Masaya siyang nageempake ng mga damit na dadalhin. Paikot-ikot siya sa kanyang apartment at chinecheck kung ano pang bagay ang pwede niyang dalhin.

Nilagay niya sa kanyang bagpack ang ilan sa mga damit niya. Kinuha naman niya ang kanyang maleta upang I check kung meron pa siyang nakalimutan. Ilang araw na simula ng sabihin sa kanya na kailangan nilang umalis ngayon.

Isa ito sa mga araw na inaabangan niya. Halos maglulundag siya sa tuwa ng malaman na ngayon na ang kanyang pag-alis.

“At last---makakapagpahinga na din ako” pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama habang iniisip kung ano ang maari niya pagka-abalahan pag dating roon.

Narinig niya ang pagbusina ng isang sasakyan.

“Oh yes!!!” napasigaw siya at sinuot na niya ang kanyang bag pack habang akay-akay naman niya sa isang kamay ang kanyang maleta. Nagpaalam muna siya sa kanyang landlady. Pagkaraan ay sumakay sa bus na pagmamay-ari ng companya.

“Hi! Mang Robert” bati niya sa driver ng bus at umupo malapit sa bintana.

“Mukhang ready na ready kana, Mabel-ah” puna nito sa kanya

“”Oh, syempre. Ito ang po ang hinihintay ko maliban sa sahod!” masigla niyang sagot dito.

Ito kasi ang araw na kanilang get together vacation— ayon kay Ma’am Yalaine ay nag boom sa market ang kanilang mga products, at halos tumaas ng 95% ang kita ng kumpanya.

Tatlong araw at dalawang gabi ang ilalagi nila roon. Isa iyon sa mga beach resort na pagmamay-ari ni Sir Marc. Kaninang madaling-araw pa umalis si Ma’am Yalaine at Sir Marc kasama ang anak nito na si Maury. Sila naman ay papaalis pa lamang—Nakita niya agad ang ilang sa mga empleyado ng kumpanya. Kinawayan niya ang mga ito—

“Wow! Ha! Bongga ang outfit natin ngayon ah” puna ni Mayette sa kanya.

“Oh! Syempre regalo ito ni Pogs sa akin noong birthday ko” pagmamalaki naman niya. At totoo naman iyon isang branded na floral dress ang suot niya ngayon. Noong 27th birthday niya ay ito ang iniregalo sa kanya ni Godfrey! Mabuti na lamang dahil saktong-sakto ito sa vacation nila ngayon.

“Ang swerte mo-talaga Mabel sa bestfriend mo na iyon—kung ako sayo ay ijowa muna bago pa makuha ng iba” tinaasan lamang niya ang kilay nito.

At sino naman ang aagaw kay Godfrey sa kanya!

Lumapit ito sa kanya at may ibinulong “Kung hindi muna maitatanong ay marami tayong mga katrabaho na patay na patay kay Sir Natividad” lalo kong naitaas ang kilay ko sa sinabi niya. If I know ay isa siya mga tinutukoy na babae na patay na patay kay Godfrey.

“Don’t worry—sige sa susunod ay malalaman nyo nalang na boyfriend ko na ito” nakita niya ang pagkabigla sa mukha ni mayette! Ano ka ngayon. Akala nito siguro ay hindi niya papatulan ang sinasabi nito. Umalis na lamang si Mayette sa harapan niya na hindi maipinta ang mukha nito.

The Bride's Man series: Love was made for usBasahin ang storyang ito ng LIBRE!