Chapter 12 part 1

29K 747 49

Date updated: 8-17-14

Chapter 12 part 1

Kyle

"Ano na? Tumawag na sa akin si Direk, isang oras na lang, magsisimula na yung audition. Ano? Nakaisip ka na ba kung paano tayo makakaalis?"

Nasa bahay na kami nila Ate Ja at nagkukwentuhan si Lola Madam at Tito Railey.

"Hindi naman tayo pinapansin, takas na lang tayo. Kung aalis na tayo ngayon, 30 minutes nandoon na tayo sa studio."

"Ano ka ba! Hindi naman pwedeng tumakas tayo! Gusto mong atakihin sa puso si Lola Madam! Konsesya pa natin kung anong mangyari sa kanya."

"Tama ka dyan, ayokong multuhin."

Pinalo ko yung braso nya.

"Ano kaba! Ang advance naman nyang utak mo. Atake lang ang sinasabi ko, pinapatay mo na. Pasaway ka talaga!"

Sabay kaming napatingin sa kinauupuan ng dalawang nagkukwentuhan, saktong nahampas ni Lola Madam ang braso ni Tito Railey at palihim na napangiwi ito. Eeeewww.. Mukhang masakit yon a! Kapag kasi natutuwa si lola bigla na lang tumuturpit ang kamay nyan. Goodluck na lang sa tatamaan! Mabigat pa man din ang kamay kahit may edad na sya.

"Magpaalam na lang kaya tayo ng maayos, tutal alam na ni Lola mga pinaggagagawa natin."

"Si lola alam, e si daddy hindi. Paano tayo magpapaalam nyan? Alam mo naman na super close ang daddy ko at ang mommy mo. Siguradong makakarating na yan sa magulang mo. Mawawala na yung plano mo na ikaw mismo ang magsasabi sa kanila. Pwede ba, paguwing paguwi mo, mangumpisal ka na nga! At para hindi tayo nahihirapan ng ganito! Pati ako pinasasakit mo ng ulo! Napipiga ang brains ko sa kakaisip ng mga palusot na yan."

"Bumubwelo pa ako.. Pero hayaan mo,, one of these days magtatapat na ako. I just have to gather all my courage."

Biglang nagbago ang timpla ng mukha nya, at parang nang-aasar na ang expression nito.

"Magtatapat ka na? Kay Air?!"

Pinandilatan ko sya ng mata.

"Ayan ka na naman a! Paanong napasok na naman sya sa usapang ito?"

"Uyyyy,, if I know, gustong gusto mo namang masama siya sa usapan.. Uyyy... Parang kagabi, halos magdamag kayong nag-cha-chat. Tapos ngayon.. Nakailang tawag na ba sya simula kanina?"

Napangiti na lang ako.

"Lost count." He constantly checks out on me every now and then. Nag-on-line pa sya kagabi just to keep me company. Kaya alam nya na almost 5am na ako nakatulog dahil tinapos ko ang revision ng story. Kailangan ko kasi itong maipasa ASAP. Aantayin daw ng staff ang revision kahit na abutin pa ito ng madaling araw, para magawan ng script for the audition.

Natutuwa lang ako dahil sa concern na ipinapapakita ni Air sa akin. Naapreciate ko talaga ang effort nya. Nakakatuwa lang kasi ang setup namin kagabi, parang magkasama kami na hindi. Ako nagsusulat ng story, while he is writing his songs at kung ano anong pinaririnig nya sa akin na inareglo nyang mga kanta, he even asked for my opinion! As if naman may alam ako don! All I can say is that he is really good in his craft and he is very dedicated. Mahal na mahal nya ang musika nya. At ang bongga ng setup ng home studio nya! I-tinour nya ako sa ditto via webcam.

Medyo nadelay ang pagtapos ko ng story dahil sa konting kwentuhan, but I got more inspired. Medyo nadagdagan ko pa nga ng konti ang eksena.

At one time nakita ko syang nakaidlip. I can’t help but stare at him. He looks so cute while he's sleeping. Webcam pa lang yon, what more pa kaya in person! Haist! Ano ba yan! pinagpapantasyahan ko na sya!

The AIR i Breathe  [SOON TO BE PUBLISHED]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!