KABANATA XXXI

19 1 0

KEN'S POV

Sumakay kami sa kotse ko

At pumunta kami sa isang restaurant

Umupo sa pangdalawahang table, nag order kami at kumain

"may sasabihin ako Monica" time na para malaman niya na may gusto sa kanya si Gino

"ano yun ?"

"Nag usap kami ni Gino, nasabi niya na...na...na...na uhmm

"Na ?"

"may gusto siya sayo" mahina kong sabi

Napatigil siya sa kakakain

"ah eh kasi Ken, uhm nagconfess na rin siya sa akin"

"yun nga, gusto niya daw ako at gusto niya akong ligawan"

"eh anong sabi mo ?"

This is the moment

"pinag iisipan ko p—

"ano !?! pinag iisipan pa ba yang bagay na yan ?! alalahanin mo Monica, andito na akong nanliligaw sayo" medyo galit kong sabi

"Eh let's give him a chance ?" baliw ba siya

"anong let's give him a chance ? respeto naman sa akin Monica, nawala lang ako ng dalawang buwan, naging ganyan ka na ?"

"sorry na" yun na lang nasabi niya at pinagpatuloy na pagkain niya

habang tinititigan siya habang kumakain, bigla akong napaisip

.

.

.

.

.

"Monica may gusto ka na rin ba sa kanya ?" diretsahan kong tanong, yun yung naisip ko eh

Bakit pa niya pag iisipan na magpaligaw kay Gino kung talagang ako lang mahal niya diba ?

"hmmm ?"

"may gusto ka ba kay Gino ?"

"ano bang klaseng tanong yan Ken ? sumosobra na yang kaselosan mo ha" galit na rin siya

"gusto ko kasi malinaw, ayaw ko ng umasa pa...kaya please lang Monica magsabi ka ng totoo, nagmumukha akong tanga dito eh"

"yun na nga problema sayo eh, umaakto kang tayo na pero hindi pa naman, bawasan mo naman ka-OA han mo Ken...malapit na akong magsawa" nadurog puso ko sa mga sinabi niya

"nag aalala lang naman kasi ako sayo"

"ano akala mo sa akin, bata pa ? tss" inirapan niya ako

Bakit ba biglang nag iba ugali niya ?

Hindi naman siya ganyan dati eh

Tumulo tuloy luha ko....

She* para akong bata

Pinunasan ko kaagad luha ko

"sorry na...mahal kasi kita kaya ako nagkakaganito, sorry" malambing kong sabi at tumabi sa kanya

"sorry rin kasi nasabihan kita ng ganun, hayaan mo mula ngayon tayo na" napatigil ako sa sinabi niya

"ah ano pakiulit ?" nag reready na kaloob looban ko na magparty

"tayo na, sinasagot na kita"

Napa.....

"YESSSSSSSSSSSS.....HOOOOOOOOOOOO !" sigaw ko sa buong resto

United LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!