Sabi ni Vic ng walang kalatoy latoy.

“Hay nako, Vic. Wag ka nga bumusangot. Lagot ka niyan kay Sir Reggie eh.” Paalala ni Kuya Greg.

“Mas lagot ako kung malalate tayo. Hahaha. Tara na nga. Para maaga matapos at makapagpahinga ako.” Sagot ni Vic.

Tumawa na lang si Kuya Greg at hinila ang maleta ni Vic. Naglakad sila papunta sa parking at sumakay na sa sasakyan ni Vic. Usually si Vic ang nagdridrive ng kotse niya pero dahil pagod ito mula sa flight ay hinayaan na lang niya na ipasundo siya ni Lolo Reggie niya kay Kuya Greg. Pagod pa si Vic sa biyahe pero dahil sa bilin Lolo niya ay di pa siya makakapagpahinga.

Kanina pa si Vic lutang. Sa flight pa lang pabalik. Kahit ayaw niyang naalis ng bansa, pag nabalik siya di rin naman siya. Andito nga kasi ang taong yon ay di namna niya nakakasama. Ang mabuti lang na nangyari ay napapayag ni Vic ang mga investor sa deal ng Lolo niya.

Sawa na si Vic maging isang business tycoon. Di na niya natupad ang maliit na pangarap niya. 24 na siya pero ang pangarap niyang magvolleyball sa professional leagues ay di na niya nagawa. Dahil pagkagraduate niya ay isinabak na siya ng Lolo niya sa business.

“May dyaryo dito, Kuya?” Tanong ni Vic.

Nakasakay si Vic sa backseat ng SUV niya. Si Greg naman ang nasa harapan. Inistart na ni Greg ang sasakyan.

Demystifying The Reyes-Galang Case(Mika Reyes-Ara Galang fanfiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!