First

354 22 25

JuanCarlos'POV

"Gin oras na." Sabi ko sa bodyguard slash personal driver slash personal assistant slash... Huh?! Bahagya akong nagulat paglingon ko kay Gin naka-casual lang ito naka polo shirt ito, maong pants at vans na hindi nito normal na isinusuot. "O anong nangyare sayo?! Saan ang lamay?"

"Sir Carlos sabi nyo wag akong papahalata na bodyguard nyo dito sa University at ayaw niyo rin na malaman nila na anak kayo ng may ari nito." As usual, pokerface ang taong ito. Isang side lang niya ang alam ko ang stiff, firm and proper, at seryoso para siyang robot 'yung tipong pag inutusan ko o pag tinanong ko dun lang siya mg rereact. "Student niyo ako sa lahat ng klase nyo."

"O sige-sige, dyan ka naman magaling e. Sige na mauna ka na sa klase susunod na ako." Sinenyasan ko pa ito na umalis na at sa isang iglap wala na ito sa harapan ko.

Lumapit ako sa lamesa ko at inayos ko na ang mga librong dadalhin ko, tinitigan ko ang ang mga librong nasa harap ko sabay huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa office ko.

Habang naglalakad ako ay mga ngiti o bati ng estudyante ang sumasalubong sa akin. Kung hindi naman ay mga estudyanteng babae na kinikilig dahil kung di niyo naitatanong ang inyong lingkod ay may taglay na kagwapuhan. Di ko naman maitatanggi ang isang bagay na obvious. Ilang sandali pa ay narating ko na ang room kung saan ang first class ko.

Aminado naman ako kahit may confidence ako ay di ko pa rin maitatangging kabahan lalo pa, this is my first job sa mismong university na pagaari ng aming pamilya. Pag pasok ko sa room ay nagtahimikan and buong klase paghinto ko sa pinaka gitna sa unahan unang hinanap ng mata ko ay si Gin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay bahagya lang akong tumango. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa klase. Sinimulan ko ang klase na isa isang magpakilala ang mga ito sa harapan. One way yun pampalipas ng oras.

Mga 4th year students and hawak ko, pero dahil first ko nga ito kaylangan ko rin sila kilalanin isa isa lahat. Pigil ang pagtawa ko nang turn na ni Gin, pero sa kalagitnaan ng pagiintroduce ng klase ay bigla bumukas ang pinto ng room na nasa likod. Dalawa kasi ang pinto ng lahat ng room isa sa harap isa din sa likod. Napalingon ang lahat sa likod nang pumasok ang isang babae nakasuot ng itim na sleeveless polo na manipis at see-through, kita ang panloob nitong tube na natatakpan lang ang dibdib at hapit na maong pants.

"Excuse me Miss.. And you are?" Wika ko, lumingon ito sa gawi ko at tumingin sa akin. Nahigit ko ang paging ko ng magtagpo ang mga mata naming and even her I saw a glimpse of sudden shock in her eyes pero saglit lang yun agad lang iyon napalitan ng malamig at walang emosyong mga mata. "L-late."

"Indeed sir." May pagkamataray na sagot nito sa akin at may diin din and pagkakasabi nya ng Sir. Nagpatuloy ito sa paglakad hanggang sa bakanteng upuan at inilapag ang bag nito dun. "Well I know that everyone here knows me, but I guess you are our new prof so I'll introduce myself to you. Just call me Esjhay, 25, single but never been available." She smirked at me then she sat down.

I was distracted by her presence in a bit seconds then I continued the introductions of the student and after that diniscuss ko na ang course outline ko for the whole semester sa kanila. Natapos and klase ko ng walang naman aberya or I must say di ko ipinahalata na distracted ako sa presence ni Esjhay. Why? Of course she was my high school classmate same batch kami. I knew her, she knew me, pero she was Nina not Esjhay. I knew it because she was my first love pero ngayon teacher niya ko and student ko siya? What happened? Lahat kami ay nagulat nang bigla na lang siyang nawala noon sa kalagitnaan ng school year ng fourth year high school kami at syempre ako and pinaka shock because she just left then after 8 years bigla makikita ko siya.

Pagkatapos ng klase ko mabilis ang mga mata ko at sinundan siya ng tingin. I saw her talking to her seatmate. I think kaibigan niya yun, then umalis na siya. Pasimple akong sumenyas kay Gin na magkita na lang kami sa office ko agad ko ng sinundan si Nina.

Akala ko ay nawala ko na siya kasi nasa likod na ko ng University, wala ng taong nagpupunta masyado doon pero bigla ko na lang siyang natanaw na nakasandal sa pader at ang mas ikinagulat ko ay naninigarilyo siya.

"I knew you would come Kaloy." Wika niya nang makalapit ako, hindi ako nag-react nang bugahan niya ako ng usok mula sa hinithit niyang sigarilyo. "Oh sorry ayaw mo nga pala itawag sayo ay Kaloy diba Sir JC?"

"Nina..." Tangi ko lang nasabi, ewan ko kung bakit pero may kumurot sa puso ko nang makita siyang ganito at marinig ang mga bagay na naririnig ko sa kanya ngayon. Ibang-iba na ang Nina na kaharap ko ngayon.

"Who's Nina? Matagal ng wala si Nina." Cold na wika niya.

"Let's talk Nina. Marami tayong dapat pagusapan."

"Wala tayong dapat pag-usapan, Sir. If you don't mind Sir, tapos na ang break may next class pa ako e. Bye." Yun lang at umalis na ito. Naiwan akong nakatitig lang sa kanya habang naglalakad siya palayo.

"Nina, why?" Wika ko na punong puno ng emosyon. Nakita ko siyang huminto at lumingon sa akin.

"Because you never came." Mahina pero may diing wika niya. Kitang-kita ko ang halo-halong emosyon na nasa mga mata niya mula sa sobrang galit, pained then bumalik sa paging cold. I even saw, she clenched her jaws then she turn her back to me and walk away.

(...'...)

Updated na po!!!

READ COMMENT AND VOTE thanks!!!

Love & Desire (on-going & slow update) *to be editted*Basahin ang storyang ito ng LIBRE!