For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

chapter 2: Wolf Encounters

10 0 0

Nagulat kami nila leandra sa aming nakita....

Isang babaeng may mahabang itim na buhok na may highlights na pula, ay kasalukuyang binubugbog si Hiroshi isa sa mga sikat dito sa school namin di ko na kwekwento kung bat sya sikat basta gwapo sya at siga, tapos ngayon lang namin nakita na bugbog sarado si hiroshi lalo na at babae pa ang bumugbog sa kanya tsk tsk buti nalang hindi ganyan si takashi ko kundi ako mismo bubugbog sa kanya.

3rd person's POV

Maraming studyante ang nagulat sa nangyayari apat na di kilalang panauhin ang nakapasok sa kanilang school ngunit nandito ang mga ito upang pagbayarin ang may kasalanan sa kanilang kaibigan..

"ano pananagutan mo si kiara o pananagutan mo?!" sigaw ng babaeng may black na buhok na may pulang highlights habang ang kasama nitong dalawang babae ay nanunuod lang sa ginagawa ng kanilang kaibigan sa pobreng lalaki.

"Meilin (pronounced as Mey-lin) tama na yan" pigil ng isang lalaking kulay dark brown ang buhok nakasuot ito ng itim na jacket at simpleng pantalon. Sa tangkad at ganda ng katawan nito iisipin mong isa itong modelo... Meron itong kasamang lalaki na kulay blue ang buhok mukha rin itong modelo sapagkat hindi nalalayo ang kagwapuhan at kakisigan nito sa isang lalaki....

"at ikaw hiroshi kilala mo ko magalit alam mo na gagawin mo. you messed up with one of us means you messed up with the whole family" madiing binananggit ng lalaki ang mga sinabi nito kay hiroshi.

"O-oo L-Li" sa di maintindihang pangyayari tanging yun nalamang ang naging sagot ni Hiroshi na ibig sabihin ay sang ayon ito na panindigan ang babaeng nabuntis nya malas nya lang at maling pamilya ang binunggo nya.

Tumalikod na yung grupo upang umalis doon sa marangyang eskwelahan.. ngunit bago tumalikod yung lalaking nagngangalang Li napatingin ito malapit sa isang pintuan... Doon nahagip nya ang isang Itim at walang kabuhay buhay na pares ng mga mata na nakatingin sa kanila... He smirked at her before he turned back fully following his group....

Sa isang Banda....

Halos lahat ng mga kababaihan at mga binabae ay laglag ang panga sa kanilang nasaksihan at dahil na rin sa kagwapuhan ng dalawang lalaking dumating...

"Ang gwapo nya kung wala lang akong fiance baka sinunggaban ko na si Papa HOT" sabi ni Chiharu

"pero syempre di ko pagpapalit si takashi ko no" bawi nya sa sinabi nya

"sayo na lang sya lean para mawala na si Jian panget sa buhay mo mukhang dangerous pa naman ang dating ni Papa HOT" dugtong ulit ni chiharu

Nanatili lang na naktingin si leandra sa nagaganap na kaguluhan

"Ano ka ba masyadong delikado para kay Lean yung mga ganyang tao nakita mo ba yung tattoo sa kamay nung babaeng kulay brown yung buhok? Ibig sabihin nyan isa syang Wolf." sabi ni rika

"Anong wolf? Hoy rika ako ba'y niloloko eh tao yang nasa harap natin wag mo sabihing kauri sila ni Jacob kukutusan kita ng bonggang bongga sa mga libro at movies lang yun babae" sabi ni chiharu

"Hindi sila yung mga napapanood at nababasa mo sa movies at libro Chiharu... Pero tama si rika isang miyembro ng wolf yung babaeng kulay brown yung buhok..." sagot ni Naoko habang hawak parin ang kanyang pinakamamahal na Laptop...

"hindi ko kayo magets... anong wolf ba kase yan ha?"

"Haay nako nanunod ka ba ng balita ha chiharu?" tanong ni rika

"Aah ehh hehehe hindi eh" sagot ni Chiharu kay rika sabay nagpeace sign

"Haayy Ang Wolf Gang ay isa sa mga sikat na notorious gang although hindi naman mapatunayan ng mga pulis na sangkot nga sila mga illegal na gawain.." pageexplain ni rika

"at dahil na din maimpluwensya si Wolfram Li, kasalukuyang leader ng Wolf Gang, nahihirapan makakuha ng mga ebidensya ang mga pulis..." dugtong ni Naoko

"Eeeehhhh?!!! " tanging sagot na lang ni Chiharu sa dalawa

"Yung dalawang lalaki malamang mataas ang posisyon nyan sa Gang..." sabi ni rika pagkatapos lumingon siya sa kinaroroonan ng dalawang lalaki na prenteng nakatayo lamang

"Pano mo malalaman na mataas ang posisyon ng miyembro ng wolf?" curious na tanong ni chiharu kay rika

"pano mo malalaman? madali lang tignan mo kung ano kulay ng tattoo nila... kapag Black lang at walang halong kulay. Leader, co-leader, next leader, at family members lamang ang may ganung kulay. Kapag yung tattoo naman nila kulay black at may halong kulay pula may mga posisyon yung mga yun kadalasang may ganoong tattoo eh yung mga leader ng mga small packs... tapos kapag kulay red at blue naman member ka lang ng Gang nila" mahabang paliwanag ni Rika kay Chiharu

"Eh ano naman yung Packs?" tanong ulit ni Chiharu na sobrang Curious

"Yun yung tawag sa mga units o grupo nila.. kadalasan binubuo sila ng lima hanggang pitong miyembro at kada Pack ay meron Alpha o yung leader nila... " sagot ulit ni

"Grabe parang Wolves talaga sila kung kumilos may mga packs pa at Alpha " manghang sabi ni Chiharu

Wild ThingsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!