Chapter 3 - Favor

9 0 0

Lampas isang buwan na nung napadpad ako dito sa bayan ng Sta. Luisita. At lampas isang buwan na din akong  naninilbihan sa mga Villasin. Ipinasok ako ni Mang Ramon dito kasi nakakabagot naman na walang gawin dun sa bahay nila saka tulong gastos na din. Nga pala, kanila Manang Lisa pa din ako nakatira, wala pa kasi akong balak umuwi kaya nagpaunlak sila na sa kanila na muna ako tumuloy. So far, so good ang buhay dito. Kung sa Maynila ang motto ko ay, eat, drink, and be happy... dito kayod-kayod din pag may time. Simpleng buhay, simpleng pangangailangan. Nabawasan na din ng konti yung pagiging spoiled brat ko, saka lang lumalabas pag tini-trigger ni Mona na mapang-asar. Close na kami ngayon, my newfound bestriend and sister.

Nasa second floor ako ngayon, sa may office ni Don Lorenzo, kung saan ako naka tokang maglinis nang kumalabog ang pintuan at iniluwa nito si Mona na habol habol ang hininga.

"Ateeeenng... huhuhu, grabe! Nakakapagod tumakbo" ani Mona habang nakatukod ang mga kamay sa tuhod at mabigat na humihinga

"Ay, shunga! Sino ba kasi may sabing tumakbo ka? Tss." sabi ko at inirapan siya

Pinagpatuloy ko na ang pagpupunas ng mga kasangkapan ng muli siyang magsalita na medyo nahimasmasan na mula sa pagtakbo.

"Wala si Manang Dolores" panimula nito. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy sa ginagawa ko at naghintay na lamang sa susunod na sasabihin niya. "Matatagalan pa bago siya makabalik. Hinabilin niya na ako muna mangasiwa sa kusina habang hindi pa siya nakakabalik."

Nilingon ko siya habang nakapameywang at nakitang nakaupo na siya sa couch ng mini sala ng opisina. "O, problema dun?"

"Problema-problema dun ka dyan! Malaking malaki ang problema ko. At ikaw lang makakatulong saken." tila kuminang yung mga mata niya kasabay ng paglitaw ng isang mapanlinlang na mga ngiti sa kanyang labi.

Hinarap ko siya at umiling iling, alam kong may ipapagawa siya saken. At paniguradong hindi iyon maganda.

"Oy, oy, oy... kung anuman yan, wag mo'ko idamay. Mahal ko pa trabaho ko." pagbabanta ko sa maaaring itugon nito.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinawakan ang dalawang kamay ko "Gab, walang maghahatid ng pagkain ni sir Lucas, magiging abala ako sa pamamahala sa kusina kaya imposibleng maasikaso ko pa si sir"

"Anong ibig mong sabihin?" maang-maangan ko kahit na alam ko na kung anong ipinaparating niya.

"Ikaw. Ikaw na muna ang mato-toka kay sir." Seryoso siya nung sinabi niya yan, halatang desperada na.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at nagtanong "Bakit ako? Andami natin dito? Ba't kailangang ako pa?"

"Gab, bunsoy.. ayaw nilang lahat pumayag ihh."  bumuntong-hininga siya kasabay ng pagpupungay ng mata at pag pout na kanyang mga labi.

Sa pagkakataong ito, alam kong wala na akong choice kundi ang pumayag. Tinawag na akong bunsoy eh. Saka lang naman siya naglalambing kapag napagalitan siya nila Mang Ramon dahil inasar ako at kailangan niyang mag sorry. At pag may kailangan siya saken.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot "May magagawa pa ba ako?"

Bigla siya tumalon talon habang hawak hawak pa rin ang mga pares ng kamay ko "Yes! Alam kong hindi ka makakatanggi sa charms ko eh" ang lawak ng ngiti niya nung sinabi niya yun at bigla akong hinapit at niyakap.

"Salamat talaga bunsoy!" kumawala siya sa yakap "Akala ko katapusan ko na"

"O.A na teh. Tama na." seriously, natatawa ako sa itsura niya ngayon. Hahaha

"Kelan ba ako magsisimula?"

"Ngayon na." whaaat?

"You've got to be kidding me." hindi makapaniwalang pahayag ko

Both A RunawayBasahin ang storyang ito ng LIBRE!