CHAPTER III

13 0 0

Chapter III

"Hoy Jaela gising na!" Ayan na naman ang si human alarm clock.

"Babangon na po. Kumain ka na sa baba. "

"Bilisan mo ha. Hintayin kita sa baba. Mukhang masarap yong niluto ni mama eh."

"oo promise"

Pagkababa nya, bumangon na ko para maligo at magready. Mabilis akong nakapagready dahil nga naayos ko na yong gamit ko kagabi. Bubuksan ko na yong pinto palabas ng room ko nang may napansin akong nakadikit dito.

TO Dos:

Aba tinutoo nga na gagawan ako ng checklist hehe. Ang OC talaga.

"Hoy Stan dahan-dahan ang subo" Sabi ko kay Stan.

"Kumain ka na lang din. Baka malate pa tayo." Stan

"Weh alam kong nag-eenjoy ka dyan. Haha"

"Syempre naman. Aminado naman ako no. Sarap kaya ng luto ni mama. Diba ma?" Sagot ni Stan.

 "Naman.. The best kaya luto ni mama" -Ako

"Naku nambola na naman ang kambal ko" -mama

"Haha kambal po talaga?" -Stan

"Alam mo namang wala akong anak na lalaki Stan. Kaya ikaw na lang." -mama

"Sure na sure mama." -Stan

"Mukhang di kami bagay maging kambal mama. Sobrang opposite namin oh." -Ako. Umupo na rin ako para sumalo sa almusal.

"Chossy ka pa?" -Stan habang inaabot saken ang rice.

"HIndi naman. Hiyang hiya nga ako eh. "-Ako. Tumawa lang si mama sa sinabi ko. Totoo naman. Opposite kami masyado. Parang math, sya yong possitive integer, ako naman yong negative. 

Matapos naming kumain, naglakad na kami papunta sa school. As usual, may mga estudyante na namang super inggit habang nakikita akong kasabay si Mr. Perfect. Mga hindi na nasanay.

 "Hi Stan. Pwede magpapicture?" Biglang lumapit ang isang magandang babae. I think 3rd year sya. 

"Ha? Sure." Nahihiyang sagot ni Stan.

"Ako na magpicture sa inyo."  Since magmumukha lang akong isa sa mga audience, nagprisinta na lang ako. 

After ni pretty girl, nagsunuran na yong ibang girls. Napasimangot ako kase dahila ako na nagpicture don sa una, ako na rin ang nagpicture sa iba.

"Ano ba yan. Ginawa akong photographer. GRRRR" sabi ko kay Stan pagkaalis ng mga girls.

"Hayaan mo na." Ayon na naman ang famous hayaan mo na line nya. Ang bait naman nito. Gandang batukan. Nakakahawa.. 

"Tss." Mangangatwiran pa sana ako nang makita ko si Nina.

"Oi Nina" Tawag ko. "Sabay ka na samen ni Stan". Lumingon si Nina at napangiti tapos hinintay kaming makalapit sa kanya. Si Stan, blangko ang reaksyon. Parang wala lang. Ano ba yan. dapat gumawa na ko ng way para maging close itong dalawang to. Para naman happy na ang lovelife ni Stan. 

"Mauna na kayo ni Nina ha Stan" sabi ko sabay liko sa kaliwa.

"Oh san ka pupunta?" takang tanong ni Stan.

"Ha?...Ah...eh...mag.... kakain ako ng breakfast saglit." sagot ko. hoooh. Hirap naman magsinungaling.

"Ano? Eh diba kumain na tayo kanina?" -Stan

He's Perfect yet TorpeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!