For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

[PARDON FOR TYPOS AND WRONG GRAMMAR]

Andrew's POV

Hindi ako maka tulog... Paikot-ikot lang ako sa kama. Bakit sa dinami-dami pa ng magiging anak ng maid namin siya pa? 

Pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Alam ko nung monday pa yun dumating eh. Pero di na ako magtataka, Kahit sino pwede ng maligaw dito sa bahay namin dahil sa sobrang laki nito.

Paano kung malaman ni Kim na ako yung anak ng amo niya? I'll just figure it out tomorrow.

*KINABUKASAN*

Inagahan ko talaga ang gising ko, 4:38 am palang. Ayokong makita ako ni kim, Nakakahiya baka kasi isumbong niya ako kay mama tungkol dun sa kahapon yung... Kiss, pero hindi ko talaga sinasadya na halikan siya, at ewan ko kung anong nangyari sakin at nagawa ko yun.

Agad akong kumilos, binilisan ko yung kilos ko para makapasok sa school ng maaga, Baka abutan pa ako ni Kim, Pero bakit nga ba ako natatakot na makita ako ni kim at malaman niya na ako ang anak ng mga Angeles? Diba pabor pa nga yun sakanya kasi nahalikan na siya ng isang mayaman, macho at ubod ng poging katulad ko? 

After 1 hour siguro okay na, Ready na akong pumasok. Ayoko munang gamitin yung kotse ko may gasgas kasi. Magtataxi na lang muna ako. Dahan-dahang akong lumabas.

My house isn't that far from the gate kaya certainly mabilis lang akong makakasakay sa taxi. 

At pagkalabas ko ng gate namin ay huminto muna ako at tinignan yung cellphone ko! 5:47 am na, medyo maliwanag na but I heard a voice na ikinagulat ko.

"HOY!! ANONG GINAGAWA MO DITO?" Pagtalikod ko ay mas lalo ako nagulat. Gusto kong tumakbo pero hindi pwede.

"Kim? U-uhm! Ano... Kasi, Ano... Uhm... Papasok na nga pala ako bye!" At naglakad papalayo, Pero napansin kong sinusundan ako ni Kim, Baka kasi malaman niya na anak ako ng mga Angeles at isumbong niya ang mga kabulastugan ko. Nadala na kasi ako, Dati kasi nagsumbong si Jian sakanila na ayoko na daw kay Arianne at ayun isang buwan akong walang allowance at kinuha pa yung kotse ko! 

"HOY! Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dun sa tapat ng bahay ng mga Angeles? Sinusundan mo ako ano?" Tamang hinala talaga siya pero ang cute niya.

"Eh anong masama kung nandon ako sa tapat ng bahay ng mga Angeles? Diba pwedeng napadaan lang? Eh ikaw bakit ka nandun ha?" Kunwari hindi ko alam, Tinanong ko lang yun para maiwasan na sagutin yung tanong niya sakin.

"So dito din ang bahay niyo sa subdivision na 'to? Aba, ang galing huh! What a coincidence -_- at wala ka nang pake kung nandun ako noh!" Seryosong sagot niya.

"Ay naalala mo yung sabi mo model ka? Paano? Eh ang panget mo kaya!" Pangaasar ko sakanya.

"Bwisit ka talaga! Pero sige sasabihin ko sayo, ganito kasi yan. Sinama ako nila Alonica sa mall, At pumasok kami sa isang botique ng mga damit. Sikat yung botique na yun eh. Tapos nakita ako ng talent manager at ayun inalok ako, Pumayag naman ako. Teka... Bakit ba ako nakikipag usap sa Alien?" Ah ganun pala.

"Pero nagbibiro lang ako dun sa sinabi kong pangit ka. You're totally far from being pangit. You're beyond beautiful talaga" Sinabi ko yun from the bottom of my heart

Kimberly's POV

At iniwan ko na siya at naglakad ng mabilis, Bwiset! Umagang-umaga. Pero natuwa ako dun sa sinabi niyang maganda ko, I know naman. Dati pa! At nakakainis naalala ko nanaman yung kahapon.. Letseng notebook na yan!

Pero sa dinami-daming subdivision dito sa metro manila bakit dito pa sa subdivision kung saan kami nagsi stay? Grabe talaga ang tadhana.

At nang makarating na ako sa school ay sinalubong ako ni Alonica. At naka ngiti siya yung ngiting tagumpay, nakakapag taka tuloy kung anong meron? Bakit nandito siya sa section ko? Eh di naman siya dito? 

"Bff, Alam mo may good news ako sayo!" Excited na sabi niya.

"Oh ano naman yun?" Bored na sabi ko.

"Lilipat na din ako sa Angeles Academy! Sabay tayong gagraduate dun! Yiiie!" Natuwa naman ako ng sabihin niya yun.

"HUH? TALAGA? SERYOSO? Omg!! Pero paano? Paano mo napapayag yung magulang mo na lumipat ka ng school?" Di ko napigilan ang tuwa ko dahil kasama ko syempre ang best friend ko.

"Hhm, simple lang tinakot ko sila na maglalayas ako! Ang galing diba? At dahil takot silang mawala ang unica hija nila kaya pumayag sila" Loka talaga 'tong si Alonica.

"Ay wait nasabi ko na ba sayo na si Andrew dun din ang subdivision na tinitirahan kung saan kami nag si-stay?" Sabi ko habang boring yung tono ng boses

"Oh talaga bff? Ayiie! Alam mo feeling ko meant to be kayo, Destiny siguro kayo! At alam mo bang napapansin ko na parang crush ka nung si Andrew!" Nag init ang dugo ko ng sabihin niya yun.

"HINDI TOTOO ANG DESTINY.!" Sigaw ko sakanya, Di ko na npigilan ang sarili ko eh!

"Hey chill! Ano kaba! Walang masama kung maniniwala ka sa destiny noh! And besides, mayaman naman siya, gwapo, at sikat. Ano pa bang hahanapin mo?" Bakit ba napunta nanaman sa love yung usapan?

"At masama ang ugali, nakalimutan mong imention yun." Sabi ko. Wala pa yung teacher namin kaya okay lang muna siyang nandito at maaga pa naman eh.

"ikaw talaga, Bakit ba hate na hate mo siya? Alam mo ba na the more you hate, the more you love ha?" Feeling ko inaasar ako nitong si Alonica.

"Inaasar mo lang ako eh! Bumalik ka na nga sa room niyo!"

Pero kung ipaghahalintulad yung nararamdaman ko kay Andrew at sa nararamdaman ko kay Aldrix, Ibang-iba. Yung kay Aldrix puro kilig pero kay Andrew iba eh. Di ko maipaliwanag pag nanjan siya parang nagkakaron ako ng mini heart attack. Tapos pagkinakausap niya ako medyo bumibilis yung heartbeat siguro hindi lang halata sakin.

Pero siguro time na para humingi ako ng sign kung love na ba 'to? Sabi kasi ng lola ko humingi ako ng sign kay god kung may gusto akong gawin or malaman.

Hhm. Sige. Mamayang pag uwi ko may makakasalubong akong pitong orange na pusa. Ayon. Mahirap 'yun ah! Sabi na isip ko.

At makalipas ang ilang oras ay naguwian na nga. At kasalukuyan akong nasa daan ngayon papauwi. Nandito na ako sa subdivision. Hinahanap ko kung may makakasalubong akong pitong pusa na orange.

At tinalasan ko ang mga mata ko, pero wala naman akong makita. Malapit na din ako sa bahay ng mga Angeles pero wala padin. So that means, wala lang yung nararamdaman ko kay Andrew... Pero habang naglalakad ako, may kumakaluskos sa mga damo. At laging gulat ko ng biglang may mga pusang naglabasan mula sa mga damo. At ikinagulat ko, kulay orange sila! Agad kong binilang,

isa... dalawa... tatlo... apat... lima... anim, at pito... PITO? Pito sila? Seryoso ba 'to?

A/N: Hello! Sorry ang corny!! Sorry talaga, pero sa susunod na chapter gagandahan ko na.

My Billionaire Boyfriend (UNDER CONSTRUCTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!