Is this Love-1

251 12 12

A/N: this first chapter is dedicated to you @KrethselN, thank you sa pagsupport ng mga stories ko. At sana sa til the end jan ka oa rin. So ito na ang pinakahihintay mong first chapter. Love you baby! Hugs.

Hi din sa inyo @PairofWings, @rawsaysthetiger and @itsLoaceYu. Kaway naman jan mga bregs! So ito na guys!

*********

You can see on Daniel's eyes ang happiness na nararamdaman niya sa araw na ito. Nakatingin sya sa altar na sinet up ng isang magaling na event organizer sa bansa, sa isang pribadong beach resort kasi gaganapin ang one of the most talked of the town na wedding ceremony. Actually trending sya ngayon sa lahat ng networking sites. Palibhasa ay sikat na sikat na sila kaya lahat ng mga kaganapan sa buhay nila ay parang isang bukas na libro sa lahat.

Ngayon kasi ang kasal ng mga kaibigan nyang sina Sed at Anikka. Dito nga sa beach resort gaganapin ang pagpapalitan nila ng vows. Saksi silang magkakaibigan sa pag iibigan ng mga ito, kaya lahat silang magkakaibigan ay masaya para sa dalawa. Lalo na si Daniel na itinuring na nyang tunay na kapatid si Sed.

Bale double celebration ang magiging ganap nila, natapos na kasi nila ang album recording ng banda nilang Parking Five. Noong mga kabataan pa nila pangarap actually na mapasok ang industriya, pero hindi sila pinalad, at ngayon nga na nagmature sila ay nabigyan din ng saysay ang paghihintay nila, worth the wait ika nga. Naging busy sila sa dami ng activities nila, ni hindi na sila nabakante, sobrang bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap lang sikat na sikat na sila. Hindi sila nauubusan ng tv guestings, mall tours, press conference at kung anu ano pa.

Laging laman ng radio ang mga kanta nila, kahit saan man ito ilipat ay maririnig ang mga kanta nila. Tunay kasi na nagbago ang style nila kumpara sa kabataan pa nila. Nakakatuwang maganda ang feedbacks ng press at ng mga tao sa bagong album nila na kakalaunch lang last week. Maganda talaga ang sales noon.

"Bakit?"tanong ni Daniel sa katabi niyang si Lesther nang sikuhin sya nito.

"Tingnan mo si Katsumi, di na nakatiis at tumabi na sa future bride nya."natatawang sabi ni Les

Iginala ni Daniel ang paningin nya, at nakita nga nya si Katsumi at hinaharot ang long time girlfriend din nyang si Daezen.

Ngumiti sya, "parang kailan lang, away bati lang din sila. Pero tingnan mo ngayon they seems so in love with each other."wika ni Daniel

"Oo nga eh."si Les

Maya maya ay inannouce na ng pari ang "you may now kiss the bride." Humalik nga si Sed kay Anikka kasabay nun ang maugong na palakpakan.

"Dude, inggit ako, pakiss nga!"biro sa ni Lesther kay Daniel at nagpout pa.

Tumawa si JC. "Magpakasal ka na rin para hindi ka naiinggit jan, pagdidiskitahan mo pa ang kuya ko, hayop!"

Pagkatapos ng kissing scene ng mga bagong kasal ay nagpictorial na. Syempre pa nanguna na naman sa pangungulit at paghaharot ang Parking Five. After ng pictorial ay nagpuntahan na rin naman ang mga tao sa reception hall na malapit din sa beach.

Kumakain na sila ng magvibrate ang phone ni Daniel. Natawa sya ng tingnan nya yun, galing kasi yun sa mama nya.

From Mama

Ano anak, may nakakuha na ba ng attention mo jan?

Hindi nya yun sinagot sa text, natawa na lang syang ibinalik yun sa bulsa nya.

"Makangiti ka naman jan wagas. Sino ba yang nagtext?"si Katsumi

"Si mama."tipid nyang sagot ngunit di nawala ang ngiti sa labi nya.

Is this Love?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!